Matapos ang mahaba nilang paglalakad ay naihatid na rin ni Jett si Archie sa bahay nila. Namangha din si Archie sa kanya dahil sa sobrang tiyaga nitong alalayan siya sa paglalakad nang pagkakahaba, habang buhat siya sa balikat nito.
Ang problema nga lang ay parang walang tao sa bahay ni Archie kaya nanatili pa sila sa may balkonahe ng kaniyang bahay. Sinubukan mag-tawag ni Jett ng "tao po!" sa harap ng bahay ni Archie ngunit wala pa din sagot mula sa loob.
Jett: "Archie, parang walang tao sa bahay mo."
Archie: "Ha?!! Panu yan?! Sobrang sakit na ng buong katawan ko. Baka lumabas pa si tatay. (Naayos na pala ni tatay ang pinto? Ang bilis naman nya.)"
Jett: "May naisip ako."
Archie: "Anung gagawi-"
Bago pa man matapos ni Archie ang kanyang tanong, ay ginawa na nito ang naisip nyang ideya. Kung saan, tinira ni Jett ng malakas na sipa ang kanilang pintuan na muli ay nasira na naman. Pagkasira nito sa pintuan ay may lalaking sumisigaw at galit na galit mula sa kanilang sala.
Arman: "HOY!! SINO KA?!!! AT BAKIT MO SINIRA ANG PINTO NG BAHAY KO HA?!!!!!! ALAM MO BANG KA-AAYOS KO LANG YAN KANINA HA?!!!
Ang bahay na inakala ni Archie at Jett na walang tao, ay meron pala. Marahil ay napagod ito sa pag-aayos ng kanilang pinto kaya umiglip siguro ito sa kanilang sala.
Jett: "Pasensya na po sa pagsira ko sa pintuan nyo. Hinatid ko lang po yung anak nyo."
Arman: "HINATID?!!!! BAKIT MO IHAHATID?!!!! HINDI NAMAN BABAE ANG ANAK KO HA?!!!!!
Jett: "Sir, Binugbog po sa daan ang anak nyo."
Arman: "ANUNG IBIG MONG SABIHIN NA BINUGBOG?!!! SINONG NANGBUGBOG?!!!"
Dahil sa hindi na makayanan ni Archie ang iniindang sakit sa katawan, sya na ang sumagot sa kanyang tatay.
Archie: "Tay!! Pwede ba?!!! Hayaan nyo munang ipasok nya ako jan sa bahay!! Masakit na ang buong katawan ko!!!!!
Nang marinig ni Arman ang anak, dali-dali nyang pinapasok ang dalawa sa kanilang sala at doon pinahiga si Archie ng kanyang tatay. Agad naman din hinanap ni Arman ang first-aid kit nito sa kanyang kwarto.
Habang ginagamot si Archie ng kanyang tatay, ikuwinento niya ang nangyaring pambubugbog sa kanya ng mga nambubully sa kanya at ikuwinento din niya kung panu sya iniligtas din ni Jett mula sa mga bully at labis na nakahinga ng maluwag si Arman ng marinig nya ito. Kaya inimbitahan nya si Jett na maghapunan sa kanila.
Arman: "Sobrang laki ng pasasalamat ko sa u, Jett, sa pagligtas mo sa anak ko. Hindi ko alam kung panu ko tatanawin ang utang na loob ko sa'yo. Mas maganda siguro kung dito ka na makikain sa amin ng dinner!!"
Jett: "Wala pong anuman po yun. Ayoko lang po na may nakikita akong inaapi po na ibang tao. Hindi nyo na po kailangan na magpasalamat ng sobra. Tsaka aalis na rin po ako"
Arman: "Ay! Wag ka nang tumanggi. Hindi maganda na tumatanggi ka sa grasya. Sige ka! Baka mawala sa'yo ang grasya. Kaya makikain ka na dito sa amin. Minsan lang naman to.
Archie: "Oo nga naman, Jett. Dito ka na makikain ng hapunan. Tsaka bilang pasasalamat ko na rin ito sa'yo. Tanggapin mo na yung alok namin ni tatay.
Dahil sa pinilit na nang husto ng mag-ama si Jett na makikain sa kanila ng hapunan, wala na din syang nagawa kundi pamayag na din siya sa alok ng mga ito.
Jett: "Sige na nga. Payag na po akong makikain dito sa inyo. Itetext ko lang po sa kuya ko na makikikain ako dito sa inyo para hindi po sya mag-alala."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...