CHAPTER 87: LIHIM NA LAHI

36 2 0
                                    

Pagkagaling ni Archie mula sa bundok, napansin nyang tulog pa ang mga kasamahan niya sa bahay ni Lola Lita. Minabuti na lang nyang mananghalian ng mag isa sa hapag-kainan.

Habang kumakain, hindi maalis sa isip ni Archie ang sinabi ni Urdano na may dugong Diwata raw sya at nagtataka kung kanino sa panig ng miyembro ng pamilya nya ang may lahing Diwata.

Upang malinawan siya ng husto, minabuti nyang tanungin si Lola Lita sa tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Kumatok sya sa pinto ng kwarto ni Lola Lita at tinanong kung maari syang pumasok.

Sakto naman kagigising lang ng matanda at pinaunlakan siyang pumasok sa kuwarto ni Lola Lita at isinara ang pinto. Pagpasok nya, umupo sya sa higaan ni Lola Lita at nagsimula na syang magtanong.

Archie: "Lola, may itatanong po sana ako sa inyo."

Lola Lita: "Anu yun, Apo?

Archie: "May lahi po ba kayong Diwata?"

Napatahimik si Lola Lita sa tanong ni Archie sa kanya. Pakiramdam ni Lola Lita ay hindi nya masasagot ng maayos si Archie. Kaya tinanong na lang nya si Archie.

Lola Lita: "Apo, kanino mo naman nalaman na may lahi daw tayong Diwata?"

Archie: "Dun ko po nalaman kay Urdano, Lola. Habang inililigtas ko po si Rochel sa kulungan nya, agad akong nahuli ni Urdano, hindi ko rin po maipaliwanag kung pano nya nalaman na nandun ako sa kulungan ni Rochel. Nang nahuli nya ako, ipinaliwanag niya na pinakamadali akong hulihin dahil sa naamoy nya ang dugo ng Diwata na dumadaloy sa dugo ko. Kaya yun po, hindi mawala sa isip ko ang sinabi nya."

Nag-iisip na si Lola Lita ng maayos na sagot sa kanyang apo dahil sa siya rin mismo ay walang ideya na may lahi silang Diwata. Ang mabuting paliwanag na lang nya marahil ay ang mga naririnig nyang haka-haka tungkol sa kanyang Lolo.

Lola Lita: "Apo, patawarin mo sana ako dahil ni ako mismo ay nagtatanong nyan sa sarili ko noon pa. Pero kung nakumpirma ito ni Urdano mula sa'yo, marahil ay totoo nga ang mga kwento tungkol sa aking Lolo."

Archie: "Kwento tungkol sa inyong Lolo? Bakit? Anu po bang ginawa ng Lolo nyo po?"

Lola Lita: "Ayon sa mga haka-haka at sa mga kwento ng mga nakakakilala kay Lolo noon, umibig raw sa isang babae na dayo dito sa isla si Lolo. Nakilala daw ni Lolo ang babaeng ito sa talon na pinanggagalingan ng tubig sa sapa. Laging pumapasyal daw si Lolo sa talon kung saan lagi daw silang nagkikita nung babae. Isang buwan ang makaraan, ipinakilala raw ni Lolo sa magulang nya ang babaeng nakilala nya at napag-alaman din na ipinagbubuntis na daw nito sa aking ama. Pagkatapos ipanganak ang aking ama, namalagi daw dito sa isla ang sinasabing lola ko raw ng 1 taon. Pagkaraan ng 1 taon, biglang umalis at nawala ang lola ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit si Lolo parang wala lang sa kanya ang biglang pag-alis ng asawa nya na para bang alam na nya kung saan pupunta ang kanyang asawa. Hanggang sa kumalat na ang mga haka-haka noon na marahil ay isang Diwata ang naasawa ng Lolo ko at kinailangan ng bumalik nang Lola ko sa pinanggalingan nito. Kaya yun lang siguro marahil, apo, ang maisasagot ko sa tanong mo."

Mula sa kwento na sinabi ni Lola Lita sa kanya, bahagyang naging malinaw kay Archie na posible ngang may lahi nga silang Diwata. Ngunit nagdagdag pa si Lola Lita.

Lola Lita: "Siguro nauunawaan ko na kung bakit sa tuwing tinatanong ko si ama at si Lolo kung nasaan ang Lola ko ay hindi nila masagot ang tanong ko. Kaya posible nga talaga na may lahi tayong Diwata, apo."

Archie: "Lola, kung may lahi po tayong Diwata, sa tingin nyo may superpowers din kaya ako?"

Lola Lita: "Posible siguro, apo. Kasi ang Tatay ko noon napansin ko, kaya nyang magbuhat ng doble ang bigat sa kanya. Kaya sya tinawag dati na Adonis ng Isla si ama noon. Sa akin naman, malakas lang ang pakiramdam ko sa mga panganib na darating. Bakit apo? May napapansin ka bang kakaiba sa sarili mo?"

Archie: "Anu po, Lola? Noong kinakalaban po natin si Urdano, nararamdaman ko po ang lakas nya. Tsaka nakakaramdam ako ng kakaiba sa tao."

Lola Lita: "Tulad ng puwersa ba o aura sa tao, apo? Yun ba ang nararamdaman mo?"

Archie: "Opo, Lola. Mukhang ganun nga po. Teka! Naalala ko po, may kaibigan po ako sa Selma na sobrang kakaiba ang naramdaman kong pwersa sa kanya pero mainit sa pakiramdam ang nilalabas nyang pwersa hindi gaya kay Urdano na nanlamig at pinawisan ako ng husto noong maramdaman ko ang pwersa nya."

Lola Lita: "Marahil yung kaibigan mong iyon, nagtataglay ng pwersa na hindi nakakasakit sa iba. Siguro, positibo din sa buhay ang kaibigan mong iyon. Maswerte ka kung may nakilala kang kaibigan na ganun."

Archie: "Opo siguro nga po."

Lola Lita: "Oh Siya, apo. Kung wala ka nang itatanong pa, aasikasuhin ko pa yung mga buburdahin ko."

Archie: "Opo. Sige po, Lola. Thank you po."

Lola Lita: "Walang anuman, apo."

Matapos ang pag-uusap nila Lola Lita at Archie, malinaw na sa magLola na ang tanong na may lahi nga silang Diwata. Lalo na kay Lola Lita na ilang taon nang malaking tanong sa kanyang sariling kung sya ba ay may dugong Diwata. Bumalik na rin sila sa kani-kanilang normal na gawain para sa buong araw.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon