CHAPTER 3: PLANO SA BAKASYON

83 9 5
                                    

Nang tinanong ni Archie ang kanyang tatay kung saan sila magbabakasyon, naisip ni Arman ang kanyang matagal nang pinaplano para kay Archie.

Yun ay ang ilayo si Archie mula sa impluwensya ng video games dahil napapansin nya na hindi sya marunong makihalubilo sa ibang mga teenager na kagaya nya.

Una itong napansin ni Arman noong nasa grade 6 pa lamang si Archie na wala man lang siyang kaibigan o kaklase man lang na kinakausap at wala ding mga kasama na lumabas ng bahay tulad ng mga normal na teenager. At minsan ginagabi din siya nang uwi mula lamang sa paglalaro ng video games galing sa mall.

Kung kaya't kapag inilayo nya mula sa siyudad si Archie ay baka matutunan na nito na makisalamuha sa ibang tao at upang magawa nya yun dapat dalhin niya si Archie sa isang lugar na malayo sa kabihasnan at malayo din sa mga paborito nitong mga gadgets.

Arman: "Sa Isla ng Paradisio tayo magbabakasyon."

Archie: " Isla ng Paradisio?! Saan naman yun?!"

Napatahimik si Arman sa tanong at naisip ni Archie na mali ang kanyang tanong sa kanyang tatay.

Arman: "Eh di nasa gitna ng dagat!!! Saan ba sa akala mo ha?!!! Sa tuktok ng bundok?!! Kaya nga tinawag na isla di ba?!!! Tsaka nag-aaral ka ba ng mabuti ha?!! Wag mo sabihin na nagbabayad ako ng tuition mo para wala kang matutunan sa eskwela?!!

Archie: "Tay! Alam ko po kung anu po ang isla at nag-aaral po ako ng mabuti! Ang tinutukoy ko po kung saang parte ng mapa yan Isla Paradisio na yan!"

Muli ay nanahimik si Arman dahil sa tumataas na tono ng pananalita ni Archie sa kanya. Pakiramdam nya di na sya iginagalang ng kanyang anak. Naisip nya na dahil ito sa sobrang paglalaro ni Archie ng video games. Ngunit hinayaan nya na lamang ito, at sumagot na lamang sya ng mahinahon.

Arman:  "Nasa bandang timog ng Luzon yan isla na yan at malayo ito sa kabihasnan. Pero may mga magagandang pasyalan jan sa isla kaya siguro hindi tayo mababagot sa kakapasyal."

Archie: "Anung ibig nyo pong sabihin na malayo na kabihasnan?"

Arman: "Ibig sabihin, malayo sa lahat ng bagay na may kinalaman sa siyudad.  Tulad ng mga sasakyan, usok, alikabok, malalakas na ingay, mga buildings, amoy ng basura, mall at mga basura. At lahat nang mga nabanggit ko, wala dun sa isla na yun."

Archie: "Walang mall dun?! Pati din ba internet, wala?!

Arman: "Oo, anak. Walang internet dun. Pero TV at radyo meron pa naman dun. Kaya wag kang mag alala sa tutuluyan nating resort kasi malalaman pa naman natin kung anu ang balita."

Gaya ng inaasahan ni Archie mula sa kanyang tatay, isa talaga itong masamang balita para sa kanya. Dahil sa nakagisnan nyang maglaro ng video games, hindi nya alam ang gagawin kung papaano nya gugugulin ang bakasyon na wala ang mga video games na paborito nya. At ang masama pa, hindi niya magagamit ang cellphone at ang mga gadgets nya dahil sa wala ding internet sa isla.

Kaya naisip nya na sabihin ang mga salita na makakapagsalba sa kanya mula sa pinaplanong bakasyon ng kanyang tatay.

Archie: "Tay! Hindi po ako sasama sa bakasyon nyo."

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon