Nagtaka si Arman sa sinabi ni Marika na wala siyang nagustuhan sa mga pinupuntahan nito. Kaya lalo pang nagtanong si Arman.
Arman: "Kung wala kang nagustuhang lugar dito sa isla, eh di ibig sabihin may trabaho ka dito."
Marika: "Bakasyon lang talaga ang ipinunta ko dito."
Nagtaka na ng husto si Arman dahil sa parang may itinatago ito. Kaya nagtanong na ng mejo personal si Arman.
Arman: "Miss Marika, mawalang galang na, pero anu ba talaga ipinunta mo dito sa isla?"
Nanahimik si Marika dahil sa tanong sa kanya ni Arman. Nakikita ni Arman na kinakabahan si Marika sa kanyang sasabihin.
Marika: "Arman, Archie. Mapagkakatiwalaan ko ba kayo?"
Archie: "Miss Marika? Naguguluhan po ako sa tanong nyo. Anung ibig nyo pong sabihin?
Arman: "Confidential ba ang dahilan kaya nandito ka sa isla?"
Nalilito si Archie sa pinag-uusapan ni Miss Marika at ng kanyang tatay. Ngunit sinabihan sya ng kanyang tatay na ipapaliwanag nya kung anu ang nagyayari.
Marika: "Gusto kong mag-usap tayo sa walang gaanong tao kung maari."
Arman: "Sige."
Lumabas sila Marika kasama ang mag-ama at pumunta sa may malapit na eskinita na walang gaanong tao. At doon ipinaliwanag ni Marika ang dahilan nya kung bakit sya nasa isla.
Marika: "Ipapaliwanag ko sa inyo kung bakit narito ako sa isla, pero may isa akong tanong sa inyo. Maipapangako nyo ba na hindi nyo ipagsasabi ang mga maririnig nyo."
Arman: "Oo naman. Maasahan mo ako jan."
Archie: "Opo, Miss Marika."
Marika: "Oh sige. Ang totoo, trabaho ang nag-udyok sa akin para pumunta dito sa isla. Isa akong Archeologist mula sa Selma University."
Arman: "Archeologist ka?"
Archie: "Tay!! Anu po ang Archeologist?"
Marika: "Pogi. Kami yung mga naghahanap ng mga sinaunang bagay. Tulad ng mga buto ng dinosaurs, yung pyramid at mga bagay ng naiwan ng mga sinaunang tao upang mapag-aralan."
Archie: "Wow! Ang galing nyo naman kung ganun po ang trabaho nyo."
Arman: "Ok. Mabalik tayo sa dapat na pag-usapan. Kung archeologist ka at nandito ka sa isla, ibig sabihin may nahanap kang luma dito?"
Marika: "Ehhh....posible."
Arman: "Anung ibig mong sabihin na posible?"
Marika: "May narinig kasi akong isang kwentong-bayan tungkol sa sinaunang siyadad dito sa isla. Sinasabi na ito raw na siyudad na ito ay posibleng ang pinakaunang kaharian dito sa bansa. Hindi lang iyon ang nakakainteres sa kwento. Sinasabi din na dito unang nagawa ang pinakaunang libro ng mga babaylan kung saan taglay daw nito ang mga sinaunang orasyon at mahika ng unang babaylan."
Arman: "At naniniwala ka sa magic?"
Marika: "Kung naniniwala ako sa magic, eh di sana pinatanda ko na si pogi dito na maging kasing edad ko."
Archie: (Anu patatandain nya ako kung may magic sya?! Mukhang gusto nya ako.)
Marika: "Pero dahil wala namang katotohanan ang mga magic echos na yan, mas interisado ako na madiskubre ko na totoo ang Sinaunang siyudad at bonus na rin na maidisplay ang libro at maging headline ang pangalan ko sa TV dahil napatunayan ko na totoo ang sinaunang siyudad."
Arman: (Grabe! Ang taas din ng pangarap mo.) "Kung ganun, bakit kailangan mo pang isekreto ang tungkol jan sa hinahanap mo?"
