Muli ay naglakad na ang mag-ama mula sa hotel papunta sa sinasabing barangay kung saan nakatira ang lola ni Archie. Iniisip pa rin ni Archie ang nasabing tsismis kay Marika, nang may namataan silang kumpulan ng tao sa may tabi ng daan. Nausisa si Arman sa kumpulan ng tao kaya naman tiningnan nya kung anu ang nangayayari.
Nang makalapit ang mag-ama, isang poster ng nawawalang tao ang idinikit sa bulletin board ng pulis station at ang nakakapagtaka pa lalo ay pang ika-dalawamput lima na poster na yun na may nawala sa buong isla.
Kung kaya't tinanong ni Arman ang katabing usisero.
Arman: "Boss, Anu pong nangyayari? Bakit ang dami po ng kaso ng mga nawawala dito sa buong isla?"
Usisero: "Pasensya na boss, pero ako nga rin. Wala din akong ideya kung bakit nawawala ang mga tao na yan sa poster."
Arman: "Bakit naman?"
Usisero: "Eh hindi din ako taga dito sa isla. Kararating ko lang."
Mukhang nagkamali ng pinagtanungang tao si Arman.
Arman: "Ay? Ganun po ba boss?"
(AY!!! LINTIK NA?!!!)Usisero: "Boss, itanong nyo na lang sa pulis jan na nagbabantay. Tapos pakisabi din sa akin para malaman ko din.
Arman: "Ah..sige po sir. Salamat!
(ASA KA PA!!!)Pinuntahan nila Arman ang pulis na nakabantay sa bulletin board upang malaman kung bakit napakadami ng nawawala na tao ang nakalagay.
Arman: "Sir! Good morning po. Itatanong ko lang kung bakit ang dami pong mga nawawalang tao na nakaposter sa bulletin nyo?"
Pulis: "Eh...anu? Sir, sa tagal ko nang nandito sa isla, hindi ko din po maipaliwanag kung bakit sila nawawala. Nagsagawa na kami ng rescue search sa kanila, kinausap na rin po namin ang mga taga dito, hindi po namin malaman kung panu sila nawala. Para bang nawala sila ng parang bula at walang iniwang bakas."
Base sa paliwanag ng pulis kay Arman, hindi malinaw kung anu ang sanhi ng pagkawala ng mga tao sa poster. Kaya naman nagpasalamat na lang siya sa impormasyon na narinig mula sa pulis.
Sinabihan nya si Archie na dapat lagi silang mag-ingat sa kung anu man ang bagay na sanhi ng pagkawala ng mga tao.
Nagpatuloy na naglakad ang mag-ama at sa wakas ay nakarating na rin sila sa nayon kung saan nakatira ang lola ni Archie.
Pagdating nila ay sinalubong si Arman ng isang dating kaibigan.
????: "OY!! Arman!!! Pambihira! Akala ko wala nang balita sa'yo ah!! Di ko alam na babalik ka ulit dito."
Arman: "Grabe ka naman magbiro, Fred! Ilang taon lang ako nawala, hindi ka na marunong maghanap ng balita!
Fred: "Kaya nga eh!! Nasira na kasi yung niregalo mong radyo ng mga sundalo. Hindi ko naman alam ayusin yun. Kaya ibinenta ko na sa magbabakal."
Arman: "Oo na! Sige na! Hayaan mo na. Si nanay Lita, anjan ba sa bahay niya?"
Fred: "Oo, pre!! Andun! Nagprapractice pa rin ng Cha-Cha niya."
Arman: "Haha!! Malakas pa rin pala talaga siya. Oh siya! Tutuloy na kami sa bahay nya!!
Fred: "Sige!! Tsaka condolence na rin pre!!
Arman: "Bakit naman?"
Fred: "Ngayun ko lang nalaman na patay na si Cecil pre!!
Arman: (Pambihira!! Eh anim na taon ng patay ang asawa ko!!!! Ngayun nya lang nalaman!!) Pre!!! Ang tanga mo talaga pre!!!
Fred: "Salamat pre!!!!"
At tumuloy na ang mag-ama sa bahay ng lola ni Archie.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...