CHAPTER 11: PAGRETIRO

51 9 5
                                    

Nang marinig ni Archie ang tanong ng Manong sa kanya, sinubukan nya na muna umiwas sa naitanong nito upang tingnan sandali ang bagong arcade machine.

Ngunit bago pa man sya makarating sa dulo na kinalalagyan nito, ay nakita na nyang pinipilihan na ito ng mga ibang naglalaro din sa arcade, kung kaya't bumalik na lamang siya sa pwesto kung saan nakatayo ang nagbabantay na manong.

Archie: "Pasensya na po, Manong kung basta na lang po umalis. Titingnan ko po sana kung maganda ang mga nakalagay na bagong sa bagong arcade machine."

Manong: "Ayus lang yun! Alam ko naman na kapag may interes ka sa isang laro dito, sigurado ako na titingnan mo. Sanay naman ako na kapag may sinasabi ako dito, bigla ka na lang nawawala na parang bula jan sa tabi ko."

Nahiya si Archie sa sinabi ng manong na parang hindi nya ito nabigyan galang sa nagawa nya. Kung kaya humingi sya ng tawad dito.

Archie: "Pasensya na po manong! Hindi  ko po sinasadya na iwan ko kayo bigla habang nagsasalita po kayo."

Manong: "Hayaan mo na. Maliit na bagay lang yun. Tsaka kilala na kita."

Archie: " Sorry po talaga manong. Hindi na po yun mauulit."

Paulit-ulit na humingi ng tawad sa manong si Archie, hanggang sa naisipan na nang manong na tanungin ulit si Archie.

Manong: "Archie, kung maari lang, pwede ba tayo mag-usap dun sa employee's room sa likod?"

Archie: "Ha?!! Bakit po?! Sorry na po talaga!"

Manong: "Hay.....Ayus lang! May gusto lang ako sabihin sa'yo. Yung magkakarinigan tayo ng mabuti."

Takang-taka si Archie sa kung anu ang gustong sabihin ng manong sa kanya. Kung kaya't pumayag sya na mag-usap sila sa employee's room. Sinabi na nang manong ang gusto nyang sabihin.

Manong: "Alam mo, Archie, una sa lahat, masaya ako na nakilala kita, iho. Dahil ikaw lang yung tanging bata dito sa mall na ito ang naging malapit sa akin ng ganito. Maliban sa mga apo ko. Pero kailangan ko nang sabihin sa'yo na magreretiro na ako sa trabaho na to."

Nagulat si Archie sa sinabi ng Manong sa kanya.

Archie: "Aalis na po kayo sa trabaho nyo?! Ibig nyo po sabihin hindi na po kayo magbabantay dito sa mall?"

Manong: "Oo, iho. Tsaka nakikita mo naman nasa 66 na ako na dapat matagal na akong tapos na magtrabaho."

Archie: "Eh di kung ganun, papano na po ako kung bullyhin ulit ako ng mga nang bubully sa akin?! Kayo lang po ang kilala ko na magtatanggol sa akin dito kapag sinugod nila ako."

Nakita nang Manong sa mga mata ni Archie na hanggang ngayun ay takot pa rin si Archie na mabully dahil sa karanasan nito. Kung kaya naisip na nang manong na bigyan na ito ng inspirasyong mga salita.

Manong: "Marahil, eto na siguro ang tamang panahon para sabihin ang mga bagay na dapat matagal mo nang narinig mula sa akin."

Archie: "Anu pong ibig nyong sabihin?

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon