Huwebes santo na at ang lahat sa nayon ay abala na sa paghahanda para sa prusisyon bukas. Naisip ni Archie na magiging abala sya sa araw ngayun.
Abala na rin ang mga kasamahan nya sa bahay dahil naging tradition ng pamilya ni Lola Lita ang magtulak nng karo ng santo ng sa prusisyon. Ihinahanda na ni Celito ang mga halaman na ilalagay sa karo.
Umalis na ng bahay si Archie upang puntahan si Rochel sa bahay nito. Nadatnan nyang nasa labas na ito ng kanilang bahay at naghihintay na sa pagdating ni Archie.
Rochel: "Oh? Dumating ka rin Archie."
Archie: "Siyempre darating ako. Hindi ka na nasanay na araw-araw kitang tinutulungan halos sa buong bakasyon ko."
Rochel: "Alam ko naman na darating ka. Kaya nga naghihintay na ko dito sa labas para sa ipapagawa ko sa'yo."
Archie: "Oo. Sige! Anu naman ipapagawa mo sa akin ngayung araw?"
Rochel: "Mangingisda tayo ngayun."
Archie: "Mangingisda? Kung ganun pumunta na tayo sa bangka ni Mang Fred. Baka naghihintay na sya sa atin."
Rochel: "Tungkol kay Tiyo, hindi sya sasama sa atin dahil tutulungan nya si Mang Marcel sa paggawa ng krus na gagamitin para sa prusisyon bukas."
Archie: "Ha?!! Eh kung hindi sasama si Mang Fred sa atin, sino kasama natin sa pangingisda?"
Rochel: "Eh di wala. Tayong dalawa lang ang mangingisda sa laot."
Archie: "A...A...ANU?!!
Nabigla sa narinig si Archie dahil madalas kapag nangingisda sila ay kasama nila lagi si Mang Fred. Kaya nakakapanibago kay Archie na mangingisda sila ni Rochel na silang dalawa lang ang magkasama sa laot.
Rochel: "Anu? Tutunganga ka na lang ba jan?! Halika na!! Wag na tayong magsayang ng oras pa dito.
Archie: "O sige. Papunta na!"
Mabilis na naglakad si Rochel papunta sa pampang upang itulak nila ni Archie ang bangka ng kanyang Tiyo Fred. Agad naman na humabol si Archie sa kanya.
Pagdating nila, agad na nagtulungan ang dalawa na itulak ang bangka na kanilang gagamitin at nadala naman nila ito sa tubig. Ngunit masama ang pakiramdam ni Archie sa alon dahil sa sobrang matataas ang mga ito.
Archie: "Rochel, wag ka sanang magagalit pero wag na kaya tayong tumuloy."
Rochel: "At bakit naman, ha?!"
Archie: "Hindi mo ba napansin? Napakataas ng alon ngayun."
Rochel: "Archie, alon lang yan! Tsaka marunong ka nang lumangoy diba?! Kaya anu ang kailangan mo ng ikatakot sa taas ng alon?!"
Archie: "Oo na. Sige. May punto na naman eh.
May punto naman ang mga sinabi ni Rochel sa kanya. Kaya naman pumayag na lang si Archie.
Sumakay na ang dalawa at dumiretso na sila sa parte kung saan hinala nilang may maraming isda. Pagdating nila, agad naghagis ng lambat si Archie. Si Rochel naman ay namimingwit naman sa kabilang dulo ng bangka.
Nang mai-angat ni Archie ang lambat, may iilan lang na isda syang nahuli. Kaya namingwit na lang sya gaya ng ginagawa ni Rochel.
Habang namimingwit sila, may naalalang tanong si Archie kay Rochel na napakaimportante para sa kanya.
Archie: "Rochel."
Rochel: "Bakit?"
Archie: "Anu na ang plano mo kapag tapos na ang dalawang buwan na baksyon namin ni tatay dito sa isla?"
Tumahimik si Rochel sa tanong ni Archie at nag-isip kung anu ang kanyang dapat na isagot kay Archie. Naisip nya na darating ang oras na aalis si Archie sa isla at nagdadalawang isip pa rin sya kung ilalahad ba nya ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Archie.
Sa loob ng 1 buwan at 2 linggo, unti-unting nagustuhan ni Rochel si Archie dahil sa ipinakitang determinasyon, haba ng pasensya at pagpapahalaga nito sa kanya.
At nakuha din ni Archie ang tiwala nya dahil sa patuloy nyang pagtatago ng ilan sa kanyang mga sikreto.
Kaya naman nakapadesisyon na si Rochel na sabihin ang kanyang nararamdaman kay Archie.
Rochel: "Archie, total, napag-isip-isip ko na rin yan tanong mo, gusto ko sanang sabihin na.......
Bago pa man sabihin ni Rochel ang kanyang sasabihin, bigla na lang na may malaking alon na may taas na 6 ft ang bumungad sa kanilang lokasyon.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...