Kinaumagahan, muling nagbalita ang magtataho kay Celito at Arman at naabutan sila sa dati nilang ginagawa tuwing umaga.
Dahil sa pang-aabiso nito sa mga tao na wag lumabas ng gabi, himalang 3 ka-tao lang ang naipaulat na nawawala ayon sa mga pulis na nakausap nito. Suma-total, 34 na katao na ang nawawala mag-mula sa nakalipas na isang buwan nang unang taong nawala sa isla.
Ganun pa man, hindi rin malaman kung anu ang sanhi ng pagkawala nang mga nawawalang tao. Muli, nagpasalamat ang magbayaw sa ibinalita nito sa kanila.
Pagkagising ni Archie, agad siyang kumain ng kanyang agahan at naligo para sa gagawin nilang pamimitas ng mangga kasama si Rochel. Nagpaalam na si Archie sa kanyang Lola at lumabas na ng bahay.
Si Arman naman, naisip na samahan si Marcel at Fred sa pangangahoy sa kabilang parte ng Bundok.
Matyagang naghihintay sa labas ng kanilang bahay si Archie hanggang sa dumating si Rochel na may dalang dalawang bayong sa parehong kamay nito.
Rochel: "Ano? Handa ka na bang subukang umakyat at pumitas ng mangga?"
Archie: "Oo! Handa na ako."
Rochel: "Kung ganun, umalis na tayo. Marami-rami pa tayong pipitasing mangga sa bundok.
Habang naglalakad papunta sa bundok, hindi maiwasan ni Archie ang magpasalamat kay Rochel dahil sa pinagtakpan nya ito kagabi.
Archie: "Rochel, thank you pala kagabi."
Rochel: "Kagabi, para saan?"
Archie: "Sa pangtatakip mo sa akin."
Rochel: "Ah! Yun ba? Kasi naman nakakaawa naman yung itsura mo kagabi. Tsaka ayokong sumira sa pangako ko na "hindi kita isusumbong" kaya naman ginawa ko na lang yung nararapat."
Napansin ni Archie na mabait naman din pala kahit papano si Rochel sa kanya. Ngunit may idinagdag pa si Rochel sa kanya.
Rochel: "Pero hindi ibig sabihin nun na pinapatawad na kita. Tandaan mo! Gagawin mo lahat ng mga ipapagawa ko sa'yo bilang kabayaran sa ginawa mong paninilip sa akin."
Hindi pa rin pinapatawad ni Rochel si Archie, kaya sumagot na lang sya.
Archie: "Oo na."
Muling nagtanong si Archie kay Rochel at inulit ang parehong tanong na tinanong nya kay Rochel kahapon.
Archie: "Rochel, ilang ta-"
Rochel: "15 years old na ako. Tutungtong palang akong grade 8 sa pasukan dahil wala akong pangtuition last year. Kaya nahuli na ako ng grade. Ang nanay ko naglalako sa palengke ng mga prutas at yung tatay ko, nangingisda lagi. Kapag wala akong ginagawa pumupunta ako sa minifalls sa may bundok na nakita mo kahapon. Nasagot ko na ba lahat ng tanong mo?"
Tila sinagot na lahat ni Rochel ang mga tanong na gustong malaman ni Archie at napansin nyang mas matanda pala si Rochel sa kanya ng isang taon. Kaya naman parang nailang na siyang magtanong pa. Ngunit dumagdag pa si Rochel.
Rochel: "Tsaka wag kang mailang na sabihin ang pangalan ko. Ayoko naman din na tinatawag akong ate. Pangit sa pandinig ko."
Archie: "Naisip ko sanang tawagin kang "Ate" pero dahil sa sinabi mo, hindi na kita tatawaging "ate" kung hindi ka kumportable na tinatawag na ganun."
Rochel: "Oo na. Salamat."
Masungit syang sinagot ni Rochel ngunit natutuwa naman si Archie dahil yun ang unang beses na nagpasalmat ito sa kanya.
Ilang minuto ang nakaraan ay narating na nila Archie at Rochel ang lupa na pagmamay-ari ng pamilya ni Rochel sa bundok. Napansin din na Archie ang tatlong naglalakihang puno ng mga mangga na hitik sa bunga.
Ang problema lang ni Archie ay kung panu nya aakyatin ang mga ito dahil sa may kataasan din ang mga punong ito. Kaya naman nag-aalangan na siyang subukan pang umakyat.
Archie: "Rochel! Sigurado ka ba na kailangan kong akyatin to?!"
Rochel: "Anu ba sa tingin mo?"
Archie: "Eh may panungkit naman di ba? Sungkitin na lang kaya natin?"
Rochel: "Tingnan mo nga ng mabuti yan panungkit?!! Sa tingin mo maaabot ba nyan yung bunga ng mangga?!! Nakikita mo na ngang napakaikli!!"
Archie: "Eh bakit ba kasi napakaikli nyan?!!"
Rochel: " Eh di siyempre!! Nabali noong huling ginamit namin ni tatay!! Sabi nya aayusin nya kapag may oras siya pero hindi naman niya ginagawa!!"
Archie: "Kaya ba kailangan akyatin to?"
Tinitigan ulit ng masama ni Rochel si Archie habang naka-cross ang mga braso nito sa kanyang dibdib dahil sa inulit lang nya ang tanong na kanina pa nasagot ni Rochel.
Archie: "Oo na! Sige na! Susubukan ko nang umakyat!"
(Grabe naman kung makatitig oh!)Rochel: "Sige! Pero turuan muna kita kung pano ka aakyat. Maghanap ka muna ng kakapitan na sanga tapos abutin mo ng mga kamay mo. Gamitin mong pang pwersa yung mga paa mo pataas at pwersahin mo din ang mga kamay mo na itaas ang katawan mo para makaakyat ka. Tsaka ka maghanap ulit ng sanga na kakapitan. Kapag nakaakyat ka na, maghanap ka na ng tamang posisyon at isandal mo ang likod mo, tsaka ka manungkit."
Archie: "Sige! Susubukan ko nang gawin yung mga sinabi mo."
Sinubukan ni Archie ang mga sinabi ni Rochel sa kanya. Nagawa ni Archie ng maayos ang umakyat sa mababang parte ng puno. Namangha naman si Rochel sa bilis matuto ni Archie na umakyat ng puno.
Rochel: "Aba! Marunong ka naman palang umakyat. Akala ko ba hindi ka marunong?
Archie: "Oo! Nakuha ko na kasi kung pano! Kailangan ko palang umakyat na parang unggoy."
Rochel: "Ewan ko sa'yo. Wag ka lang matuluyan na maging unggoy jan. Tsaka taas-taasan mo pang umakyat para maabot ng panungkit yung mga bunga."
Archie: "Eh ikaw? Anung gagawin mo jan sa baba?"
Rochel: "Siyempre! Magpupulot ako ng mahuhulog na mangga! Kaya gawin mo na yung sinsabi ko."
Tinaas taasan na ni Archie ang pag-akyat sa puno ng mangga. Ngunit natsambahan ni Archie ang marupok na sanga.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...