CHAPTER 64: PUNO NG KAMALASAN

26 3 0
                                    

Pagbalik ni Arman, dala-dala nya ang sariwang talbos ng pako na ilalagay nya sa niluluto nya. Agad naman nya itong inilagay sa loob ng kaserola. Ngunit lingid sa kaalaman ni Arman, nasa loob ng niluluto nya ang ulo ng palakol ni Rico.

Ilang minuto ang nakalipas, luto na ang nilagang baka ni Arman. Ngunit hindi pa tapos sa pinuputol na kahoy sina Marcel at Rico. Kaya pumalit naman si Arman at Fred sa pagpuputol ng kahoy upang magpahinga naman ang dalawa.

Magtatanghali na at hindi pa rin tapos putulin nila Arman at Fred ang puno. Kaya naman naisip na nilang kumain ng pananghalian kasama sina Marcel at Fred.

Marcel: "Sa wakas!! Eto na ang hinihintay ko!!"

Rico: "Basta talaga baka, Marcel, tuwang-tuwa ka ah."

Marcel: "Aba!! Siyempre pare!! Lalo na't ang bayaw ko ang nagluto nyan. Tsaka ang bango ng amoy! Parang amoy ng mabangong puno."

Arman: "Alam nyo, kapag ako na nagluto, siguradong mabango at masarap yan."

Rico: "Kung sabagay, Arman, matagal-tagal na din mula noong huli kong natikaman yung mga luto mo."

Marcel: "Mga Pare!! Tama na ang satsat!! Kainin na natin to bago pa lumamig!!"

Nagkanya-kanyang kuha sila ng karne ng baka ang mga magkukumpare. Nang matikman ang nilagang baka ni Arman, sobrang nasarapan ang tatlo dahil sa lambot ng karne.

Marcel: "Bayaw!! The best ka talaga!!! Napakalinamnam ng luto mo!! Nanunuot sa laman ng karne!"

Fred: "Sang-ayon ako kay Marcel, pre!!!! Kakaiba ang luto mo ngayun!! Anung hinalo mo dito? Kakaiba ang lasa?"

Arman: "Siyempre pare!! Talbos ng pako yan nilagay ko. Anu pa ba sa tingin mo ang magpapalinamnam niyan?"

Bago pa man sila matapos sa pagkain nang humirit pa ng karne si Marcel at natsambahan ang bagay na sa tingin nila nagpasarap sa lasa ng nilagang baka.

Marcel: "Teka!! Sandali lang, may matigas ata sa loob ng kaserola."

Rico: "Baka buto ng baka lang yan."

Arman: "Buto ng baka? Wala naman akong ipinalagay na buto sa karne ng baka, ah?"

Pag-angat ni Marcel, nagulat ang lahat sa kanilang nakita.

Marcel: "TEKA!!! ULO NG PALAKOL TO AH?!!! BAKIT NANDITO ETO SA NILAGA MO BAYAW?!!!"

Arman: "Bayaw wala akong alam jan!!! Naghanap ako kanina ng pako, kaya wala akong intensyon na ilagay yan!!"

Marcel: "KUNG HINDI IKAW, BAYAW?! EH SINO?!!"

Rico: "Sandali lang?!! Ulo ng palakol ko yan!!"

Marcel: "ULO NG PALAKOL MO?!!!"

Rico: "O...Oo. Kasi naalala ko biglang  nawala yung ulo ng palakol ko kanina at hindi ko nakita kung saan tumilapon."

Marcel: "Sige! Kunin mo na! Ginawa mong sinabawan yan ulo ng palakol mo!! Dinamay mo pa kami sa katarantaduhan mo!! Sarap na sarap ako dito, akala ko baka, yun pala bakal flavor yan ninanamnam ko!! Kainin mo yan luto ni Bayaw ah. Baka maipukol ko sa ulo mo yan ulo ng palakol mo!!! Kayo din jan Bayaw at Fred, kainin nyo yan!! Damay-damay na tayo dito!!"

Wala ng nagawa sina Arman, Fred at Rico kundi sundin na lang ang sinabi ni Marcel dahil na rin sa galit nito sa nilaga na nahaluan ng ulo ng palakol ni Rico.

Matapos kumain ng pananghalian, bumalik na sila sa pagputol sa puno na kanilang pinuputol. Pinagtulungang putulin ng apat ang puno hanggang sa malapit na itong matumba. Ngunit sa hindi inaasahan na pangyayari, isang pulgada na lang ang natitirang parte ng puno na nakadikit at hindi pa rin ito tumumba.

Rico: "Grabe!! Isang pulgada na lang yung nakadikit na kahoy, hindi pa rin tumumba? Anu bang uri ng puno to, ha?!!"

Arman: "Sa nakikita ko, kailangan na lang natin ipalinis sa woodshop sa palengke yan kahoy na yan. Mukhang hindi natin mapagpipira-piraso yan dito. Kita mo naman, Rico, hindi man lang tumutumba yan."

Fred: "Kung hindi tumutumba yan, kung ganun pwede kong sandalan yan."

Pagsandal ni Fred sa puno, bigla itong tumumba sa direksyon ng kabilang grupo na nagpuputol din ng puno. Agad na nagsitakbuhan palayo ang apat mula sa tumutumbang puno. Nagsitakbuhan din ang mga mangangahoy sa kabilang grupo nang makita nilang babaksak na sa kanila ang puno nila Arman.

Galit na galit ang mga ibang kalalakihan sa kabilang grupo sa grupo nila Arman dahil sa nangyari. Agad namang humingi ng pasenya sina Arman. Ngunit ayaw magpaawat ang mga nasa kabila.

Kaya naman, nagbigay ng kundisyon ang kabilang grupo na ibigay sa kanila ang kalahating parte na pinutol nila Arman bilang paghingi ng tawad nila Arman sa kanila. Wala na ding nagawa sila Arman, kaya pinaghatian nila ang puno.

Matapos nito, agad ng umalis sila Arman, Fred, Marcel at Rico sa bundok upang ipalinis na sa Woodshop sa palengke ang puno para gawing krus sa gaganaping prusyisyon kinabukasan.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon