Pagputok ng araw, kasabay nito ang pagputok ng butse ni Arman sa galit dahil sa sobrang haba na agad ng pila sa bilihan ng ticket sa may pier. Pero wala na rin syang nagawa dahil ito ang patakaran ng management ng pier.
Makaraan ng ilang minutong paghihintay, nakabili na din sila ng ticket at nagmadali na silang pumila sa ferry ng makasakay na sila.
Laking ginhawa nang mag-ama ng makasakay na sila agad sa ferry. Muli ay sinabihan na naman ni Arman na magpahinga ulit habang nagbibiyahe ang ferry nang umandar na agad ang ferry na sinasakyan nila.
Nawili ng husto si Archie sa mga nakikita nyang tanawin sa ferry dahil sa sila'y nasa upper deck kasama ng mga iba pang mga pasahero.
Matapos ang isang oras na paghihintay, narating na rin nila ang pier ng Isla ng Paradisio at bumaba na sila mula sa ferry.
Arman: "Sa wakas! Nandito na tayo anak!!"
Archie: "Tay, akala ko ba malayo sa kabihasnan ang isla paradisio?"
Arman: "Dahil nandito pa tayo sa sentro ng isla. Wala pa tayo sa bayan kung saan nakatira ang lola mo."
Archie: "HA?!! Ibig nyo pong sabihin hindi po tayo dito magbabakasyon?!!"
Arman: "Oo anak! Bibiyahe na naman tayo!!"
Archie: "ANOOOO?!!"
Mukhang mali ang inakala ni Archie na maliit na isla ang isla ng Paradisio. Ang hindi nya alam, nahahati ang isla sa anim pang bayan ang naturang isla. Ang maunlad sa mga bayan na ito ay ang bayan kung saan sila nakatapak ngayun. Ang bayan ng Pier.
At akala ni Archie na ang tinatawag na pier ay daungan ng barko. Nainis din si Archie dahil ang tinutukoy na pier na daungan ay isa palang bayan
Lalo pa syang nainis at tinatamad ng magbiyahe nang malaman niyang nasa pinakaliblib na bayan nakatira ang kanyang lola. Ang bayan ng Risio.
Muli ay sumakay na naman sila sa isang pampasaherong van upang mapabilis ang kanilang biyahe.
Tuluyan nang nabagot si Archie sa kanilang biyahe dahil sa masyado nang mahaba ang oras na hihintayin niya bago sila makarating ng Risio.
Makalipas ang 3 oras, sa wakas ay narating na nila ang kanilang destinasyon, ang bayan ng Risio.
Arman: "Sa Wakas! Nandi—"
Archie: "Oo na po Tay. Wag niyo na po ipagsigawan. Nakakapagod na po."
Arman: "Eh sino bang may kasalanan kung bakit ka pagod? Ayaw mong sundin ang sinasabi ko na magpahinga ka para may lakas ka pa.
Archie: "Oo na po, Tay.
Arman: "Total nandito na tayo. Magsimula na tayo maglakad sa tutuluyan nating lodge.
Archie: "ANU PO?!!! MAGLALAKAD PO TAYO?!!"
Arman: "Oo!! Bakit?! May nakikita ka bang tricycle dito ha?! Wala di ba?!!"
Archie: "HA?! Anu ba naman yan?!"
Wala nang nagawa si Archie kundi maglakad papunta sa sinasabi ng kanyang tatay na lodge. Ang problema pa, ang lokasyon ng lodge ay nasa ibabaw ng isang mataas na burol sa tabi ng bundok na nakikita mula sa palengke ng bayan. Kaya naman parang napanghinaan ng loob si Archie na magpatuloy pa sa paglalakad.
Matapos ng isang oras na paglalakad, narating na nila ang sinasabing lodge. Nagulat si Arman nang makita nyang isa nang hotel resort ang naturang lodge na noo'y alam nya. Hanggang lumapit at isang lalaki na pamilyar sa kanya.
Ang lalaking ito ay ang may-ari ng hotel resort na ngayun na si Tandang Rumes.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...