Arman: "Kumitil sa ama nyo?! Anung ibig nyo pong sabihin nanay?!"
Lola Lita: "Marcel, Celito. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi nyo na nakilala ang lolo nyo?"
Celito: "Di ba sinabi nyo na namatay sa sakit ang lolo namin noong bata palang kayo?"
Lola Lita: "Oo. Sinabi ko iyon dahil wala naman maniniwala sa akin kapag nagsabi ako ng totoo."
Marika: "Nanang, maari ko bang malaman kung anu ang alam nyo sa nilalang na sinasabi nyo?"
Lola Lita: "Sige. Ikukwento ko sa inyo ang mga nalalaman ko."
Nung mga panahon na yun, isang albularyo ang kanyang Lolo at 12 taong gulang pa lang noon si Lola Lita nang unang magkaroon ng kaso ng nawawalang tao sa isla. Isa namang matrotroso ang kanyang ama at taga-sunod ng kanyang lolo.
Naalala na ikuwinento ng kanyang lolo ang natapuang sinaunang kaharian sa gitna ng kagubatan ng kanilang isla. Isang araw dinala sila ng kanyang lolo sa naturang sinaunang kaharian na isa palang kastilyo.
Sa loob nun ay may selyadong pinto na palilibutan ng mga ugat ng puno kung saan hindi ito mabuksan gamit ang palakol ng kanyang tatay.
Ipinaliwanang naman ng lolo niya na mahika at orasyon ng mga babaylan lamang ang makapagbubukas sa pinto. Nasaksihan ni Lola Lita kung paano binuksan ng kanyang lolo ang pinto.
At naglalaman sa loob ng pinto ang mga libro ng unang babaylan na protektado ng mga orasyon.
Ipinakita ng lolo nya sa kanya na importante na hindi mapasakamay ng masasama ang mga libro at maaaring maging katapusan na ng lahat kapag may alin man sa mga librong ito ang makuha ng mga kampon ng kasamaan.
Ipinaliwanag din ng lolo ni Lola Lita na ang pinakamalakas na orasyon at mahika ay nakapaloob sa dalawang pangunahing libro. Ang mga librong ito ay ang Aklat ng Adlaw at ang Aklat ng Mayari.
Ang dalawang pangunahin aklat na ito ay naglalaman ng mga orasyon at mahika na kayang magbukas ng pinto mula sa ibang mundo at nakakalilabot ito kapag ginamit ito sa masama.
Nagpaalala ang lolo ni Lola Lita sa kanya na sa tuwing hating-gabi ng Itim na Sabado at kasagsagan ng eklipse ng buwan, humuhina ang kapangyarihan ng orasyong pananggalang sa pinto kung saan nakapaloob ang mga libro.
Kaya naman, ipinaliwanag din ng lolo nya na nasa salin-lahi na nila ang pagprotekta sa mga libro at kailangang maitago mula sa magtatangkang kumuha sa mga librong ito.
Isang gabi, nagsigawan ang mga kapitbahay nila sa nayon, at laking gulat nila ng may mga nagliliparang ani mo'y malalaking paniki sa kalangitan.
Nagtago sa ilalim ng kanilang kubo si Lola Lita. Dun napag-alaman ng kanyang lolo at tatay na pangkat ito ng mga Aswang na nagtatangkang kunin ang mga libro para sa kanilang sariling kapakanan.
Ang pinuno ng mga ito ay isang lalaking Wakwak na nagngangalang Urdano at ito'y natuto ng ilang orasyon mula sa mga mababang uri ng mga babaylan.
Ginagamit nya ang orasyon para hindi sya marinig ng kanyang biktima. Kung kaya't nahirapan na labanan ng kayang lolo at tatay ang naturang Aswang.
Napatay sa laban ang kanyang lolo at tumakas naman ang batang Lola Lita at ang kanyang tatay, kasama ng mga ilang kalalakihan ng nayon noon dahil sa hindi nila mapatay si Urdano.
Ngunit nakahanap ng paraan ang tatay ni Lola Lita upang matalo si Urdano. Nalaman nya tungkol sa sinasabing "talim ng kilat" ay hindi tinatablan ng anu mang uri ng orasyon.
Kaya hinanap ito ng kanyang tatay. Pagbalik nya, sinabi nito sa kanya na nahanap nya ang naturang bagay na mukha lang isang ordinaryong Bolo.
Muling bumalik ang mga kalalakihan sa nayon kasama ang kanyang tatay upang labanan si Urdano na nasa gitnang gubat at pinagtatangkaang sirain ang orasyong pumoprotekta sa mga aklat.
Nagkaroon ng madugong labanan mula sa pangkat ng mga Aswang ni Urdano at ng tatay ni Lola Lita kasama ang mga kalalakihan sa nayon.
Nagawang lupigin ng mga taga-nayon ang karamihan sa mga alalay na Aswang ni Urdano maliban sa kanya. Nilabanan siya ng tatay ni Lola Lita at nagawa ito na mapahina si Urdano.
Pero nang madiskubre ng tatay nya ang kahinaan ni Urdano ay naunahan siyang tinusok sa katawan gamit ang mga matatalas at mahahabang kuko nito.
Imbes na lumaban pa si Urdano ay tumakas ang naturang pinuno ng pangkat ng mga Aswang dahil sa dami ng pinsala na natamo nito.
Bago mamatay ang tatay ni Lola Lita, ibinilin nya sa isa sa mga tauhan nya na ilang taon pa ang aabutin bago gumaling ang mga sugat ni Urdano dahil sa lahat ng mahiwa ng "talim ng kidlat" ay pinapabagal ang paghilom ng sugat nang sinumang masugatan nito.
Ibinilin din nya na itago ng mabuti ang "Talim ng kidlat" sa pangangalaga ng kanyang anak na at ibulong lamang sa kanya kung saan ang parte na mahina si Urdano.
Matapos nun, muli ng bumalik sa mapayapang pamumuhay ang buong isla at nakalimutan na ng ilan sa mga taga nayon ang tungkol kay Urdano maliban kay Lola Lita na umaasa na sana ay tuluyan ng hindi bumalik ang kakila-kilabot na halimaw na pumatay sa ama nya.
Ngunit dahil sa kasalukuyang nangyayari na pagkawala ng mga ilang tao. Naisip ni Lola Lita na marahil ay bumalik na si Urdano upang maghiganti at kunin ang pakay nito sa isla.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...