Marika: "Aba! Siyempre! Hindi lang ako ang naghahanap sa lugar na yun! Nagkalat din yung mga treasure hunters jan! Panu kung ihostage nila ako?! Eh di sila na nakinabang sa hinahanap ko imbes na ako."
Arman: "Kung sabagay may punto ka. So may lead ka na kung nasaan ang treasure city mo?"
Marika: "Oo pero may kakaiba sa lead ko."
Archie: "Anung kakaiba sa lead nyo po?"
Marika: "Kung maalala nyo yung balita tungkol sa mga nawawalang tao dito sa isla?"
Arman: "Mukhang interisado na ako. Sige ituloy mo."
Marika: "Isa dun sa nawawalang tao ay tauhan ko. Inutusan ko sya na galugarin ang sinasabing gitnang gubat ng isla."
Archie: "Gitnang gubat?"
Arman: "Archie, yun yung gitnang parte ng isla na sobrang liblib at iniiwasan ng mga tao na puntahan magmula pa noon. Kahit ang lola mo pinagbabawalan kami na pumunta sa lugar na yun. Tsaka sinung taga rito ang maglalakas ng loob na sundin ang utos mo at galugarin ang gubat na yun?"
Marika: "Wag kang mag-alala dahil hindi taga rito ang inutusan ko. Sundalo yun at sinunod naman nya ang inutos ko sa kanya."
Arman: "Oo nga noh. Ba't hindi ko naisip yun?
Marika: "Noong una tuwang-tuwa ako sa ibinalita nya na totoo ang siyudad matapos niyang galugarin ang gubat. Eto pa nga oh yung kuha ng camera nya.
Ipinakita ni Marika sa android phone nya ang kuhang litrato na ebidensya ng sinaunang siyudad. Namangha sila Archie at Arman sa kanilang nakita.
Arman: "Totoo ba yan?!!"
Marika: "SSSSHHHHHH!!!!! Wag ka maingay. Baka may makarinig sa atin."
Archie: "Tay! Mukhang totoo ang sinasabi nya.
Arman: "Kung nakuhanan nya iyan ng litrato at nakabalik siya sa'yo, paano siya nawala?"
Marika: "Eh...yun nga ang nakapagtataka kung panu sya nawala. Hindi sya nawala nung ginalugad nya ang gitnang gubat. Pero pagkatapos niya ibigay ang kuha nyang litrato, at nakipag-inuman sa bar ng hotel, bigla syang nawala noong sinabi nya na magpapahangin lang daw sya sa may pool ng hotel."
Kinilabutan ang mag-ama sa sinabi ni Marika sa pagkawala ng tao na inutusan nya at lalo pang nagimbal ang mag-ama ng sinabi ni Marika na pangalawa ito sa mga unang nawawala.
Arman: "Marika, ayoko sanang sabihin to pero kung anu man kumukuha sa mga tao na nawawala dito sa isla ay baka may kinalaman jan sa sinasabi mong sinaunang siyudad.
Mas makakabuti muna kung hindi mo muna pagtatangkaang puntahan ang lugar na yan hanggang sa malaman natin kung sino o anu ang nangunguha sa mga tao."Marika: "Oo, Arman. Marahil tama ka."
Archie: "Wag kang mag-alala, Miss Marika. Ligtas ang sikreto mo sa amin ni tatay."
Marika: "Thank you talaga sa inyo. Ang bait nyo talaga. Bilang pasasalamat, sagot ko na ang gastusin nyo sa mga bibilhin nyo sa palengke."
Gusto man sanang tumanggi ng mag-ama ngunit nagpumilit si Marika na sagutin ang gastusin nila sa palengke. Matapos nito, ihinatid ng mag-ama si Marika sa tinutuluyan niyang Rumes Hotel upang makasigurong walang mangyayaring masama sa kanya at nagpasalamat muli si Marika sa mag-ama. Umuwi na din agad ang mag-ama sa nayon upang maghanda sa magaganap na prusisyon.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...