CHAPTER 74: PICNIC

32 3 0
                                    

Nagulat si Archie sa sinabi ni Rochel na dalawa lang sila na magpipicnic sa may minifalls. Kaya naman sinagot na lang nya ang tanong ni Rochel sa kanya.

Archie: "Eh hindi naman masama na dalawa lang tayo magpipicnic dito pero....."

Rochel: "Pero anu?"

Archie: "Wala. Hayaan mo na lang."

Rochel: "Sige. Sabi mo eh."

Agad na inilatag ni Rochel sa may lilim ang toldang uupuanan nila tsaka nya inilabas mula sa bag ang mga pagkain na kanilang kakainin. Ngunit naisip bigla ni Rochel na maligo na muna sa sapa.

Rochel: "Archie! Ligo muna tayo."

Archie: "Ha?!! Anu?!!"

Rochel: "Ang sabi ko, samahan mo ako maligo."

Archie: "Eh....pe...pero....magtatanggal ka ba ng damit?"

Rochel: "Teka!! Inaasahan mo ba ako na magtanggal ng damit jan sa harapan mo?!!!"

Archie: "Hindi naman sa ganun."

Rochel: "Sige na nga lang."

Archie: "A...ANU?!! Teka!!!

Bahagyang dahan-dahan na itinaas ni Rochel ang kanyang damit kung saan kita ang kanyang pusod. Nang mapansin nyang nakatitig sa kanya si Archie, sabay baba din lang ng kanyang damit.

Rochel: "Anu ka?!!!! Sineswerte?!!!!!!"

Sabay takbo ni Rochel at tumalon sa tubig ng sapa. Naisip ni Archie na inasar lang sya ni Rochel sa kanyang ginawa. Ngunit hinayaan na lang nya ito tsaka siya sumunod sa sapa.

Pagdating ni Archie sa sapa, agad syang winisikan ni Rochel ng tubig. Gumanti naman si Archie at nagwisikan sila. Tumigil lang sila nang mapagod na sila pareho.

Matapos nun, naisip na ni Rochel na umahon na sila sa tubig upang magpalit at mananghalian.

Archie: "Saan ka pupunta, Rochel?"

Rochel: "Magpapalit na ako. Umahon ka na rin jan para makapagtanghalian na tayo."

Archie: "Oo na. Aahon na. Pero saan ka naman magpapalit?"

Rochel: "Bakit mo naitanong?!"

Archie: "Wala lang naman."

Rochel: "Anung wala?!!! Siguro may plano kang bosohan ako, noh?!!!"

Archie: "Hindi ha!!. Bakit ko naman gagawin yun sa'yo?!"

Rochel: "Eh bastos ka eh!!!"

Archie: "Sabing hindi nga!!"

Rochel: "Oh Sige!!! Jan ako magpapalit sa likod ng mga malalaking bato. At jan ka sa likod ng mga halaman."

Archie: "Eh bakit dun pa ako sa likod ng mga halaman ako magpapalit ng damit?!!"

Rochel: "Eh siyempre ikaw ang lalaki at ayokong madapuan ng kung anung makating insekto at halaman jan pagkatapos kong maligo!!!! Wag mo ding subukan na lumapit para manilip at baka mabato ulit kita ng malaking bato!!!!"

Wala nang nagawa si Archie sa gusto ni Rochel kung saan sila magpapalit ng damit. Kaya sumunod na lang sya.

Pagkatapos nilang makapagpalit ng tuyong damit, agad na din silang nagsalo sa pananghalian na dala nila.

Habang kumakain, may pagkakataon na ipinasubo ni Rochel ang niluto nyang adobo upang matikman ni Archie.

Nasarapan si Archie luto ni Rochel, kaya ipinatikim din ni Archie ang luto nyang mechado. Pagtikim ni Rochel sa mechado, gusto sana nyang iluwa ang mechado ni Archie dahil naging sinigang ang lasa ng kanyang mechado sa sobrang asim.

Pilit na lang na nilunok ni Rochel ang niluto ni Archie at napansing baliktad ang panlasa nito.

Matapos kumain, iniligpit nang dalawa ang dala nilang mga plastik na lalagyan at nagpahinga ng konti.
Humiga sila pareho sa toldang sapin na kanilang inilagay.

Agad na nakaiglip si Archie paghiga nya sa sapin. Napansin na naman ni Rochel ang isa sa kakaibang ugali ni Archie at yun ay ang sobrang bilis nyang makatulog.

Tulog-mantika din si Archie ng sinubukan syang gisingin ni Rochel sa kanyang pagkakaiglip. Dahil sa wala ng magawa si Rochel, tinabihan na lamang niya si Archie at sabay yakap sa kanya.

Nagising si Archie ng mapansin nyang may kung anung bagay na mabigat sa kayang dibdib at nakita nyang ginawang unan ni Rochel ang kanyang dibdib. Nagising din si Rochel matapos gumalaw sa pagkakakagising ni Archie. Umusod si Rochel upang maitapat nya ang kanyang mukha sa mukha ni Archie at unti-unti nyang inilapit ang kanyang labi sa labi din ni Archie.

Naghalikan ang dalawa sabay yakap sa isa't isa nang magulat sila at naantala dahil sa narinig nilang tunog ng hinahampas na kahoy mula sa mga halaman sa gilid ng sapa.

Rochel: (ANU BA NAMAN YAAAN!!!!!! KINIKILIG NA AKO EHHHH!!!! BUWISIT NA ISTORBONG TUNOG YAN!!!!!)

Archie: "Teka! Anu kaya yun?!! Tignan ko muna kung anu yun Rochel."

Rochel: "Oo. Sige." (Istorbo naman yan!!! Kainis!!!!)

Tiningnan ni Archie kung saan nanggagaling ang tunog. Lumapit din si Rochel sa likod ni Archie at laking gulat nila nang makita nila si Marika na gumagawa ng sariling daan gamit ang patpat na hawak nito.

Archie: "Si Miss Marika?!! Anung ginagawa nya dito?!"

Rochel: "Oo nga!! Sya nga! At bakit may dala siyang malaking bag?!"

Archie: "Mukhang hindi nya pa tayo nakikita dito sa inuupuanan natin. Tsaka saan kaya sya pupunta?

Patuloy sa paghampas ng halaman si Marika habang naglalakad at napansin ni Rochel na tila galit ito dahil sa lakas ng paghampas nya sa mga halaman.

Yun nga lang ay sa sapa naman ang direksyon nya at lalong nagalit ito ng makita nya ang sapa.

Marika: "AAAAARRRGGGHHHHH!!!!!!!! SAPA NA NAMAN?!!!!! BAKIT PURO NA LANG SAPA ANG DULO NG NAPUPUNTAHAN KO??!!!!!!!!"

Napansin ng dalawa na tila mahina si Marika sa paghahanap ng direksyon. Kaya naman naisip nila Archie at Rochel na lapitan si Marika upang alamin kung bakit ito nasa bundok.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon