Nabigla si Marika nang nilapitan siya nila Archie at Rochel. Naintriga din siya kung bakit nasa sapa ang dalawa. Kaya tinanong nya ang mga ito.
Marika: "Archie?!! Rochel?!! Anung ginagawa nyo dito?!!"
Archie: "Eh....anu...po....nagpipicnic po kami, Miss Marika."
Marika: "Ha?!! Picnic?! Sino kasama nyo?"
Rochel: "Ehhhhh.....kaming dalawa lang po."
Marika: "Kayong dalawa?!"
Archie: "O.....opo."
Sandaling tumahimik si Marika at napaisip ng hindi kaaya-aya sa kanila.
Marika: "Wala naman siguro kayong ginagawang milagro dito, noh?"
Archie: "A...anu pong ibig nyong sabihin?!"
Rochel: "Miss Marika!! Wala po!!"
Marika: "Weh! Di nga? Kayo ha?! Ang babata nyo pa! Nag-eexperimento na kayo ha?!"
Rochel: "Miss Marika!! Wala nga po!"
Archie: "Wala po talaga, Miss Marika. Picnic lang po talaga ang ipinunta po namin dito. Tsaka anu rin po ang ginagawa nyo po dito?"
Napatigil sa pang-iintriga si Marika sa dalawa nang matanong ni Archie kung anu ang kanyang ginagawa sa bundok. Kaya naman sinagot ni Marika ang kanyang tanong.
Marika: "Pupunta ako sa gitnang-gubat."
Archie: "Teka!! Bakit naman po kayo pupunta doon?! Eh di ba sabi nyo na lahat ng magtatangkang pumunta doon ay mawawala?!"
Marika: "Oo. Dahil may suspetya ako na nandoon ang hinahanap nating sanhi ng problema sa pagkawala ng mga nawawalang tao dito sa isla."
Rochel: "Miss Marika! Sinasabi nyo po ba na hahanapin nyo ang nilalang na kumukuha ng tao?!!"
Marika: "Mismo!!"
Rochel: "Miss Marika!! Delikado po yan pinaplano nyo!!"
Marika: "Ayus lang, Rochel. Handa na ako sa mga pwedeng mangyari sa akin. Basta't makuhanan ko lang ng litrato yung nilalang na iyon upang may ebidensya ako na maipakita sa buong taong bayan at para maniwala sila na totoo ang mga Aswang na namamalagi dito sa isla nang matugis nila ito."
Archie: "Miss Marika!! Seryoso po ba kayo?!!"
Marika: "Oo. Archie. Seryoso ako."
Namangha sina Rochel at Archie sa ipinakitang tapang ni Marika sa kanila. At nakita nila sa kanyang mga mata na wala siyang pag-aalinlangan na suungin ang gitnang-gubat sa kabila ng panganib na maaring nag-aabang sa kayna.
Marika: "Sige, Archie at Rochel. Aalis na ako. Kailangan ko nang makarating doon bago mag-gabi para maihanda ko na ang camera ko. At salamat sa pag-aalala nyo sa akin. Marahil baka eto na ang hul—"
Archie&Rochel: "Sasama po kami!!!"
Marika: "Ha?! Sandali. ANU?!!!!"
Nagulat ng husto si Marika ng magdesisyon sina Archie at Rochel na sumama sa kanya.
Marika: "Sasama kayo?!! Hindi pwede!!!!! Kayo na rin nagsabi na napakadelikado di ba?!!! Ipaubaya nyo na sa akin ang papunta sa gitnang-gubat dahil sa mas matanda ako sa inyo!!!!"
Rochel: "Opo. Tama po kayo. Delikado nga po sa gitnang-gubat. Pero mas nag-aalala po kami ni Archie sa inyo. Lalo na kung hindi po kayo makakarating sa gitnang-gubat.
Marika: "A..ANUNG IBIG NYONG SABIHIN?!!"
Naiinis at nagsisimula ng magalit si Marika sa pamimilit nila Archie at Rochel sa pagsama nila sa kanya sa gitnang-gubat. Ngunit nagbigay ng punto ang dalawa kung bakit kailangan nilang samahan si Marika.
Rochel: "Una po Miss Marika, mukhang mahina po kayo sa paghahanap ng direksyon. Dahil napansin po namin ni Archie na kung pupunta po kayong Gitnang-gubat dapat diretso po kayo pataas papuntang norte imbes na kumakaliwa po kayo pa kanluran kung saan meron ang sapa."
Archie: "Pangalawa po, wala po kayong dalang compass. At pangatlo, hindi nyo po ginagamit ang mapa na nakikita po namin na nasa bulsa ng bag nyo. Hula ko po, hindi po kayo marunong magbasa ng mapa."
Rochel: "At hula ko rin po na kanina pa po kayo palakad-lakad po dito sa bundok magmula umalis kayo sa bahay ni Archie upang subukan na marating ang gitnang-gubat. Pero imbes na marating nyo ng maaga ay nagpaikot-ikot po kayo dito sa ibaba ng bundok."
Marika: "Pano nyo nasasabi ang mga bagay na yan sa mas nakakatanda sa inyo ha?!!!!!!"
Nagtinginan sina Archie at Rochel, sabay nagsalita ang dalawa.
Archie&Rochel: "Kasi po, MAHINA PO KAYO SA PAGHAHANAP NG DIREKSYON AT MADALI PO KAYONG MAWALA!!
Nagulat ng husto si Marika ng madiskubre ng dalawa ang isa sa tinatagong sikreto niya. Yun ay wala syang sense-of-direction.
Rochel: "Kaya naman po, Miss Marika, kailangan nyo po kami ni Archie sa pagpunta sa Gitnang-gubat. Kaya wala na din po kayong magagawa.
Archie: "Tsaka makuhanan nyo man po ng litrato yung nilalang, panu naman po kayo tatakbo pabalik sa ibaba ng bundok? Eh di hindi nyo rin maipapakita sa mga tao ang nakuhanan nyo kapag nawala ulit kayo sa daan."
Wala na rin nagawa si Marika sa mga nasabi nila Archie at Rochel sa kanya kundi ang isali sila pareho sa kanyang pinaplano na pumuntang Gitnang-gubat.
Marika: "Oo na. Sige na. Panalo na kayo. Wala na akong magagwa kundi ang isama kayo sa gitnang-gubat. Pero kung magkagipitan man, ang pakiusap ko lang sa inyo ay kunin nyo ang camera at tumakbo na kayo pabalik ng bayan. Para maipakita nyo sa mga tao ang kuhang litrato. Ipangako nyo sa akin."
Archie: "Opo."
Rochel: "Opo. Nangangako po kami. Pero bago po tayo umalis kumain na muna po kayo ng pananghalian. Mukha po kasing pagod na pagod kayo magmula pa kanina."
Marika: "Hahaha! Oo nga. Tama ka Rochel."
Kaya naman nananghalian na muna si Marika at nagpasalamat sa dalawa dahil may natira pa silang pagkain para sa kaniya na kayang kinain bago sila umalis.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...