CHAPTER 70: PAGLALAHAD

36 3 0
                                    

Hindi malaman ni Rochel kung anu ang tumatakbo sa isip ni Archie kung bakit ayaw pa rin sya bitawan. Kaya sumunod na lang sya sa sinabi ni Archie.

Pagdating nila sa park kung saan may iilan lang na tao na naglalakad pero malapit naman sila sa plaza. Umupo si Archie sa bench na natatakpan ng puno ng akasya kung saan di sila gaanong nakikita sa plaza. Agad namang binitawan ni Archie ang kamay ni Rochel. Tsaka naman nagtanong si Rochel.

Rochel: "Archie, bakit tayo nandito sa pwesto na ito? Tsaka hindi din tayo kita ng mga tao sa plaza. Nag-aalala ako baka mapahamak tayo dito sa pwestong to. Lalo na't gabi na."

Sandaling tumahimik si Archie at nagsalita din lang.

Archie: "Rochel, may....gusto akong ibigay sa'yo."

Rochel: "A...anu yun?"

Mula sa leeg ni Archie, kinalas niya ang kalahati ng kanyang kuwintas at isinuot nya ito sa leeg ni Rochel. Kaya pala napansin ni Rochel na may dalawang tali ang kuwintas ni Archie habang naglalakad sila.

Rochel: "Archie, ang ganda naman nito. Parang napakamahal ng bili mo dito sa kuwintas."

Archie: "Wag mong alalahanin ang presyo nyan. Kasi hindi naman mahal ang bili ko jan. Tsaka alam mo ba kung bakit ko ibinigay sa'yo yan?"

Rochel: "Bakit nga ba, Archie?"

Archie: "Kasi ilang linggo na lang at matatapos na ang bakasyon ni tatay dito sa isla. Nag-aalala ako na baka makalimutan mo ako na para bang hindi mo ako nakilala sa buhay mo. Kaya naman kung maari, pwede mo ba ako pagbigyan na sagutin ang tanong ko sa'yo? Wag kang mag-alala, isang tanong lang naman ito."

Rochel: "Sige, payag ako. Anu ang gusto mong itanong?"

Archie: "Sa kabila ng lahat ng ipinagawa mo sa akin na kasunduan natin noong una tayong nagkakilala, bakit mo ba ako iniiwasan ngayon, Rochel?"

Nung una'y ayaw sagutin ni Rochel ngunit sinagot nya rin dahil baka magalit muli si Archie sa kanya gaya kanina.

Rochel: "Umiiwas ako sa'yo, dahil sa ayaw ko na mapahamak ka nang dahil sa akin. Mula noong nalunod ka kahapon, ayoko ng danasin ulit yung nangyari na halos wala akong magawa para isalba ang buhay mo. Kagabi, hindi ako makatulog dahil naaalala ko pa rin yung nangyari. Kaya patawarin mo ako, Archie, kung nagsungit ako sa'yo kanina.

Tumulo ang luha ni Rochel habang sinasabi nya ang kanyang dahilan na pag-iwas kay Archie. Nagpatuloy pa si Rochel sa mga gustong sabihin nito kay Archie.

Rochel: "Sorry talaga, Archie. Hindi ko na talaga alam kung anu ang gagawin ko kapag may nangyari ulit sa'yo. Sobrang natatakot na ako baka maulit na naman ang nangyari sa'yo kahapon sa ibang araw. Kaya naman kung maari, umiwas ka na lang din sa akin."

Archie: "Pasensya na, Rochel. Pero wala akong dahilan para iwasan ka. At ayoko din na iniiwasan mo ako dahil lang jan sa muntik na akong mamatay."

Rochel: "SIRA ULO KA BA?!!! Archie!!! Mas pipiliin mo pa rin bang makasama ako kahit na kamuntikan ka nang mamatay?!! Panu kung sa susunod na kasama mo ako ay matuluyan ka na?!!!!!"

Archie: "Bakit ba sobrang nag-aalala ka sa kung anu ang mangyayari sa akin sa susunod ha?!?!"

Rochel: "Sobrang nag-aalala ako sa'yo dahil......"

Archie: "Dahil anu?"

Rochel: "D..Da...Dahil.........."

Archie: "Baka dito sa gagawin ko ay masagot mo na ako."

Rochel: "Anung ibig mong sabi-!"

Biglang niyakap ni Archie ang katawan ni Rochel sabay idinampi sa labi nya ang bibig ni Archie. Nabigla si Rochel sa ginawang paghalik sa kanya ni Archie.

Archie: (Wala na akong pakialam Rochel kung suntukin mo ako o tadyakan o patayin mo ako sa bugbog ngayun! Ayoko ko nang itatago mo pa ang mga nararamdaman mo para sa akin dahil matagal ko nang napapansin na gusto mo ako. Kaya sa pagkakataong ito gusto kong ilabas mo na ang tunay mong nararamdaman.)

Rochel: (Panaginip lang ba to?! Hindi! Ramdam ko ang lambot ng labi nya!! Ibig sabihin ba nito, matagal ng alam ni Archie na gusto ko sya? At mahal ko na din sya.)

Dahan-dahan na inilayo ni Archie ang kanyang ulo mula kay Rochel matapos niya itong mahalikan. Kinakabahan si Archie sa kung anu ang gagawin ni Rochel sa kanya.

Rochel: "Nakakainis ka talaga!! Ba...bakit mo ginawa yun?!!!"

Archie: "Hindi mo ako susuntukin?!"

Rochel: "Hi....Hindi. Bakit mo ginawa yun?"

Archie: "Gusto ko lang na makabawi sa'yo sa pagligtas mo sa akin."

Rochel: "Yun lang ang dahilan mo?!!!"

Archie: "Hindi."

Rochel: "Eh anu?!!"

Archie: "Dahil mahal kita."

Nagulat si Rochel sa salitang binitawa ni Archie sa kanya. Hindi siya makapaniwala na sinasabi na ito mismo sa harapan nya.

Rochel: "Ma.....mahal din kita......."

Archie: "Anu ulit?"

Rochel: "Sabi ko wala!"

Archie: "Sabihin mo ulit yung sinabi mo?! Kung hindi, gagawin ko ulit yun."

Rochel: "Gawin mo."

Muli na namang lumapit si Archie at dahan-dahan na hinalikan si Rochel. Sa pagkakataong ito, tumitig si Rochel sa mga mata ni Archie ng diretso.

Rochel: (AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!! HINALIKAN NYA ULIT AKOOO!!!!!!!)

Archie: "Anu? Sasabihin mo na ba ku-"

Rochel: "Mahal din kita."

Matapos banggitin ni Rochel na mahal nya si Archie, sobra nyang niyakap ito.

Rochel: "Archie, salamat sa'yo. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ng masabi ko ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero nag-aalala ako na baka may-"

Archie: "Walang mangayayari sa akin na masama, OK? Panagako ko yan sa'yo. Basta't siguraduhin mo din na wala din masamang mangyayari sa'yo."

Rochel: "Oo. Pangako.

Matapos ang masinsinang pag-uusap na ngayo'y magkasintahan ng si Archie at Rochel, agad na rin silang umuwi ng mapansing pakonti na ang tao sa plaza at napakadelikado din na magtagal pa sila sa lugar na konti ang tao.

Nakauwi naman ng ligtas ang dalawa ngunit hinatid pa rin ni Archie si Rochel sa bahay nito kahit na kapitbahay nya lang ito. At umuwi na rin si Archie sa bahay ng kanyang lola.

Samantala. Sa may plaza, isang lalaki na may dalang alak ang palakad-lakad. Sa di kalayuan, may batang lalaki naman ang nakatambay sa harap ng bahay nito. Nagulat at nagtago sa likod ng bakuran ang bata ng biglang sumigaw sa sakit ang lalaking lasing.

Nasaksihan din ng bata ang nakakakilabot na nilalang na dumukot dito.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon