CHAPTER 42: KASUNDUAN

39 4 0
                                    

Rochel: "Gusto kong makasiguro na hindi mo ako tatakasan.

Problemado si Archie sa kanyang narinig at ayaw syang palusotin nito dahil sa nangyari. Dagdag pa nya....

Rochel: "Gusto ko din na pagbayaran mo yung paninilip sa akin."

Archie: "Jusko naman!! Rochel! Hindi pa ba sapat na makita mo na aksidente lang akong nadulas sa gilid ng sapa."

Rochel: "Hindi!"

Archie: "Bakit naman hindi?!"

Sandaling tumahimik si Rochel dahil sa matinding inis na nararamdaman nya. At pulang-pula na din ang mukha nya sa kanyang sasabihin.

Rochel: "Dahil importante sa akin na ang makakakita lang sa katawan ko ay yung taong mahalaga sa akin at mamahalin ko!!! Ang kaso, dahil sa manyak na gaya mo!! Nakakababa ng pagkatao ko yan ginawa mo!!! Kaya kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo sa akin!!!"

Archie: "Pambihira naman oh!! Sabing aksidente nga di ba?!! Hindi ko nga sinasadya na makita kang naliligo jan sa sapa!!

Pilit pa rin ni Rochel na sinabi kay Archie na kailangan nyang pagbayaran ang paninilip sa kanya nito, kahit na ipinagpipilitan ni Archie na aksidente lang ang nangyari. Hanggang sa pinagbantaan na sya nito.

Rochel: "Sige!! Ipagsasabi ko sa buong nayon na sinilipan mo ako dito sa sapa!!! Kapag sinabi ko sa barangay, ikaw din lang ang magsisisi!!!"

Hindi makasagot si Archie sa banta nito sa kanya. Naalala din kasi ni Archie kung panu magalit ang kanyang Lola Lita at hiyang-hiya na ito sa mga reklamo ng barangay dahil sa pagnanakaw ng tanim nang Tiyo Marcel nya.

Baka ikahiya pa sya ng Lola nya kapag dumagdag pa si Archie sa problema nito. Kaya wala nang nagawa si Archie kundi ang pumayag sa gusto ni Rochel.

Archie: "Sige, papayag na ako sa gusto mo na pagbayaran ang kasalanan ko sa'yo. Ngayun, panu ko babayaran yung kasalanan ko?"

Rochel: "Hmmmmmm......"

Nag-iisip si Rochel ng ipapagawa habang mausisa nyang tiningnan si Archie. Hanggat sa nagtanong sya ng sunod-sunod kay Archie.

Rochel: "Malakas ka ba magbuhat?"

Archie: "Mejo."

Rochel: "Kaya mo bang mag-igib ng tubig sa balon?"

Archie: "Mejo

Rochel: "Marunong ka bang mangisda?"

Archie: "Mejo."

Rochel: "Alam mo ba gumamit ng palakol?"

Archie: "Hindi."

Rochel: "Marunong ka bang magsibak ng kahoy?"

Archie: "Hindi."

Rochel: "Kaya mo bang umakyat sa mga matataas na puno?"

Archie: "Hindi din."

Rochel: "Wala ka naman palang kwenta!"

Archie: "Anu sinabi mo?!!"

Rochel: "Narinig mo naman di ba?! Hindi ko na kailangang ulitin pa ang sinabi ko! Tsaka wala ka namang pakinabang! Kasi wala ka namang kayang gawin!

Nainis ng husto si Archie sa sinabi ni Rochel sa kanya. Ngunit may sinabi pa si Rochel kung saang naging disperado sya sa problemang pinasok nya.

Rochel: "Total wala ka namang pakinabang at manyak ka din lang, isusumbong na lang kita sa barangay.

Nataranta si Archie sa sinabi ni Rochel na isusumbong sya sa barangay dahil sa paninilip daw nya. Kaya naman nagmakaawa si Archie ng husto.

Archie: "Rochel! Pakiusap naman! Wag mo na akong isumbong sa barangay! Tsaka napatunayan ko naman na aksidente kitang nakita na naliligo sa sapa di ba?! Kung gusto mo, gagawin ko lahat ng ipapagawa mo! Wag mo lang ako isumbong!"

Rochel: "Gagawin mo? Lahat?"

Nagkainteres si Rochel sa sinabi ni Archie sa kanya kaya naman tinanong pa ni Rochel si Archie.

Rochel: "Kaya mo bang patunayan sa sarili mo na may pakinabang ka?"

Archie: "Oo!! Kaya ko! Gagawin ko lahat wag mo lang ako isumbong!!

Nakita naman ni Rochel na determinado si Archie kaya tinanggap niya ang alok nito na gagawin ang lahat ng ipagawa niya sa kanya.

Rochel: "O sige. Tatanggapin ko ang alok mo na gagawin mo lahat ng mga ipapagawa ko sa'yo. Pero para makasiguro ako, saan ka nakatira?"

Archie: "Eh...kailangan ba talaga malaman mo kung san ako nakatira?

Tinitigan ng masama ni Rochel si Archie ng husto. Kaya napasabi na lang sya kung saan sya nakatira.

Archie: "Oo na! Sige na! Nakatira ako kina Lola Lita."

Rochel: "Mana ka pala sa Tito mong laman ng barangay."

Archie: "Hindi ako nagmana sa kanya! Yung nangyari sa'yo aksidente lang!"

Rochel: "Oo na."

Archie: "So pinapatawad mo na ba ako sa nangyari kanina?"

Rochel: "Hindi pa rin! Kailangan mo pang patunayan sa akin na may pakinabang ka at gagawin mo lahat ng ipapagawa ko sa'yo di ba?"

Archie: "Oo. Gagawin ko lahat. Wag mo lang ako isumbong. Pero hindi mo pa rin ba ako mapapatawad?"

Rochel: "Patatawarin kita kung natapos mo na lahat ng ipapagawa ko sa'yo."

Archie: "Oo na. Mukha namang wala na akong magagawa ehh.."

Rochel: "Kung ganun, umalis na tayo dito sa bundok at magdidilim na. Ang tagal mo kasing natulog. Sabay na tayong bumalik sa nayon."

Archie: "Oo. Pasensya na. Tsaka, taga dun ka din sa nayon?"

Rochel: "Oo. Bakit?"

Naisip ni Archie na wala na talaga syang ligtas at nakatali na sya kay Rochel dahil sa kasunduan nila na lahat ng ipapagawa nito ay kailangan nyang gawin.

Ang nakapalala pa sa sitwasyon ni Archie ay nakatira din si Rochel sa lugar kung saan din sya nakatira. Kaya sabay na lang silang bumaba ng bundok at bumalik sa nayon.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon