CHAPTER 51: NAHANAP

33 1 0
                                    

Pagdating ni Archie sa bundok, una niyang hinanap ang pinanggagalingan ng tunog ng sapa. Nang mahanap nya ito, agad siyang nagmadali na sundan ang pinanggagalingan ng agos mula sa gilid ng sapa.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, narating na rin ni Archie ang lokasyon ng minifalls. Agad siyang tumalon sa mababaw na parte ng sapa at magmasid sa paligid. Pumunta naman sya sa malaking bato katabi ng  minifalls at nahanap si Rochel ngunit.....

Archie: "Rochel!! Sa wakas!!! Nakita din ki—"

Rochel: "EEEEEEEEEEEEEEEEEKKKK!!!"

Nahanap man nya si Rochel, nadatnan na naman ito ni Archie sa maling oras at maling pagkakataon kung saan naliligo ito sa tabi ng malaking bato malapit sa naturang minifalls.

Rochel: "BASTOS KA TALAGA!!!!!"

Archie: "Eh malay ko ba na naliligo ka jan!!

Rochel: "EEEEEEEEKKKKKK!!!!!! TUMALIKOD KA NGA!!!! WAG MO NGA AKONG TINGNAN!!!!!!!"

Nagpulot ng malaking bato si Rochel at binato si Archie kung saan tinamaan sya ng direkta sa ulo. Agad naman na nawalan ng malay at tumumba sa kinatatayuan nitong malaking bato.

Nang magkamalay si Archie, napagtanto nya na nasa gilid at madamong lilim na parte siya ng sapa kung saan siya nakahiga.

Napansin nya na tapos nang maligo si Rochel at nakasuot na ng damit nito.

Tinititigan na naman siya ni Rochel ng masama habang nakabantay ito at nakaupo sa tabi nya.

Rochel: "Buti naman gising ka na! Manyak ka talaga! Nag-ihaw ako ng isda na nahuli ko kanina, kaya kainin mo na yan."

Matapos kainin ni Archie ang pananghaliang inihaw na isda, nagpaliwanag muli sya sa nangyari kanina.

Archie: "Rochel, hindi ko sinasadya yung kanina. Tiningnan ko yung likod ng mga malalaking bato sa tabi nung falls. Eh hindi ko naman alam na naliligo ka pala dun."

Rochel: "Anung hindi mo alam?!! Bakit mo titingnan yung likod ng mga bato kung hindi mo alam?!!

Archie: "Nagbakasakali lang."

Rochel: "Sinasadya mo ata eh!!!"

Archie: "Hindi ko nga sinasadya!! At hindi ko nga alam!! Ok?! At sorry kung nakita kita ulit na naliligo jan sa sapa ulit."

Tatanggapin na sana ni Rochel ang paghingi ng tawad ni Archie nang ma-analyze nya ng mabuti ang sinabi nito.

Rochel: "Sandali!! May nakita ka?!!!!"

Archie: "Nakitang anu?"
(Ang galing naman nyang mag-analyze ng sinabi ko)

Rochel: "Nakita yung katawan ko!!"

Archie: "Gusto mo lang ata ako suntukin eh."

Rochel: "Makakatikim ka talaga kapag hindi ka nagsabi ng totoo."

Alam ni Archie masasaktan na naman siya ng husto mula sa suntok ni Rochel kaya naman nakipagpalit-tanong siya kay Rochel.

Archie: "Bakit bigla kang tumakbo paalis ng palenke kanina?"

Rochel: "Ako unang nagtanong di ba?!"

Archie: "Sasagutin ko ang tanong mo kung sasagutin mo din ang tanong ko."

Biglang nanahimik si Rochel sa tanong ni Archie at bakas din sa mukha nya na namumula ito. Hindi nya alam kung anu ang isasagot sa naging asal nya sa palengke kanina.

Rochel: "Sige. Kalimutan mo na lang yung tanong ko kanina."

Nagtaka si Archie dahil hindi sya sinagot sa kanyang tanong. Kaya naman sinubukan nya na tanggalin ang pagka-ilang ni Rochel sa kanya.

Archie: "Rochel, ayus lang kung hindi mo sabihin sa akin. Pero kung gusto mo nang kausap, andito lang ako. Makikinig ako kahit na anu sabihin mo. Kahit na sikreto mo pa yan, hinding-hindi ko ipagsasabi kahit na kanino."

Tinitigan ni Rochel ang mga mata ni Archie at nakita nyang seryoso ito sa mga sinabi nito.

Rochel: "Si...Sigurado ka ba?"

Archie: "Oo, Rochel. Sigurado ako."

Ngunit nahihirapan pa rin si Rochel na pagkatiwalaan si Archie at nagdadalawang-isip na sabihin ang nangyaring inasal nito sa palengke. Ngunit nagdagdag pa si Archie upang mapatunayan na mapagkakatiwalaan siya nito.

Archie: "Di ba nangako ako na hindi ko ipagsasabi yung sikreto natin kanina sa manggahan nyo? Tapos anu....

Rochel: "Anu?"

Archie: "Yung una tayong nagkita. Wala akong sinabihan nun."

Imbes na magtiwala ng husto si Rochel ay parang napalitan ang reaksyon nito. Mula sa namumulang mukha nya, naging masama ang titig nya kay Archie.

Archie: "Sige! Wag na nating pag-usapan kung ayaw mo."

Sandaling tumahimik ang dalawa sa pag-uusap, nang magsalita na si Rochel.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon