CHAPTER 36: MGA ALOK

56 5 6
                                    

Matapos tanunging ni Celito ang mga pamangkin nya, nagdesisyon na magpaiwan na lang si Shiela at Buboy sa pampang at doon na lamang ituloy ang plano nilang mamingwit. Si Archie naman nagdadalawang isip kung sasama siya sa Tito Celito nya. Ngunit nakatunog ang tatay ni Archie sa planong pagsama sa kanya ni Celito sa dagat.

Arman: "Celito! May narinig ata akong may usapang mangingisda sa dagat. Pupunta ka ba sa dagat?

Celito: "Ah Oo. Arman. Plano ko sana isama yung anak mo sa pangingisda ko."

Arman: "Magandang ideya yan ah! Matagal na akong hindi nangingisda dito. Sasama ako Celito."

Celito: "Sige ba?! Palaliman ba ulit ng masisisid sa dagat?"

Arman: "Gusto ko sana pero manlalambat na lang siguro ako sa bangka."

Celito: "Siguro naaalala mo yung hinila ka ni Fred sa ilalim ng dagat."

Arman: "Oo. Naaalala ko nga. At ayoko nang maulit na naman yung biro nya na muntik naming ikalunod dati."

Celito: "Kung ganun, magkita na lang tayo sa bangka ko mamayang 4 ng hapon. Iiglip lang muna kasi ako."

Arman: "Sige! Asahan mo kami."

Pumasok na ng bahay si Celito. Inalok na namn nila Shiela at Buboy si Archie na mamingwit na lang sa pampang.

Shiela: "Kung nagdadalawang isip ka Archie, pwede ka naman sumama sa amin sa pampang kung nag-aalangan ka."

Archie: "Siguro subukan kong sumama sa kanila na mangisda sa gitna ng dagat."

Buboy: "Sigurado ka? Marunong ka bang lumangoy?"

Lalong nag-alangan si Archie dahil sa tanong ni Buboy dahil sa hindi naman pala niya alam lumangoy ni Archie.

Arman: "Pwede naman kita turuang lumangoy kung gusto mo?

Archie: "Talaga po, Tay?"

Arman: "Oo naman. Para matuto ka naman lumangoy sakaling bahain tayo sa lugar natin."

Archie: "Tay, wag nyo naman hilingin na mangyari yan sa lugar natin. Tsaka walang first floor ang bahay natin."

Arman: "Kung sabagay, tama ka."

Shiela: "Tiyo Arman, Archie, Panu naman ang naging pamumuhay nyo sa siyudad?"

Sinagot ni Arman ang tanong ni Shiela na naayon sa kanyang ginagawa. Samantalang si Archie, hindi alam kung panu nya ipapaliwanag ang buhay estudyante nya sa kanilang lugar dahil na rin sa lagi siyang binubully doon.

Arman: "Ang sa akin lang, iha, lagi akong nagtratrabaho sa isang kumpanya ng kotse. Araw-araw yun kaya madalas si Archie lang naiiwan sa bahay.

Buboy: "Ikaw, Archie? Anu gingawa mo araw-araw sa siyudad? Nasagot na nang tatay mo ang sa kanya."

Tinitigan siya ng magkapatid, at naghihintay sa kung anu ang isasagot ni Archie sa kanila. Ngunit hindi makapagsalita si Archie dahil nahihiya siyang sabihin na binubully siya lagi, lagi lang siyang nanonood ng TV at naglalaro ng video games sa mall. Nag-aalala pa siya na baka lalo lang sila magtanong kapag sinabi niya ang bagay na iyon sa kanila. Kaya naisip na lang niyang magpalusot at pumunta ng banyo.

Archie: "Shiela, Buboy, saan ang banyo dito?

Shiela & Buboy: "Sa loob ng bahay!"

Buboy: "Katabi ng kuwarto ni Tito Celito."

Archie: "OK! Salamat."

Dali-dali siyang pumunta ng banyo at isinara ang pinto nito. Dito nag-isip lang sya kung anu ang kanyang sasabihin sa dalawa nyang pinsan, ngunit hindi sya makapag-isip ng tama. Kaya nagpalipas na lamang sya ng 1 oras dito.

Makalipas ng isang oras, lumabas siya sa banyo at pumuntang likod bahay. Ngunit wala na dun ang mga pinsan nya pero nakita nyang umiiglip ang tatay nya sa mesang kahoy. Pumunta naman sya sa loob ng bahay at nakita naman niyang umiiglip din ang Tiyo Marcel nya sa sala. Nakita nya rin na nagbuburda ang kanyang Lola sa balkonahe ng bahay kaya tinanong niya ito.

Archie: "Lola, nakita nyo po ba sina Shiela at Buboy?"

Lola Lita: "Sa pagkakaalala ko, lumabas ata sila.

Archie: "Saan po sila nagpunta?

Lola Lita: "Sa dagat ata. Namingwit ng isda. Kung pupuntahan mo sila, mula dito sa bahay, magpa norte ka, tapos kumaliwa ka kapag may makita kang kanto. Diretsuhin mo na yun mararating mo na ang dagat."

Archie: " Opo lola. Thank you po. Pupuntahan ko po sila."

Lola Lita: "Sige, apo. At wag kayong lalayo. Delikadong maabutan kayo ng gabi sa daan."

Archie: "Opo lola.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon