CHAPTER 71: WITNESS

31 3 0
                                    

Kinabukasan, Sabado de Gloria, naghahanda na ang buong mag-anak ni Archie upang magpiknik sa dagat. Ngunit dumating si Rochel sa bahay ng lola ni Archie bago pa man sila pumuntang dagat.

Rochel: "Archie!! Good morning!"

Archie: "Oh Rochel!! Eh....grabe. Nag-good morning ka pa. Ang aga mo atang pumunta dito sa bahay."

Rochel: "Gusto ko sanang imbitahan ka sa pupuntahan namin."

Archie: "Saan naman?"

Bago pa man masabi ni Rochel ang kanyang sasabihin kay Archie, biglang may isang na dumating sa lugar nila at hinahanap ang tatay ni Archie na si Arman. Nang makita ni Archie ang babae nakilala nya ito.

Archie: "Teka! Si Miss Marika ba yun?!"

Rochel: "Sino naman yung Miss Marika na sinasabi mo?!"

Archie: "Yung babae na yun oh. Ay.....Palapit na pala sya sa atin.

Nang makita ni Marika si Archie nagmadali syang limapit sa kinaroroonan nito.

Marika: "Uy!!! Pogi!! Andito ka pala! Asan ang tatay mo?"

Archie: "Nasa loob po ng bahay. Bakit po?"

Marika: "Importante itong sasabihin ko Archie. Pwede ba natin syang puntahan?"

Archie: "Ah...ehh...sige po kung masyado itong importante."

Rochel: "Archie, mukhang may importante ata gagawin siguro aali—"

Marika: "Archie!! Wag mo munang paalisin yung si ganda!! Kailangan niya ring marinig ang sasabihin ko."

Rochel: "Ha?!! Anu po?!!"

Archie: "Ang ibig sabihin ni Miss Marika sumama ka na muna sa amin sa loob."

Rochel: "Sige. Total, iniimbita naman nya ako na makinig."

Pagpasok ni Miss Marika sa bahay ng kanyang lola. Ipinakilala ni Archie sa mga kasamahan nila na nasa loob si Marika. Paglabas ni Arman mula sa kusina, agad ng ipinaliwanag ni Marika ang pakay nya sa pagdalo.

Arman: "Marika. Anu nga pala ang ipinunta mo dito?"

Archie: "Tay! Sabi nya may sasabihin siya kaya napapunta siya dito sa bahay."

Marika: "OK. Magsisimula na ako sa nadiskubre ko ha. Natukoy ko na ang posibleng suspek sa pangunguha ng mga tao dito sa isla."

Celito: "Anu daw? Natukoy? Kung ganun, Sino?! Para maisumbong na natin sa barangay at sa mga pulis!!"

Lola Lita: "Oo!! Sang ayon ako jan!!"

Fred: "Right!!"

Marika: "Eh.....yun nga po ang problema. Hindi naniniwala ang mga pulis sa ikuwinento nung nahanap na witness."

Marcel: "Eh bakit naman?!!"

Ipinaliwanag ni Marika na ang witness sa huling nawawalang biktima ay isang bata.

Ganun pa man, laging nagfofollow-up si Marika sa mga pulis para mahanap ang nawawalang kasamahan niya ng matsambahan niya ang interview ng mga pulis sa witness.

Pinagtawanan lang ng mga pulis ang kwento nito na isang nilalang na may pakpak ng paniki ang dumukot sa nakita nitong lasing na lalaki.

Dahil sa kwento ng bata, pinauwi sya ng mga pulis. Pero si Marika na determinado na malaman ang misteryo ng mga nawawalang tao na sa tingin nya ay konektado sa hinahanap nyang sinaunang siyudad ay kinausap ang bata.

Ayon sa kwento ng bata sa kanya, may malaking pakpak ang nilalang, mahahaba at matatalas na kuko, may pangil, at ang pinaka-kakaibang sinabi nito ay baliktad ang mga paa nito. Ganun pa man, pinasalamatan ni Marika ang bata at sinamahan itong umuwi.

Matapos makuha lahat ni Marika ang impormasyon na nakuha niya sa bata ay kumaripas sya ng takbo kina Archie kung saan nagkukuwento sya ng ebidensya ngayun.

Marika: "At yung ang hinala ko sa mga nangyayari."

Arman: "Naniniwala ka na etong suspek natin ay isang Aswang?!!"

Marika: "Oo."

Nagtinginan ang mga kasamahan nila sa bahay sa ikwinento ni Marika. Maliban kay Lola Lita na mukhang seryoso ang mukha nito sa kanyang narinig."

Marcel: "Nagbibiro ka ba Miss Marika?!! Eh nasa modern age na tayo!! Uso pa ba yan mga kwentong bayan na halimaw na yan!!!! HAHAHAHA!!!!"

Halos magtawan ang mga kalalakihan sa loob ng bahay. Nang biglang magsalita si Lola Lita.

Lola Lita: "MANAHIMIK NGA KAYO!!!! Akala nyo ba nakakatuwa yung mga sinasabi nya sa inyo!!!

Celito: "A...anung ibig nyo pong sabihin, Nay?!!"

Lola Lita: "Mukhang bumalik na yung nilalang na kumitil sa ama ko. Na hinihiling ko na sana ay hindi na bumalik."

Nagulat si Marika sa mga binitawang salita ni Lola Lita sa kanila. Si Archie naman ay biglang kinabahan ng tumingin ang lola niya sa kanya.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon