Mabilis ang buong pangyayari na hindi man lang namalayan ng dalawa pang natitirang bully kung bakit bigla na lang bumagsak at nawalan ng malay ang kanilang leader.
Bully 1: "Hoy!!! Anung ginawa mo sa kaibigan namin ha?!!
Nakaupo na si Archie mula sa pagkakahiga nito sa semento at sinabi ang ginawa nya sa leader nila.
Archie: "Simple lang! Alam ko naman na kayong dalawang tanga ay didistansya sa akin oras na hindi ako gumagalaw mula sa pagkakahiga ko. Habang nakahiga ako, yan leader nyo na sobrang tapang, ay hindi na naisip na mag-ingat porket bagsak na ako sa semento. Kaya naman hinintay ko sya na kapkapan nya ako para hanapin ang kuwintas. Yun na din ang tamang pagkakataon ko para pabagsakin sya sa isang tira lang. Nang matapat na sya sa may tuhod ko, hinawakan ko ang ulo nya tsaka buong lakas kong itinama ang tuhod ko sa mukha nya na syang ikinabagsak nya ngayun."
Bully 1: "WALANG HIYA KA!!!! LAGOT KA SA AMIN NGAYUN!!
Bully 2: "OO!! LAGOT KA NA TALAGA SA AMIN NGAYUN!!!!
Archie: "Dapat ang sinabi mo, I SECOND THE MOTION!! Sunod-sunuran ka talaga!!!
Bully 2: "ANUNG SINABI MONG LINTIK KA HA?!!!!
Galit na sumugod ang dalawang bully sa kanya. Ngunit lingid sa kaalaman na din ni Archie na wala pa rin syang laban dahil mas lamang pa rin kung ikukumpara sa bilang at mag-isa lang sya. Kaya kailangan nyang unahin ang mejo mahinang makipag-away sa kanila.
Sumugod ang Bully 1 kay Archie at inundayan sya ng mga suntok. Ngunit nailagan nya ito. Napansin nyang mabagal sumuntok at di marunong sumipa ang Bully 1 kaya dapat nya ito unahin. Inaasahan nyang sasalisi ng sipa ang Bully 2 at kung ikukumpara sa ibang bully mas marunong lumaban ito. Kaya dapat syang mag-ingat dito.
Sumugod muli ang Bully 1 sa kanya, umilag si Archie sa tagiliran nito sabay sipa ng malakas na kung saan nasaktan ito ng sobra. Ngunit sumalisi ng suntok ang Bully 2 na isinangga ni Archie ang kanyang mga braso. Napansin ni Archi na nasaktan ang Bully 1 sa sipa nito, ngunit nakabantay naman ang Bully 2 sa kanyang susunod na kilos. Kaya naisip nya na kailangan nyang mapabagsak pareho ang dalawang Bully sa isang tirahan lang gaya sa ginawa nito sa leader ng mga ito.
Kaya hinintay nyang sumugod ang mga ito at ginaya ang tinatawag na "counter attack" na napapanood niya sa TV. Unang sumugod ang Bully 2 sa kanya at hindi yun inasahan ni Archie. Iwinasiwas nito ang kanang kamao nito nang sobrang lakas, isinangga ni Archie ang kanyang braso at naramdaman nya na sobrang lakas ng suntok nito. Nakita ni Archie na bukas ang kaliwang tagiliran nito kaya sinabayan nya ito at isinipa ang sakong nito. Nasaktan ng husto ang Bully 2 na halos namaluktot ang katawan sa sakit. Kaya hindi na nagsayang ng minuto si Archie at hinawakan ang ulo nito sabay ibwinelo ang tuhod nito nang malakas sa mukha nito. Nahilo lamang ang Bully 2 kaya sinundan pa ito ni Archie ng sipa ulit sa mukha.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...