Ayaw sana sabihin ni Arman kung anung ginawa nya sa katrabaho nya dahil sa nahihiya syang malaman pa ito ng kanyang anak. Ngunit pinilit ni Archie na sabihin nya ito dahil sa gusto nyang malaman lahat at nang gumaan naman din ang pakiramdam nito. Itinuloy na ni Arman ang pagkwento ngunit may kondisyon sya sa anak.
Arman: "Archie, mangako ka na hindi mo gagayahin yung gnawa ko sa trabaho.
Archie: "Sige po mangangako pa ako. Anu ba kasi ginawa nyo kanina, Tay?"
Arman: "Yung ginawa ko kanina, hindi madalas na nangyayari sa ibang trabaho. Pero sana man lang hindi na din maulit sa iba.
"Ang nangyari kanina, binunot ko yung flash disk sa laptop nya. Nagalit din siya kasi binunot ko yung presentation nya. Pero sumabat ako na hindi nya presentation yan dahil flash disk ko yan ginagamit nya!!"
"Patuloy pa rin siya sa pagsisinungaling nung Ungas na pagmamay-ari daw niya yung flash disk, sumabat din ako na akin ang flash disk na gnagamit nya dahil may marka ng bulaklak na blue sa flash disk ko. Ipinakita ko sa lahat yung flash disk at nakita naman nang lahat. Patuloy pa rin sya sa pagsisinungaling pero naniwala na ang lahat nang tao na nandun dahil nakita nila yung marka."
"Pinagsabihan siya ng boss ko nung mga oras na yun kung bakit nya kinuha yung flash disk ko. Pero imbes na humingi siya ng tawad ay sinigawan nya ang boss ko na "lagi na lang si Arman ang magaling sa kumpanyang eto"".
"Nagulat ang lahat ng nasa kwarto sa naging reaksyon nung katrabaho kong iyon. Dun ko na din nalaman na sobra pala siyang naiinggit sa akin dahil magaganda talaga ang mga designs ko."
"Kaya pinagsabihan ko din sya na pagsumikapan nya din yan trabaho nya kung gusto nya na matuwa si boss sa gnagawa niya. At hindi ang nanakawin niya ang mga gawa ko na hindi ko pa ipinapakita sa boss ko."
"Imbes na makinig siya ay lalo siyang nagalit sa mga nasabi ko sa kanya. Kaya ginawa nya ang isang bagay na hindi ko inaasahan."
"Kinuha nya mula sa kamay ko ang flash disk, hinulog nya sa sahig sabay tapak ng malakas sa disk."
Muli ay nanahimik ulit si Arman dahil sa sobrang galit kapag naalala nya ang ginawa ng katrabaho nya. Lalong nagtaka si Archie sa reaksyon ng kanyang ama kaya tinanong nya muli ito.
Archie: "Tay, alam ko po na marahil ay galit kayo dahil laman ng flash disk na yun ang mga designs nyo at alam ko po na kaya nyo po ito gawin ulit. Pero bakit sobra po kayong naghihinayang sa flash disk na yun, Tay? Marami pa naman pong flash disk jan na mabibili."
Arman: "Sige, anak para maintindihan mo ng mabuti, sasabihin ko sa'yo kung anung nangyari matapos nya tinapakan yung flash disk."
"Nung makita kong pisa at durog ang flash disk, dun na ako tuluyan na nawalan ng kontrol sa galit."
"Kinuha ko yung laptop nya, tsaka ko ihinampas sa ulo nya, napadugo ko yung ulo nya. Tapos sinuntok ko sya sa mukha sabay tadyak sa tiyan nya. Natumba sya sa ginawa kong tadyak. Sinubukan akong awatin nung mga tao nung natumba sya pero nabitawan ako nung umaawat sa akin, kaya naman pagbangon nya, nasundan ulit ng sipa ang dibdib nya, tsaka ko sya binuhat sa may tiyan nya tsaka ko sya ibinagsak sa mesa na kinalalagyan ng projector."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...