Nabigla ang dalawa sa biglang dating ng alon kaya hindi sila nakapaghanda sa kung anu ang gagawin.
Nilamon ng alon ang kanilang bangka at pinaikot ito. Agad lumangoy si Archie paitaas ng tubig nang biglang tumama sa ulo nya ang palutang ng bangka na dahilan upang mawalan sya ng malay.
Si Rochel naman, nagawang maisa-ayos ang umikot na bangka sa dati nitong posisyon. Ngunit napansin nya na hindi pa umaahon si Archie.
Kaya sumisid sya sa tubig upang hanapin si Archie. Nang makita nya si Archie, lumulubog na ito, kaya agad na hinawakan ni Rochel ang kanyang kamay at umahon sila sa tubig. Ihiniga ni Rochel sa bangka si Archie at natataranta na baka nalunod na ito.
Naalala ni Rochel ang napag-aralan niyang mouth-to-mouth resuscitation at CPR sa eskwela kapag may taong nalunod. Hindi sya makapaniwala na kailangan nya itong gawin upang maisalba ang buhay ni Archie.
Hindi na nagdalawang isip si Rochel at nagsagawa na ng CPR kay Archie. Nagbilang ng limang bilang si Rochel habang dinidiinan nya ang dibdib ni Archie sabay halik at buga ng hangin sa bibig nito.
Rochel: "Pakiusap!! Archie! Gumising ka na!"
Muli na namang nagCPR at nagbuga ng hangin si Rochel sa bibig ni Archie. Ngunit hindi pa rin humihinga at nagkakamalay si Archie. Pinilit pang muli ni Rochel sa pangatlong pagkakataon na i-CPR si Archie at umiiyak na dahil sa hindi parin ito humihinga at nagkakamalay.
Rochel: "ARCHIE!! NAKIKIUSAP AKO SA'YO!!! GUMISING KA NA!!!"
Sa pang apat na subok na pagCPR at pagbuga ng hangin ni Rochel sa bibig ni Archie, bigla itong umubo. Kaya pinatagilid ni Rochel si Archie upang maisuka ang nainom na tubig at pinagpag nya ang kanyang likod upang makahinga.
Rochel: "ARCHIE!!! AYUS KA LANG?!!!! ARCHIE!!!"
Archie: "Rochel, anung nangyari?"
Rochel: "ANUNG NANGYARI?!! MUNTIK KA NG MAMATAY!!! TAPOS YAN LANG SASABIHIN MO?!!!!!"
Umiiyak na sumisigaw si Rochel kay Archie dahil sa sobrang nataranta sya sa pagkalunod ni Archie.
Rochel: "NAKAKAINIS KA!! Sobrang nakakainis ka!!! Kinailangan pa kitang bugahan ng hangin sa bibig mo para mailigtas kita!! Alam mo ba yun ha?!!!"
Archie: "Anung ibig mong sabihin Rochel? Naguguluhan pa ko."
Rochel: "Hinalikan kita!!! Para mailigtas kita!!!! Wala pa akong hinahalikang lalaki sa buong buhay ko maliban sa'yo!!!!!!"
Archie: "Teka?!! ANU?!!! HINALIKAN MO AKO?!!!"
Rochel: "OO!! HINALIKAN KITA!!! DAHIL NAKAKAINIS KA!!!!!"
Hindi makapaniwala si Archie sa kanyang narinig mula kay Rochel na hinalikan siya nito. Ngunit naisip ni Archie na ginawa lang iyon ni Rochel dahil sa gusto syang iligtas nito mula sa pagkalunod.
Archie: "Rochel. Sa...salamat at iniligtas mo ako kanina."
Namula ang mukha ni Rochel ng magpasalamat si Archie sa kanya. Ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak si Rochel dahil sa sobra syang natakot na baka hindi nya mailigtas si Archie kanina.
Kaya naman si Archie, lumapit at tinabihan si Rochel. Isinubsob ni Rochel ang kanyang mukha sa dibdib ni Archie at niyakap sya ng maghigpit.
Hinayaan naman sya ni Archie at hinintay nya si Rochel na mahimasmasan at tumigil sa pag-iyak.
Ilang minuto rin ang nakalipas, tumigil na rin sa pag-iyak si Rochel at katabi pa rin nya si Archie. Naiisip pa rin ni Rochel ang kanyang ginawa na pagligtas kay Archie mula sa pagkalunod kanina kung saan hindi mawala sa isip nya ang paghalik nya kay Archie.
Rochel: (Anung gagawin ko?!!! Hindi pa rin mawala isip ko yung pagmouth-to-mouth ko kay Archie kanina?!! Alam ko sa sarili ko na gusto ko sya pero......BAKIT SOBRANG NAPAKA-AGA NAMAN NA MANGYARI TO?!!!!!!!)
Namumula pa rin ang mukha ni Rochel kapag naiisip nya ang nangyari. Si Archie naman, patay-malisya lang sa reaksyon ng mapulang kulay na mukha ni Rochel at pilit na iniiwasang isipin o mapag-usapan ang pagmouth-to-mouth nito sa kanya. Kaya naisip na lang niyang manghuli na lang ulit ng isda upang mawala ang pagkailang nila pareho.
Archie: "Rochel, mukhang lahat ng huli natin kanina, nakawala nung pinaikot sa loob ng alon ang bangka natin kanina. Kaya naman naisip ko na manghuli na lang ulit."
Tumango na lang si Rochel nang marinig ang sinabi ni Archie. Di kalauna'y tumulong na rin si Rochel sa paghahagis ng lambat.
Nang makahuli na sila ng sapat, agad na rin silang bumalik sa pampang. Nababahala si Archie kay Rochel dahil sa hindi na sya nito kinakausap mula ng mangyari ang pagkalunod niya sa laot.
Pagbalik nila, agad na sinabihan ni Rochel na umuwi na si Archie upang magpahinga. Sinabi rin nya kay Archie na wala na siyang ipapagawa pa at tapos na ang kasunduan nila ni Archie na gagawin ang lahat ng ipapagawa nito. Sabay agad na umalis pauwi ng kanyang bahay si Rochel.
Sobrang nagtaka si Archie sa sinabi ni Rochel na tapos na ang kasunduan nila sa ipapagawang gawaing-bahay ni Rochel sa kanya.
Habang pauwi sa bahay ng kanyang lola. Hindi mapalagay si Archie sa mga sinabi ni Rochel sa kanya. Para bang gulong-gulo at wala sa tamang pag-iisip si Rochel. Inisip mabuti ni Archie ang mga ipinapagawa sa kanya ni Rochel mula noong nakilala nya ito.
Hanggang sa napagtanto nya na ang dahilan, dahil sa naalala ni Archie ang mga ipinapagawa sa kanya na mejo kakaiba at sa kakaibang ikinikilos nito noong nakaraang buwan.
Kaya naman, pumunta si Archie sa bahay ni Rochel at tinawag ito na agad namang lumabas ng kanyang bahay.
Rochel: "Bakit Archie? Bakit mo ako hinahanap?"
Archie: "Makikidalo ka ba sa prusisyon bukas?"
Rochel: "Pasensya na, Archie. Tutulong ako sa pagbebenta ng kadila bukas."
Napansin ni Archie na parang iniiwasan na sya ni Rochel, kaya naman sinabi na lang nya ang isang bagay na marahil ay ipag-aalala ni Rochel.
Archie: "Umaasa pa naman ako na sasamahan mo ako bukas. OK lang. Sanay na akong mapag-isa. Kaya dadalo na lang ako ng mag-isa bukas. Sige! Alis na ako."
Naglakad na palayo si Archie mula sa bahay ni Rochel. At umaasa sya na sasamahan sya ni Rochel sa pagdalo nya sa prusisyon.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...