Pagdating nila Arman at Archie sa bahay ni Lola Lita, agad ng nagluto si Arman ng kakaining ulam hanggang sa hapunan upang hindi na sya magluto oras na magsimula na ang prusisyon.
Si Archie naman, tinulungan na ang Tito Celito nya na ilagay sa karo ang mga halaman bilang dekorasyon sa karo. Matapos nun, tinawag na muna ni Arman si Celito upang mananghalian bago dalhin sa simbahan ang karo.
Oras na lang ang hinihintay ni Archie bago magprusisyon kaya pumasyal na muna sya sa kanto upang kamustahin ang Tito Marcel nya. Ngunit nadatnan niyang wala ng tao sa kanto at nakahanda na ang mga krus ng mga gaganap na magkrikristo. Kaya bumalik na lang siya sa bahay at umiglip na lamang.
Pagkagising ni Archie mula sa pagkaka-iglip, sakto na ang oras bago magprusisyon. Kaya naligo at nagsipilyo sya, isinuot ang nakahandang damit at ang kanyang kuwintas sabay ayos sa kanyang buhok.
Nang maayos na ang lahat, tsaka sya umalis sa bahay ng kanyang lola.Pagdating nya sa plaza, hindi mahulugang-karayom sa dami ng mga bakasyonista na dumalo sa prusisyon at naghihintay ang mga tao na lumabas ang mga pipilahang rebulto mula sa simbahan. Naisip ni Archie na bumili ng kandila na gagamitin kaya bumili sya sa malapit na pwesto.
Kaso nga lang hindi napansin ni Archie kung sino ang mga nagtitinda sa pwesto na binilhan niya ng kandila dahil sa nakatitig sya sa kalidad ng kandila na kanyang bibilhin.
Archie: "Pabili po ako, Manang, ng isa po nito."
Pagtingin ni Archie sa nagtitinda, nagulat sya na ang nagtitinda ay si Rochel na nasa harap nya, kasama ang nanay nito.
Rochel: " 25 pesos isa nyan."
Arman: "Eh...Ano talaga bang...."
Rochel : "Kung di ka bibili, umalis ka na jan. Abala pa kami sa pagtitinda."
Nadismaya si Archie sa ipinakitang asal sa kanya ni Rochel at dahil na rin sa umaasa sya na akala nya ay sasamahan sya nito sa prusisiyon. Kaya naman binayaran nya ang kandila sa halagang 50 pesos ngunit iniwan din lang sa nagtitindang si Rochel.
Rochel: "Hoy!!! Nakalimutan mo yung binili mo!!!"
Archie: "Sa'yo na yan. Sa'yo na din ang sukli."
Malungkot na umalis si Archie mula sa pwesto nila Rochel. Masama ang loob nya dahil tila nakalimutan ni Rochel ang pinagsamahan nila nuong ginagawa pa ni Archie ang lahat ng ipinagawang gawaing-bahay ni Rochel sa kanya.
Naisip nya na dumiretso ng umuwi, ngunit naisip din nya na baka makasalubong nya sina Shiela at Buboy, at hikayatin pa syang sumama sa kanila.
Kaya lumihis sya ng daan at pumunta na lang sa park. Pagdating nya, humiga sya sa bench ng park at pilit na lang nyang matulog upang palipasin ang prusisyon. Makakatulog na sana sya ng biglang may kumalabit sa balikat nya.
Pagmulat nya, nakita nyang si Rochel ang nasa harapan nya at inabot sa kanya ang kandila na binili nya kanina lang. Matutuwa sana si Archie dahil sa nag-abala pa na ibigay ni Rochel ang kandila sa kanya nang magsalita si Rochel.
Rochel: "Kunin mo na yan. Babalik pa ako sa pwesto."
Nang marinig ni Archie ang mga sinabi ni Rochel, hindi nakontrol ni Archie na ibato ang kandila sa basurahan. Sa lakas ng pagbato nya, nadurog at nagkalat ang piraso nito sa lupa.
Nagulat naman si Rochel sa naging reaksyon ni Archie sa kanyang sinabi at hindi nya inaasahan na makita sa unang pagkakataon na magalit si Archie sa kanya.
Rochel: "Kailangan ba na ibato mo pa ang kandila?!"
Archie: "Bakit? Masama bang maglabas ng sama ng loob? Kung sasabihin mo lang naman na babalik ka sa pagtitinda sana di ka na nag-abala na ibigay yan sa akin."
Rochel: "Eh....pinilit ako ni nanay na ibigay yan sa'yo!! Kaya naman hinanap kita."
Archie: "Wala naman kwenta yan kung hindi lang naman ako dadalo sa prusisyon. Anu bang silbi pa nyan?"
Napansin ni Rochel na sobrang sama ng loob ni Archie sa kanya. At ayaw naman nyang kamuhian sya nito.
Ngunit ang ikinakatakot ni Rochel, kapag nagpatuloy na kasama niya si Archie ay baka mapahamak ito.
Gaya na lang sa nangyari kung saan muntik nang malunod si Archie.Kaya pilit nyang sinusubukan na lumayo kay Archie at kalimutan ang tungkol sa pinagsamahan nila noong may kasunduan pa sila.
Ngunit nakita rin ni Rochel na gusto pa rin syang makasama ni Archie sa prusisyon sa kabila ng ginagawa nyang pag-iwas kay Archie. Kaya naman pumayag na sya sa gusto ni Archie na samahan sya sa prusisyon.
Rochel: "Sige!!! Kung yan ang gusto mo, sasamahan na kita sa libot. Pero sa isang kundis-..."
Archie: "Tama na!!! Tumigil ka sa kakakundisyon mo!!!! Basta't sumama ka na lang sa akin!!."
Nagulat si Rochel ng pinigilan sya ni Archie na magsabi ng kundisyon.
Archie: "Halika na!! Bumili na tayo ng kandila!! At magsisimula na ang prusisyon!!"
Hindi na nakapagsalita pa si Rochel dahil nagmamadali na si Archie na bumili ulit ng panibagong kandila at wala na syang nagawa kundi sumunod na lang sa gusto ni Archie.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...