CHAPTER 13: DAGDAG PAYO

53 8 9
                                    

Base sa mga sinabi ng manong sa kanya, naisip na rin ni Archie na tama ang manong na dapat ay maging matapang na sya at wag nang matakot pa sa mga kinakatakutan nya.
Ngunit nagdagdag pa ang manong ng kanyang mga gustong sabihin.

Manong: "Isa pang bagay pala, iho, mas makakabuti sa'yo kung titigilan mo na din sa paglalaro ng mga video games, hindi lang dahil sa aalis na ako sa trabahong ito, pero para na rin sa ikabubuti mo, dahil hindi umiikot ang buhay sa paglalaro lang, Archie."

"Kailangan mong maintindihan na walang saysay ang pamamalagi sa arcade. Tsaka pag-aaksaya lang ng oras at pera ang paglalaro ng videos games."

"Maniwala ka sa akin, marami ka pang magagawa jan sa labas na ikatutuwa mo."

Masakit man na marinig ang sinabi ng manong sa kanya ay kailangan nya itong tanggapin, dahil na rin sa tama ang sinasabi ng manong sa kanya.

Archie: "Opo, Manong."

Manong: "Tsaka isa pang bagay pa, iho. Pagbigyan mo din ng oras ang tatay mo."

"Siguro labis siyang nalulungkot dahil sa nawalan sya ng bagay na may sentimental value, lalo na bigay pa pala ng nanay mo yung ibinigay sa kanya."

"Tsaka siguro gusto nya na magliwaliw kayo sa malayo nang makalimutan nyo pareho ang mga problema nyo. Kaya ka nya hinihikayat na sumama sa kanya."

"At tsaka maniwala ka, ang mga magulang, hinding-hindi mo mapapalitan yan. Kapag nawala sila sa'yo, hindi mo na mababawi pa ang oras na makakasama mo sila. Kaya naman, pagbigyan nyo pareho ang sarili nyo na magkasama nang tatay mo."

Napaisip ng husto si Archie sa huling sinabi sa kanya ng manong at napagtanto nya na sasama na lang sya dahil sa kailangan nyang harapin ang takot nyang pagkabagot at walang video games sa isla. Ngunit hindi pa rin komportable si Archie kapag naiisip nya ang pagbabakasyon doon na tila parang may pumipigil sa kanya na wag magbakasyon doon. Kung kaya sinabi nya ito sa manong.

Archie: "Manong, sobra po akong nagpapsalamat sa mga sinabi nyo po sa akin at gagawin ko po yung mga ipinayo nyo po sa akin. Nakapag desisyon na po ako na sasama na lang po sa isla na pagbabakasyunan po namin ni tatay."

Manong: "Mabuti kung ganun!"

Archie: "Pero, manong, hindi maganda yung pakiramdam ko sa pupuntahan namin na isla."

Manong: "Bakit naman? Wag mo sabihin sa akin na natatakot ka pa rin na sumama sa bakasyon nyo ng tatay mo?"

Archie: "Hindi po! Eh...Anu?....Pakiramdam ko po....parang ayoko pong pumunta doon."

Napaisip ang manong sa kung anu ang dahilan kung bakit pakiramdam ni Archie ay wag na dapat siyang pumunta sa sinasabing isla. Hanggang sa may naisip na hinala ang manong.

Manong: "(Hindi kaya? May kutob ang batang to na mangyayari sa babakasyunan nilang isla? Kung ganun man, mukhang kailangan ko nang ibigay yun sa kanya bilang proteksyon nya sakali na may mangyari na hindi maganda.) Iho, may kukunin lang ako saglit sa drawer ko."

Archie: "Sige po."

Sinundan ng tingin ni Archie ang manong na lumapit sa kanyang drawer at nagtataka kung anu kaya ang kanyang kukunin.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon