Habang nasa bahay ng kanyang lola si Archie, ihinahanda nya na ang kanyang susuoting damit para bukas.
Inilabas nya mula sa kanyang bag ang mga binili nyang mga damit bago sya nagbiyahe papunta sa isla.
Naisip nya na magpantalon nalang kaysa naman sa 3/4 na maong ang kanyang isusuot dahil sa tingin ni Archie ay napakabaduy nyang tingnan.
Hanggang sa nakita nya ang kuwintas na bigay sa kanya ng manong noon sa arcade. Isinuot ni Archie ang kuwintas at tumingin sya sa salamin upang tingnan kung ito ba ay bagay sa gagamitin nyang damit.Napadaan si Lola Lita sa kwarto ni Archie at nakita ang naturang kuwintas na para bang pamilyar ito sa kanya. Kaya nagtanong sya kay Archie.
Lola Lita: "Archie, iho. Maari ko bang malaman kung saan mo nakuha ang kuwintas na suot mo."
Archie: "Bigay po sa akin, lola ng isang kaibigan po sa Selma."
Lola Lita: "Maaari ko bang tingnan ng mabuti?"
Archie: "Opo sige po."
Hinawakan at tinignang mabuti ni Lola Lita at napagtanto nya kung anu ang hawak niyang bagay.
Lola Lita: (Kung sino man ang nagbigay nito sa apo ko, mukhang gusto nyang proteksyunan si Archie. Sa kasamaang-palad, paubos na din ang kapangyarihan ng anting-anting na to. Mukang hindi pa alam ni Archie na isang uri ng anting-anting ang dala nya.)
Archie: "Ahh....Lola? Tinititigan nyo na po ng mabuti ang kuwintas ko. May problema po ba?"
Lola Lita: (Aba! Hindi lang pala ito isa? Dalawang anting-anting ito na pinag-isa para mapanatili ang epekto nito. Mukhang may naisip akong paraan kung paano bibigyan ulit ng kapangyariha ang anting-anting na ito.)
Tinitigan pang mabuti ni Lola Lita ang kwintas at dinala sa kanyang kwarto. Nababahala naman si Archie na baka napag-interesan na ng kanyang lola ang kuwintas na bigay ng manong sa kanya. Kaya nagpatuloy na lang si Archie sa pagtingin ng gagamiting damit para sa prusisyon.
Tatlong minuto ang lumipas, bumalik si Lola Lita sa kanyang kuwarto.
Lola Lita: "Archie, apo. Eto na ang kuwintas mo. Tsaka may idinagdag ako jan para naman maging kaaya-aya ang itsura."
Inabot ni Lola Lita sa kamay ni Archie ang kuwintas nito at sinabi kay Archie kung anu ang idinagdag nya sa kanyang kuwintas.
Lola Lita: "Alam mo, apo, napansin ko kasi na may lalagyanan ng dalawang hiyas sa kuwintas mo. Kaya naman nilagyan ko ng hiyas na nakukuha ko sa bundok para maging maganda ang istura."
Archie: "Lola! Ang ganda po ng ginawa nyo sa kuwintas. Thank you po sa ginawa nyo.
Lola Lita: "Wag ka pa muna magpasalamat, apo. Hindi lang yan ang napansin ko."
Muling kinuha ni Lola Lita ang kuwintas ni Archie ipinakita nya na pwedeng mahati sa dalawa ang kuwintas. Nagulat si Archie sa kanyang nakita.
Archie: "Teka po! Lola! Ibig nyo pong sabihin? Dalawa po ang kuwintas ko?"
Lola Lita: "Oo, apo. Dalawang kuwintas yan na pwede mong gawing isa. Napansin ko nung nilagyan ko ng hiyas yan kanina. Kaya yung isang pares, pwede mong ibigay sa tao na mahalaga sa'yo bilang regalo para maalala ka nya." (At siyempre mabigyan din ng proteksyon ang taong pagbibigyan mo nung kalahati nyan.)
Dahil sa nadiskubre ni Archie na dalawang kuwintas pala na magkadikit ang inakala niyang nag-iisang kuwintas, may naisip siyang ideya kung anu gagawin nya bukas. At nagpasalamat syang muli sa kanyang lola dahil sa pagdiskubre at pagpapaganda niya sa kuwintas.
Lola Lita: Oh siya, apo, pupunta na muna ako sa likod para tingnan ang ginagawa ng Tito Celito mo sa likod."
Archie: "Sige po lola!! Thank po ulit sa ginawa nyo sa kuwintas."
Lola Lita: "Walang anu man, apo."
Umalis na si Lola Lita upang tingnan ang ginagawa ng Tito Celito nya sa likod bahay. Sobrang namangha naman si Archie sa ipinapakitang ganda ng kanyang kuwintas lalo na't pinaganda pa ito lalo ng hiyas na inilagay ng kanyang lola. Kaya naman isinabit nya ito kasama ng damit na kanyang gagamitin bukas.
Maggagabi na ng nakauwi na sa bahay si Arman dala ang krus na ilalagay sa kanto ng kanilang barangay na dadaanan ng prusisyon. Matapos nun, agad na silang naghapunan ang magkakamag-anak. Ginawa ni Archie ang nakagawiang pagtulong sa pagliligpit ng mesa at paghuhugas ng pinggan at natulog na rin ng maaga.
Pero bago siya natulog, iniisip nya kung sisipot kaya si Rochel upang samahan sya bukas sa prusisyon at umaasa siya na darating at sasamahan siya nito.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...