CHAPTER 40: PAGKAUSISA

38 2 0
                                    

Paggising ni Archie, isang panibagong umaga ang naghihintay sa kanya sa pangalawang araw niya sa isla. Pagpunta nya sa hapag-kainan, binati nya ang mga kasamahan nya sa bahay habang nag-aagahan.

Pagkatapos nya mag-agahan, naghahanda na sya para samahan sina Shiela at ang kanyang tatay na mangahoy sa bundok sabay alis sa bahay ng lola nya.

Sakto namang naghihintay na ang mag-ama sa harap ng bahay.

Shiela: "Anu? Handa ka nang matutong mangahoy?"

Archie: "Oo. Handa na ako!"

Marcel: "Kung ganun, umalis na tayo nang makarami tayo ng maiuuwing kahoy."

Bago man sila umalis ay pinigilan muna sila ni Arman.

Arman: "Bayaw!! Sandali! May pag-uusapan lang tayo saglit dito sa loob bahay."

Marcel: "Teka! Arman! Bakit kailangan sa loob nang bahay pa? Wala pa naman akong ginagawang mali ah?

Arman: "Importante lang bayaw. May kailangan kang marinig na balita. Mas mabuti na hindi marinig ng mga bata ang mga detalye."

Marcel: "Kung importante yan, sige. Anjan na ako. Mga iho't iha, hintayin nyo muna ako jan ha? May pag-uusapan lang ang mga matatanda."

Iniwan ni Marcel ang magpinasan at pumasok sa bahay kasama si Arman.

Shiela: "Anu kaya sa tingin mo pinag-uusapan nila?"

Archie: "Hindi ko alam. Pero mukhang importante. Sya nga pala, hindi ba sasama si Buboy sa atin?

Shiela: "Hindi eh. Pinagalitan kasi sya ni tatay. Dahil iniwan nyang walang takip ang ulan kanina kaya kinain ito ng pusa ng kapitbahay sa kabila."

Archie: "Ah...OK."

Matapos ang ilang minuto, lumabas na si Marcel galing sa bahay at sinabi sa magpinsan na huwag silang magpapaabot ng takipsilim. Dahil delikado at nagsimula na silang naglakad papuntang bundok.

Makalipas ng ilang minuto na paglalakad ay narating na nila ang parte ng bundok kung saan nangangahoy ang mag-ama. Doon ay nagsimula nang pumutol ng patay na kahoy si Marcel at nagpulot naman ng tuyong mga sanga si Shiela. Binalaan din ni Marcel na wag lalayo ang magpinsan.

Habang nagpupulot ng sanga ng kahoy si Archie, nakatawag ng pansin sa kanya ang tunog ng sapa na malapit sa kinatatayuan nila. Gusto sana nyang puntahan pero pinigilan siya ni Shiela.

Shiela: "Archie! Saan ka pupunta?! Wag kang pupunta jan! Delikado sa parteng iyan!

Archie: "Ha?! Bakit naman? Eh parang may sapa naman sa direksyon na yan."

Shiela: "Oo may sapa jan. Pero hindi din namin alam kung may daanan ng tao jan. Kaya mas mabuti na wag mo na tingnan at mapahamak ka pa kapag sinubukan mong puntahan. Tsaka malapit na rin tayo bumalik sa baba oras na maputol na lahat ni tatay ang kahoy."

Na intriga si Archie sa tunog ng sapa kung anu istura nito kaya naman naisip na lang nya na bumalik sa bundok pagkatapos nilang mangahoy.

Natapos na din silang mangahoy at pababa na sila ng bundok. Tanghali na ng makabalik sina Archie sa bahay ng lola nito at mabilis na nananghalian.

Pagkatapos nyang mananghalian, tumulong siya sa mga gawaing bahay at naligo. Matapos makapagpalit ng damit ay tiningnan nya muna ang mga kasamahan sa bahay kung umiiglip ang tatay nya at ang mga tiyuhin nito at gaya ng inaasahan nya, kasarapan ng tulog nila sa hapon.

Nagbuburda naman ang lola nito sa likod bahay kaya di sya napansin nito na lumabas.

Samantalang sina Shiela at Buboy naman ay namalengke kasama ang nanay nila kaya walang kasama si Archie sa plano nitong bumalik sa bundok.

Binalikan ni Archie ang parte ng bundok kung saan nya narinig ang tunog ng sapa. Sinundan nya ang pinangagalingan nito at gaya ng sinabi ni Shiela, na walang daanan ng tao para makapunta sa sapa. Kaya naman si Archie gumawa ng sariling daan.

Narating ni Archie ang sapa, nakita nya na hanggang baywang at malinis ang tubig na dumadaloy sa gitnang parte nito at mababaw naman sa gilid na parte ng sapa. Ngunit matarik ang gilid nito.

Lalo pang nausisa si Archie kung saan nanggagaling ang tubig, kaya sinundan nya ang pinanggagalingan ng sapa.

Matapos ng ilang minutong paglalakad sa matarik na gilid ng sapa, narating nya ang parte nito na may minifalls. Namangha siya ng sobra sa kanyang nakita.

Ngunit bago pa man sya makapagpatuloy sa paglalakad, nadulas sya at nahulog mula sa matarik na gilid at napunta sa mababaw na parte ng sapa.

Napaupo sya sa pagkakadulas niya at nasaktan ng husto. Matapos syang mahimasmasan, ay nagulat siya sa kanyang nakita sa harapan nya.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon