CHAPTER 30: RUMES HOTEL RESORT

40 4 7
                                    

Nagulat si Arman ng makita nya ang nakasuot ng americanang damit, at nakapormang mayaman ay si Mang Rumes na kasama nya sa pangingisda noon sa naturang bayan.

Ngunit dahil sa hirap ang mga dumarayo at mga biyahero noon, naisip ni Mang Rumes na magtayo ng Lodge sa mismong lupain nito at pangarap ni Mang Rumes na magtayo ng Lodge sa kanilang bayan.

Kaya tinulungan ni Arman na magtayo ng Lodge noon si Mang Rumes, bago sya bumalik sa Selma City na tinitirahan nila ni Archie sa kasulukuyan.

Arman: "ABA!! Mang Rumes!! Anung nangyari sa lodge nyo?!!

Rumes: "Syempre! Umunlad naman nung itinuloy ko ang business na to! Tsaka, anung ginagawa mo dito? Magbabakasyon ka ba?! O bibisita ka sa paborito mong bayaw kina Lita?

Arman: "Ay! Opo! Magbabakasyon po kami ng anak ko doon kina nanay Lita.

Rumes: "Anak mo? Itong gwapong binatilyo na to, ang anak mo?"

Arman: "Opo, Mang Rumes! Archie! Magmano ka sa lolo Rumes mo.

Archie: "Opo, Tay!"

Agad naman na nagmano si Archie at nagpakilala ito kay Mang Rumes.

Archie: "Ako po si Archie, mister Rumes."

Napansin ni Mang Rumes na nananamlay na sa pagod si Archie kaya inalok nya ang mag-ama na magpahinga na sa kanyang Hotel.

Rumes: "Aba! Kay bait na bata. Sa nakikita ko mukhang pagod na kayo sa mahabang biyahe na inabot nyo. Magpalipas na kayo dito ng gabi."

Arman: "Ay! Wag na po! Nakakahiya! Tsaka mukhang mamahalin ang mga kuwarto nyo po dito."

Rumes: "Wag kang mag alala, Armando. Parehas lang ang presyo ko noon hanggang ngayun. Kaya kita mo ang daming mga turista na tumutuloy dito. Kaya dito na kayo magpalipas ng gabi."

Arman: "Kung kayo po nagsabi, sige po! Di na po ako tatanggi."

Rumes: "Oh siya! Sige! Magpahinga na kayo ah! May gagawin pa akong monkey business sa pavilion sa labas. Salamat sa pagtuloy dito."

Arman: "Opo! Salamat din po!"

At umalis na si Mang Rumes upang gawin ang sinasabi nyang business.

Pumunta ang mag-ama sa frontdesk ng hotel at pinili ang kuwarto para sa dalawang tao na magkahiwalay ang kama. Pagkakuha ng susi ay dali-daling tumakbo si Arman papunta sa hagdan.

Pero may nabangga syang magandang babae sa may hallway pa lamang dahil sumulpot mula sa cafeteria ang babae.

????: "Aaaaaaayyyy! Aray ko!!"

Arman: " Aaaaaay!!! Ah....miss, sorry ha! Hindi ko sinsadya."

Napaupo ang babae sa sahig dahil sa lakas ng banggaan nila ni Arman. Si Archie naman, natulala sa babae na kanyang nakita dahil sa sobrang ganda ng babae. Nakasuot ito ng puting jeans, pink na sando, brown na sandals, balingkinitan, maputi, may mahabang brown na buhok na mejo pakulot at malaki ang dibdib. Sa tantya ni Archie nasa edad 25 ang babae.

Nagkalat din sa sahig ang mga dala nitong junk food na binili sa cafeteria ng hotel.
Tinulungang itinayo ni Arman ang babae at pinulot naman ni Archie ang mga packs ng junkfood na dala nito.

Arman: "Pasensya na miss! Hindi ko talaga sinasadya na mabagga kita."

????: Ay!! Hindi!! Ako dapat ang magsorry sa'yo kasi hindi ako tumitingin sa daan. Tsaka mejo lutang ako kanina. Hahaha!"

Arman: "Hahahaha! Hindi naman siguro, miss. Pero pasensya na talaga.

Archie: "Ate! Eto na po yung mga dala nyo. Pinulot ko na po."

????: "Aaay! Salamat! Ang bait mo naman. Sige po, manong alis na po ako. Salamat ho!

Arman: "Ok! Ingat ka din miss."

Mabilis na naglakad sa pupuntahan nito ang babae. Habang nagmadali na ang mag-ama sa kanilang kwarto sa second floor ng hotel.

Nakarating na din ang mag-ama sa kanilang kwarto, binaba ang mga bagahe at nagtanggal na ng sapatos.

Sa sobrang haba ng biyahe, nakatulog na si Archie pagkahiga nito sa kanyang kama. Si Arman naman ay naligo muna sa shower bago matulog pero may isang bagay na hindi maalis sa isip ni Arman.

Arman: "Hmmmmm....sandali? Tinawag nya ba akong manong? EH HINDI PA AKO MATANDA!!

Pagkatapos nyang maligo, nagpalit at pinatuyo na ang kanyang buhok tsaka na siya natulog agad ng makalimutan ang sinabi ng babae sa kanya.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon