Manong: "Alam mo, iho. Gusto kong malaman, hanggang kailan ka ba tatakbo mula sa mga kaaway mo?"
Nang marinig ni Archie ang tanong na ito ay nanahimik sya at napaisip sa itinanong ng manong sa kanya.
Archie: "Hi....hindi ko po alam."
Muli ay nagtanong ang manong.
Manong: "Iho, hanggang kailan mo gusto maglaro ng videos games?"
Isang tanong na hindi na naman masagot ni Archie. Kung kaya tumahimik na lang sya. Ngunit nagsalita muli ang manong. Sa pagkakataong ito, hindi na sya nagtanong.
Manong: "Alam ko, Archie, na may pinoproblema ka. Kaya naman gusto ko na mag-usap tayo. Dahil kung lagi ka na lang iiwas sa mga problema mo, hindi mo ito masosolusyonan. At alam ko, may kinalaman ito sa pagdedesisyon mo."
Nagulat si Archie sa kanyang narinig sa manong. Dahil na rin sa mejo nahulaan ng manong kung anu ang kanyang iniisip, kung kaya't sinabi na rin ito ni Archie.
Ikwinento ni Archie ang tungkol sa planong pagbabakasyon nila ng kanyang tatay sa isla pati na rin ang pagtatalo nila at ang mga dahilan nila kung bakit gusto nila magkanya-kanyang gugulin ang kanilang bakasyon.
Na kalaunan ay naintindihan naman ng manong. Kung kaya't naisip nya kung anu ang solusyon sa problema.
Manong: "Alam mo, iho? Ikaw lang naman ang sagot sa problema mo."
Archie: "Ako, ho?!! Bakit ako po ang nasabing solusyon sa problema ko po?"
Manong: "Dahil nasa sa'yo din ang problema, iho."
Naguluhan at hindi maintindihan ni Archie ang sinabi ng manong sa kanya. Kung kaya ipinaliwanang ito ng manong.
Manong: "Nasa sa'yo ang problema, Archie, yun ay ang takot. Natatakot ka na mawalan ka ng ginagawa, maliban sa paglalaro mo ng video games. Natatakot ka na gawin ang bagay na bago sa'yo, kaya ayaw mong magbakasyon kasama ang tatay mo. Natatakot ka na makipag-usap sa ibang tao, dahil baka bullyhin ka. At natatakot ka na magretiro ako sa trabaho, dahil sa wala nang proprotekta sa'yo mula sa mga nambubully sa'yo."
Archie: "T...Tama...po kayo....."
Malugod na inamin ni Archie ang mga narinig nya mula sa manong.
Manong: "Archie, iho. Kung maalala mo, anu yung title ng laro na una mong nilaro dito noon?"
Nagtaka si Archie kung bakit yun naitanong ng Manong sa kanya.
Archie: "Opo. Yun po yung Brave Heart."
Manong: "Kung maalala mo, yun ang laro kung saan habang pahirap ang level, lalo mo gustong tapusin yun, tama?"
Archie: "Opo. Kasi na chachallenge ako ako sa stage at gusto ko po malaman ang kwento po nun. Tsaka paborito ko yun na laro dito sa arcade."
Manong: "Ganun din sa tunay na buhay, Archie."
"Habang pahirap ng pahirap ang challenges sa buhay, dapat tumatapang din tayo lalo."
"Kaya dapat lalo mong tapangan ang sarili mo, Archie sa pagharap mo sa mga problema mo."
"Ang problema ay hindi mo masusulusyonan sa pagtakbo lang. Dapat labanan mo ito, kung natalo ka man, atleast alam mo kung anu ang gagawin mo sa susunod dahil naranasan mo na ito. At maniwala ka, magiging normal na lamang iyon sa sarili mo oras na natalo mo ito."
"Tulad din ng videos games na nilalaro mo."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...