CHAPTER 66: MASIBA

28 2 0
                                    

Kinabukasan, Biyernes Santo. Maagang nagising si Lola Lita upang pumunta sa simbahan para sa meeting ng magaganap na prusisyon.

Si Celito naman, diniligan ng mabuti ang mga halaman na ilalagay sa karo ng patron na kanyang hihilain mamaya sa prusisyon.

Si Marcel at Fred naman ay itinatayo na ang krus sa kanto na dadaanan ng prusisyon kasama ang ibang mga kalalakihan sa kanilang barangay. Nakikisawsaw naman sa pagtulong ang magkapatid na Shiela at Buboy sa kanilang tatay kung saan naglalagay sila ng dahon ng niyog sa paligid ng mga itinatayong krus.

Si Rico at ang pamilya naman nya ay nagtatayo na ng maliit na pwesto at naglalagay na ng mga ititindang kandila sa gilid ng plaza. Inaasahan nila na maraming tao ang dadalo sa prusisyon ngayung taon.

Habang si Arman at Archie ay pumuntang palengke para bumili ng lulutuing pagkain para sa buong araw hanggang sa linggo ng pagkabuhay. Nang may madatnan silang isang pamilyar na imahe ng isang babae habang bumibili sila ng isda.

Archie: "Tay!! Sandali! Di ba si Miss Marika yun?"

Arman: "Saan?"

Archie: "Tay!! Ayun sya oh!"

Itinuro ni Archie sa kanyang tatay ang lokasyon ng babaeng nakilala nila sa hotel ni Rumes. Na nakatayo at tumatawad ng presyo sa nagbebenta ng isda.

Nilapitan naman ng mag-ama si Marika. At laking tuwa naman ni Marika ng makita sina Archie at Arman.

Marika: "Ayyy! Kamusta na batang pogi! Gumagwapo ka ah. Tsaka kasama mo pala si manong.

Arman: (Manong pa rin ang tingin nya sa akin?!!!! Kung hindi ka lang babae, kanina pa kita inupakan!!!!)

Archie: "Kamusta rin po! Miss Marika! Anu po pala ginagawa nyo dito?"

Marika: "Bumibili ako ng isda, Archie. Tsaka paborito ko yan tuna. Ang sarap kasi ng laman, sobrang sariwa."

Arman: "Sariwa talaga yan, Marika. Kasi pagkahuli nyan sa dagat, agad ng ibinebenta yan dito sa palengke."

Marika: "Wow! Kaya pala wala man lang akong nakikitang hindi fresh na isda dito. Naalala ko lang, may magaganap atang prusisyon dito sa bayan, makikidalo ba kayo?

Archie: "Opo, Miss Marika. Kayo po?"

Marika: "Oo naman, Siyempre. Eto nga ang dahilan kung bakit ako nagbabakasyon dito."

Napag-usapan na rin ang salitang bakasyon, naalala ni Arman ang sinabing tsismis sa kanya ng front desk sa hotel ni Rumes, isang buwan na ang nakakaraan.

At nagtataka sya kung bakit hanggang ngayun ay nasa isla pa rin si Marika. Kaya naman may naisip siyang ideya upang malaman ang tunay na dahilan ni Marika sa matagal na pagbabakasyon nya sa isla.

Arman: "Miss Marika, naisip ko lang, pwede ka ba namin maimbita ni Arche na kumain sa labas?"

Archie: "Ha?!! Tay?! Iniimbita natin si Miss Marika na kumain sa bahay?!

Arman: "Hindi, Archie! Jan sa labas. Hindi naman siguro masama kung kakain tayo sandali sa labas, di ba Miss Marika?"

Marika: "Hmmmmm.....Kung sabagay, masama naman tumanggi sa grasya. Sige!! Kain tayo sa labas."

Arman: "Oo, Miss Marika. Wag kang mag-alala kasi libre ko."

Marika: "Uy!! Ang sweet mo naman,  Mang Arman. Pero thank you ha."

Lumabas na sa palengke sina Arman at naghanap ng makakainang karinderya sa labas. Ngunit para masiguro ni Arman na makilala nya ng husto si Marika, dinala nya ito sa isang Eat-all-you-can buffet. Sa presyong 120 pesos ay makakain nila lahat ng pwedeng kainin.

Buti na lang hindi pihikan sa pagkain si Marika. Ang problema nga lang, kabaliktaran sya ng inaasahan ng mag-ama kay Marika. Laking gulat nila ng kumuha ito ng gabundok na egg rice, mga karneng ulam, sugpo, pritong manok at alimango sa kanyang plato. Nagdagdag pa sya ng isang bowl ng fruit salad bilang dessert

Marika: "Mang Arman! Archie! Let's dig-in na! Kuha lang kayo sa plato ko kung kulang nyo pa."

Arman: "Si..sis...sige kain ka lang." (Kapag hindi nya naubos yan magchacharge ako ng 100 pesos.)

Archie: (Kaya bang ubusin ni Miss Marika yan?!!)

Lalo pang nagulat at namangha ang mag-ama ng naubos ni Marika lahat ng pagkain sa kanyang plato.

Marika: "WOW!! Ang sarap!! Nabusog ako."

Archie: "............" (Grabe!! Naubos nya yun lahat?!! Saan kaya napupunta ang taba nya?!! Napupunta kaya yun lahat sa dibdib?!!!!)

Arman: "Wow, ahhh....hindi ko alam na ganado ka palang kumain. (Pambihira!! Anung klaseng katawan meron ang babaeng to?!! Sobrang takaw palang kumain pero ang seksi pa rin nya tingnan?!!!!)

Marika: "Uuuhhh.....salamat sa panglilibre nyo ha. Tsaka pababa muna ko ng kinain."

Nang marinig ni Arman ang sinabi ni Marika, naisip nyang ito na din ang tamang pagkakataon upang alamin ang dahilan kung bakit napakatagal niyang nagbabakasyon sa isla.

Arman: "Well, Marika, hindi naman siguro masama kung mag-uusap tayo sandali noh. Naisip ko lang, kumusta ang bakasyon mo dito sa isla?"

Marika: "Ok naman ang bakasyon ko dito. Ang dami ko na ngang napuntahan."

Arman: "Sa mga napuntahan mo, may nagustuhan ka bang lugar?"

Marika: "Ang totoo wala."

Archie: "Wala? Bakit po wala?"

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon