CHAPTER 52: PASIMPLE

37 2 0
                                    

Rochel: "Alam mo, Archie, may mga bagay akong gustong sabihin sana sa'yo. Pero napakabilis ng mga bagay-bagay kung sasabihin ko na agad. Tsaka isa pa, ilang araw pa lang tayong nagkakilala. Kaya naman pasensya na kung hindi ko masabi sa'yo.

Napagtanto na ni Archie na hindi pala basta-basta nagtitiwala si Rochel sa ibang tao sa kabila ng pagtatago ni Archie ng ilan sa mga sikreto ni Rochel. Kahit na sinabihan nya ito na wag mailang, sadya talagang mahilig maglihim si Rochel sa nararamdaman nito. Kaya naman inintindi na lamang iyon ni Archie.

Archie: "Kung ganun, gaya ng sinabi ko kanina, hindi mo kailangan sabihin lahat kung ayaw mo. Tsaka wag kang mag-alala hindi na ako magtatanong."

Ganun pa man, umaasa si Archie na bago pa man matapos ang bakasyon niya sa isla, ay tuluyan na syang mapagkakatiwalaan ni Rochel at hindi na magtatago pa ng mga lihim na gusto nitong sabihin sa kanya.

Naalala din pala ni Archie ang payo sa kanya ni Shiela na humingi ng tawad at sabihin na marahil ay biro lang ng nanay ni Rochel ang tawagan nila.

Archie: "Rochel. Sorry din pala sa palengke kanina."

Rochel: "Bakit naman?"

Archie: "Dahil kasi dun sa tawagin ko siyang "nanay", baka biro lang yun ng nanay mo."

Rochel: "Oo. Biro nga siguro. Siya nga pala! Panu mo nalaman na nandito ako?"

Archie: "Eh anu kasi? Pakiramdam ko lang."

Rochel: "Ha?!! Pakiramdam? Tsaka bakit mo nga pala ako hinahanap?"

Archie: "Para magsorry lang sa'yo dahil sa biro ng nanay mo sa palengke kanina."

Rochel: "Dahil lang dun?!!"

Archie: "Tsaka anu......nag-aalala din ako sa'yo. Kaya hinanap kita.

Nang marinig ni Rochel ang sinabi ni Archie na nag-aalala ito sa kanya, hindi maipinta sa namumula nyang mukha kung matutuwa ba siya o magsusungit dahil sa pag-aalala nito sa kanya.

Rochel: "Ba..ba..bakit ka nag-aalala sa akin? Wa..wala ka namang kailangan ipag-alala sa akin di ba?"

Archie: "Wala sana. Kaso sinabi kasi ni Shiela na baka hindi ka daw umuwi sa bahay mo."

Rochel: "Anu? Si Shiela? Siya nagsabi?"

Archie: "Oo. Si Shiela na pinsan ko. Siya nagsabi. Kaya sobrang nag-alala ako sa'yo.

Biglang nabaling ang usapan ng pag-aalala ni Archie. Nang marinig ni Rochel ang pangalan ni Shiela.

Rochel: Sumasama ka ba sa kanya kapag may lakad ba sya?"

Archie: "Oo. Kapag mangangahoy sila at mamimingwit sa pampang dun sa dagat.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang tinitigan ng masama ni Rochel si Archie. Samantalang si Archie ay hindi maintindihan ang biglang pagbabago ng reaksyon ni Rochel sa kanya.

Archie: "Ba...Bakit?! Anu na naman bang nasabi kong masama?!!"

Rochel: "Wala naman."

Archie: "Wala? Sigurado ka? Alam mo, nag-aalala na talaga ako kung anu talaga tumatakbo sa isip mo.

Rochel: "Ang sabi ko, WALA!!!! Kaya wag mo nang alalahanin kung anu iniisip ko!!!"

Archie: "Jan nga ako sobrang nag-aalala sa'yo eh! Ayaw mo sabihin kung may pinoproblema ka o kung anu man nasa isip mo."

Napansin ni Rochel na sobrang nag-aalala si Archie para sa kanya base sa mga sinabi nya at dahil na rin sa paghahanap sa kanya kung saan nagkaroon ng konting pagtingin si Rochel kay Archie.

Ngunit ayaw ni Rochel na agad nyang ipakita ang nararamdaman nya para kay Archie kaya naman nagsungit pa rin sya. Pero sumimple sya ng konti kaya Archie.

Rochel: "Nag-aalala ka ng sobra sa akin?! Sige. May ipapagawa ako sa'yo."

Archie: "Anu naman yun?"

Lumapit si Rochel ng husto sa tabi ni Archie kung saan idinikit ni Rochel ang katawan nya kay Archie. Nagulat si Archie sa pagtabi sa kanya ni Rochel.

Archie: "Ro..Rochel! A..anung gi..ginagawa mo?!"

Rochel: "Gusto kong magpainit."

Archie: "A..a..Anung ibig mong sabihin na magpainit?!"

Rochel: "Wag kang mag-isip ng kung anu at baka masuntok kita!"

Archie: "Oo na. Sige. Tsaka bakit gusto mo na mag-painit?"
(Parang may mali dito sa ginagawa nya.)

Rochel: "Gusto kong tumabi sa'yo ngayun kasi malamig ang tubig sa sapa kaninang naligo ako at nilalalamig pa ako. Tsaka sabi mo nag-aalala ka sa akin, ibig sabihin nag-aalala ka din na baka magkasipon din ako. Kaya naman painitin mo ako."

Hindi kumportable sa nangyayari si Archie dahil lalong idinikit ni Rochel ang katawan nito kung saan dumikit at nararamdaman ni Archie ang dibdib ni Rochel sa kanyang tadyang at ipinaikot din ni Rochel ang braso ni Archie sa kanyang baywang. Kaya naman, sobrang nahihiya at namumula na ang mukha ni Archie dahil sa ipinapagawa ni Rochel sa kanya.

Archie: "Ro...Rochel? Ba't di ka na lang magbilad sa araw, kaysa naman dito sa pagtabi mo sa akin, na nagpapainit?"

Rochel: "Gusto mo bang masuntok?"

Archie: "Ok! Sige! Hindi na ako magrereklamo."

Rochel: (Ang cute naman nya kapag namumula sya. At ginagawa nya kung anu man ang gusto ko ipaggawa sa kanya. Sana man lang, wag syang panghinaan ng loob sa mga ipapagawa ko sa kanya sa susunod para naman magustuhan ko sya ng tuluyan.)

Matapos ng ilang minuto ay nakaiglip si Rochel sa balikat ni Archie habang matyaga nyang inaalalay ang ulo nito at pinagmamasdan si Rochel.

Napansin ni Archie na napakaganda ni Rochel dahil sa magandang pilik mata, maliit at katamtamang tangos ng ilong, maliit na mejo mapulang labi at napakakinis ng kanyang balat kahit na sya'y morena. Nakadagdag pa sa ganda nya ang balinkinitan nyang katawan dahil na rin sa pisikal na gawaing-bahay na nakapaghubog sa kanyang katawan at dahil ramdam din ng nakahawak nyang braso sa baywang ni Rochel.

Ngunit naisip din nya na malabong magkagusto si Rochel sa kanya dahil na rin sa naiinis pa rin ito dahil sa kapalpakan nya noong una silang nagkakilala.

Nang magising si Rochel, agad nang sinabihan ni Archie na bumalik na sila sa nayon dahil ilang oras nalang ay maggagabi na. Kaya sumang-ayon na rin si Rochel at umalis na sila ng bundok.

Pagbalik nila, muling inabisuhan ni Rochel si Archie na tulungan siyang mangahoy sa bundok bukas. Kung saan pumayag naman din si Archie.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon