CHAPTER 5: PAGTATALO

61 7 6
                                    

Nagtanong muli si Archie sa kanyang tatay, pero sa pagkakataon na ito ay gusto nya malaman ang totoo kung bakit sila magbabakasyon.

Archie: " Tay! Anu ba talaga nangyari sa trabaho nyo kanina at pilit nyo po akong gustong isama sa bakasyon nyo sa malayo?!"

Arman: "Ilang beses ko ba uulitin sa'yo ha?! Gusto ko lang na magrelax at makabonding ka na malayo sa siyudad!"

Archie: "Tay! Di nyo po sinagot kung anu talaga nangyari sa trabaho nyo!"

Arman: "Para saan pa?!! Hindi mo na kailangan malaman pa kung anu nangyari sa trabaho ko kanina! Basta maayos pa rin ang lahat sa trabaho ko!!"

Sa pagtatalo nila, naisip ni Archie na matigas din ang ulo ng kanyang tatay at ayaw sabihin ang pangyayari sa kaniyang trabaho. Kung kaya't nakipag matigasan din siya ng ulo sa tatay nya.

Archie: " Kung di nyo sasabihin ang nangyari sa trabaho nyo kanina, wala na din po akong rason para sumama pa
sa bakasyon nyo!

Hindi na natutuwa si Arman sa mga isinasabat nito sa kanya. Ngunit dumagdag pa si Archie ng kanyang sasabihin sa kanyang tatay.

Archie: "Tsaka kung OK lang po sa inyo, mag iwan na lang po kayo ng pera na gagamitin ko po para naman po may pang gastos ako sa pagkain, tubig at kuryente sa buong isang buwan na wala po kayo.

Arman: "HINDI!"

Nagulat si Archie sa malakas na pagsagot ng kanyang tatay sa kanya. At ang mahinahong tatay nya kanina na kausap nya ay napalitan na ng galit ang kanyang reaksyon.

Arman: " Gusto mong maiwan dito?!! Sige! Maiwan ka! Pero hindi ako mag-iiwan ng pera na gagamitin mo sa mga gastusin mo! Ang gamitin mo, yan naipon mong pera na gagamitin mo sa paglalaro mo ng buwiset na video games mo!!!

Imbes na manahimik si Archie dahil sa nakikita nya nang galit na galit na ang kanyang tatay, ay nagalit din sya dahil sa sinabing "buwiset" ang video games nya.

Archie: "Buwiset??!! Buwiset ang paglalaro ko ng video games?!! Akala nyo po ba Tay, masamang inpluwensya sa akin yan video games?! Alam nyo ba na magmula lumipat tayo dito sa siyudad, yan video games ang naging takbuhan ko kapag wala kayo ha?! Alam nyo ba kung bakit?!!"

Arman: "Sige nga!! Sabihin mo nga kung bakit yan na lang inaatupag mo sa mga nakaraang taon na wala ka lagi dito sa bahay at nang matapos na yan kabaliwan mo sa paglalaro mo ng video games!!!!"

Archie: "BINUBULLY AKO SA ESKWELAHAN!!!!!!!! ALAM NYO BA YUN HA?!!

Napatigil si Arman mula sa mga salitang kanyang narinig sa kanyang anak. Ngunit nagpatuloy pa si Archie na sabihin ang tinitimping masamang karanasan nito sa kanyang tatay.

Archie: "Noong bagong lipat ako sa eskwela, akala ko mababait ang mga kaklase ko!! Inaagawan ako ng baon, tapos inaaway ako kapag wala akong maibigay na baon, tsaka nilalait akong lampa simula noong grade 6 ako kaya hindi na ako nagbabaon!! Doon na ako nagsimula na humingin ng perang pambaon sa inyo!!! Tapos nung pauwi ako noon, tinambangan ako sa daan ng mga bully kong kaklase, kaya imbes na sa bahay ako papunta, napadiresto ako sa mall at pumasok sa loob!!"


Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon