CHAPTER 18: RUMBLE MASTER

45 6 6
                                    

Napatumba na ng tuluyan ni Archie ang mga nambubully sa kanya na syang nakahiga na sa semento. Pagod at sobrang sakit na din ng kanyang buong katawan na dahilan upang mapahiga na din sya sa semento.

Archie: "Sa wakas! Napatumba ko na din etong tatlong to!! Hindi na siguro na nila ako bubulihin pa."

Napasabi sa sarili si Archie sa sobrang galak nito na akala niya ay titigil na ang mga bully sa kanya. Ngunit nagkaroon na ng malay ang Bully leader at ang kasama nitong Bully 2.

Bully leader: "ARGH!!! GRABE!! Ang sakit ng ginawa mo sa akin ha?!!"

Bully 2: " Kaya nga eh. Natural na masakit!! Tuhod yan ginamit nya eh!!"

Bully leader: "Kung akala mo porket nawalan ako ng malay, tapos na kami sa'yo, JAN KA NAGKAKAMALI!!!!"

Gulat at hindi makapaniwala si Archie sa nakikita nito na ang nauna nyang pinatumba ay may malay na at parang hindi nasaktan sa kanyang panunuhod sa kanila.

Bully leader: "ABA! Pagod ka na Archie?!! Akala pa naman namin may ibubuga ka?!! Kung akala mong titigilan ka na namin sa pangbubully sa'yo kapag nabugbog mo kami, jan ka nagkakamali!!
Lampa ka pa rin!!!! Dahil hindi mo pa rin kami natatalo!!!"

Tila napanghinaan ng loob at parang nawalan ng pag-asa si Archie nang mabanggit ng Bully leader na hindi pa rin siya titigilan ng mga ito.

Ang masaklap pa ay kahit na nilabanan na ni Archie ang mga ito, hindi pa rin naging sapat na masaktan sila upang tigilan sya sa pangbubully. Ang masama pa, bubugbugin pa rin sya ng mga ito kahit na pagod at masakit na ang kanyang katawan.

Dahil sa wala na din syang magagawa, tinanggap na lang nya ang kanyang kahihinatnan mula sa mga ito. Ngunit hindi inaasahan ni Archie ang mga sumunod na pangyayari.

????: "Hoy....Tumigil na kayo sa pambubully jan kung ayaw nyong kayo ang masaktan."

May isang lalaki na napadaan sa eskinita kung saan sila naroroon. Napatingin silang lahat dito kasama si Archie at nagulat ang dalawang bully na parang kilala nila ito. Sa paningin ni Archie, kasing edad lang nila ang lalaki.

Bully 2: "Te..te..Teka!!!! Si Jett yan ah!!!!"

Bully leader: "Si Jett?!! Yung Gagong si Jett?!!!

Bully 2: "Oo!! Sya yung estudyanteng ang daming ginawang katarantaduhan sa mga teachers natin nuong Grade 6 at 7 pa tayo!! Sya din yung bumasag sa salamin ng kotse ng principal natin!!!! At tsaka miyembro ng isang gang ang kapatid nyan!!!!"

Jett: "SINONG TINATAWAG NYONG GAGO HA?!!!!! GUSTO NYO TALAGANG SA SEMENTERYO ANG ABUTIN NYO HA?!!!!!!"

Bully leader: "Naku!! Lagot tayo!! Umeskapo na tayo!! Buhatin mo na yan tulog jan!! Dalian mo!!"

Bago pa man nakaalis ang mga bully ay naabutan na sila ng suntok at sipa na tila mala-master ng karate, taekwondo, muay thai at arnis ang lalaki na tinawag nilang Jett. Bugbog sarado ang dalawang bully kahit na dalawa pa sila na nagtulong upang labanan ang bagong dating na lalaki. Ang masaklap pa, nadamay na din sa panununtok, paninipa, paniniko at panunuhod ang walang malay at walang kamalay-malay na Bully 1 na kasama ng mga bully.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon