CHAPTER 24: DUMATING AT UMALIS

38 6 4
                                    

Tuwang-tuwa si Arman nang marinig mula kay Archie ang pasya nito na samahan sya sa pagbabakasyon nito. Kaya naman hindi na sya makapag hintay na umalis na agad at inubos na ang kinakain nitong hapunan. Ngunit bago pa man sya tumayo sa kinatatyuan nya, sinira pa ni Jett ang mood nya nang nagtanong sya.

Jett: "Mang Arman, may itatanong lang po ako, panu po yung pintuan nyo pong sira sa may salas? Hahayaan nyo na lang bang bukas ang bahay nyo?"

Napasimangot sya ng husto sa tanong ni Jett sa kanya at sumagot na lang sya ng diretso.

Arman: "Hayaan mo na lang yan jan. Ikaw naman sumira nyan eh. Takpan ko na lang ng plywood mamaya at bukas palitan ko na lang ng bagong pinto na HINDI MASISIRA."

Parang galit na sinagot ni Arman si Jett kaya tumango na lang sya. Si Archie naman parang kinakabahan sa kalalabasan ng kanyang pasya kaya naman sinabihan sya ni Jett.

Jett: "Archie, wag kang mag-alala ng sobra sa naging pasya mo, mag-enjoy ka lang sa pupuntahan nyo ng tatay mo."

Archie: "Oo Jett. Susubukan ko. Pero, panu ka Jett? Anu gagawin mo kapag umalis na kami ni tatay?"

Jett: "Wag kang mag-alala sa akin. Sanay na ako makipagbasag-ulo sa mga bully dito sa siyudad. Tsaka makikita mo pa naman ako sa pasukan. Yun ay kung hindi maililipat ng trabaho ang kuya ko.

Nagtaka si Archie sa huling nabanggit ni Jett sa kanya. Kaya muli nya itong tinanong.

Archie: "Anu ibig mong sabihin na "hindi maililipat" ang kuya mo?

Ipinaliwanag ni Jett kay Archie na palipat-lipat sya ng eskwelahan kapag naidedestino ang kuya nito dahil sa nakikitira sya rito. At ipinaliwanag nya na ang bumubuhay at nagpapaaral kay Jett ay ang kuya at Tiyo nito. Nalungkot ang mag-ama sa sinabi ni Jett na ulila na pala sila ng kanyang kuya. Ngunit maswerte pa rin si Jett dahil nung mamatay ang kanilang magulang ay sinuportahan sila ng kanilang Tiyo na syang dahilan kaya nakatapos at nakapagtrabaho ang kanyang kuya. Sa kasalukuyan, si Jett na lamang ang sinusuportahan ng kanyang Tiyuhin.

Jett: "At kapag nadestino ang kuya ko sa ibang lugar na sobrang layo, wala akong magagawa kundi makitira at bumalik sa Tiyuhin ko sa probisya."

Archie: "Kung ganun possible na hindi na kita makita sakali na madestino ang kuya mo."

Jett: "Oo. Ganun na nga." Pero matagal pa naman na madedestino si kuya. Baka dalawang taon pa sya dito kaya wag kang mag-alala. Hindi pa naman ako aalis sa siyudad na to."

Archie: "Kung ganun, bilang pasasalamat ko sa'yo, kaibigan na kita Jett, at magkikita pa tayo sa pasukan."

Napangisi si Jett sa kanyang narinig mula kay Archie. Kaya naman sumang ayon sya sa nasabi nito.

Jett: "Oo naman. Magkikita pa tayo."

Nang matapos na silang kumain ng hapunan, nagpalitan sila na isave ang cellphone number nina Jett at Archie sakaling kailangan nila ng tulong sa isa't isa ang bagong magkaibigan.

Bago umalis at ihatid ni Arman si Jett sa tinutuluyan nitong apartment, muling nagpasalamat si Archie kay Jett. At tuluyan nang inihatid ni Arman si Jett sakay ng kanyang motorsiklo.

Pagbalik ni Arman, tinakpan na nya ng plywood ang sirang pinto at sinabihan si Archie na bukas ay oorder na sya ng ticket ng eroplano. Si Archie naman ay naghahanda na din at inaayos na ang mga gamit na dadalhin oras na makabili na ng ticket ang kanyang tatay.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon