CHAPTER 50: TAGU-TAGUAN

35 1 0
                                    

Nang makalabas na si Archie mula sa loob ng palengke, sinubukan nya na munang maghanap sa labas ng palengke upang malaman kung may bakas ba ni Rochel sa paligid. Nagpaikot-ikot sya sa buong labas, ngunit wala syang nahanap. Naisip ni Archie na baka umuwi ito sa kanilang bahay kaya pinuntahan niya ito.

Pagdating ni Archie sa bahay ni Rochel, nadatnan niyang bukas ang pinto ng bahay nila at umiiglip sa kanilang salas ang tatay nito na si Mang Rico.

Minabuti na lang ni Archie na wag itong distorbuhin sa pagtulog kaya umalis na lang siya nang masalubong nya si Fred sa daan. Naalala ni Archie na Tiyuhin sya ni Rochel kaya nagtanong sya rito.

Archie: "Good morning po, Mang Fred. Itatanong ko lang po kung umuwi po ba si Rochel sa bahay nyo?"

Fred: "Ehh....hindi ko pa naman sya nakitang dumaan dito.

Archie: "Ah OK po. Salamat po!"

Fred: "OK! Sige.

Napansin ni Archie mas madaling kausap si Fred kaysa sa ibang mga matatatanda sa nayon. Ganun pa man, nagpatuloy sa pag-hahanap si Archie.

Naisip nyang pumunta sa pampang, nagbabakasakaling mahanap nya roon si Rochel. Pagdating nya, wala rin syang nakita ni anino nito. Ngunit nakita nyang namimingwit sina Shiela at Buboy sa gilid ng dagat kaya't tinanong nya ang mga ito.

Archie: "Shiela!! Buboy!! Nakita nyo bang dumaan si Rochel dito?

Buboy: "Sino? Si Rochel? Pasensya na Archie. Hindi namin sya nakitang dumaan dito. Bakit mo pala sya hinahanap?

Archie: "Kasi ano......bigla na lang syang tumakbo palayo sa palengke kanina nung nauusap kami nang nanay nya."

Shiela: "Bakit? Anu ba kasi pinag-usapan nyo ng nanay nya?"

Ipinaliwanag ni Archie sa dalawang magkapatid na Ninang ni Archie sa binyag ang nanay nya at sa mga pinag-usapan nila kanina. Walang gaanong reaksyon at tila normal lang  ang tingin ng magkapatid sa paliwanag ni Archie sa kanila. Kaya't sila man din ay nagtataka sa naging reaksyon ni Rochel ayon sa kuwento ni Archie.

Shiela: "Kakaiba yun ha? Wala namang masama sa pinag-usapan nyo ni Aling Sisa. Iniisip ko baka yung biro-biroang tawagan nyo ng "Nanay" ang nagpatampo sa kanya.

Archie: "Ha?!! Dahil lang ba dun?! Eh kung ganun, dapat masabi ko na biro lang iyon ng nanay nya. Tsaka anung masama sa pagtawag ko ng "Nanay" sa nanay nya?

Buboy: "Alam nyo, ayoko nang mag-isip! Kayo nang bahala jan! Mamimingwit na lang ako ng maraming isda rito.

Napaisip si Shiela sa tanong ni Archie na kalaunay naintindihan nya na kung bakit.

Shiela: "Archie, sa tingin ko kailangan mo talaga siyang hanapin at ipaliwanag mo ang sarili mo sa kanya."

Archie: "Anung ibig mong sabihin na ipapaliwanag ko sa ang sarili ko sa kanya?!"

Shiela: "Sabihin mo lang na biro lang ng nanay nya ang tawagan ninyo kanina. Ang kaso sa klase ng ugali na meron si Rochel, malabo na mahanap at maipaliwanag mo sa kanya ang usapan ninyo ng nanay nya kanina. Nakakabahala lang, baka hindi sya umuwi sa kanila bago maggabi."

Naalala ni Archie ang usap-usapan sa nayon tungkol sa mga nawawalang tao sa buong isla. Naisip ni Archie na baka maging biktima ng pagkawala si Rochel kapag hindi nya ito nahanap bago pa magdilim.

Archie: "Tama ka Shiela. Kailangan ko siyang hanapin. Ang problema ko lang ngayun, hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin kasi hinanap ko na sya sa mga possibleng lugar na pupuntahan nya. May alam ka pa bang lugar na pwede nyang puntahan?"

Shiela: "Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan sya pumupunta kapag wala syang ginagawa. Ang alam ko lang na lugar na madalas nyang puntahan ay dito sa pampang, sa bahay nila, palengke at sa bundok na kinukuhanan nila ng prutas. Tsaka magtatanghali pa lang kaya mahaba pa ang oras mo para hanapin sya.

Archie: "Eh nanggaling na ako sa palengke at sa bahay nya kanina. Sa bundok naman, kagagaling lang namin dun na pumitas ng mangga kaninang umaga."

May pumasok sa isip ni Archie na marahil ay possibleng lugar na pupuntahan ni Rochel. Kaya naman agad syang nagpasalamat kay Shiela.

Archie: Alam ko na!!!" (Marahil andun sya sa lugar na yun!)

Shiela: "A..anung alam mo na?"

Archie: "Ang galing mo pinsan!! Isa kang genius!! Salamat sa'yo pinsan!!! Kailangan ko nang umalis!!"

Naguluhan si Shiela sa sinasabi ng kanyang pinsan na si Archie. Nagulat nga lang siya sa biglang pagyakap sa kanya nito at nagpasalamat sabay kumaripas ng takbo papunta sa bundok

Shiela: "Si...sige. Walang anuman.

Buboy: "Uuuuy! Niyakap sya. Sana ako rin?"

Shiela: "Haaa?!! Anu sinabi mo?!"

Buboy: "Wala."

Nagkaroon lang ng konting pagtatalo ang magkapatid pagkaalis ni Archie. Samantalang si Archie naman ay tumatakbo papunta sa bundok at iniisip ang lugar kung saan sila unang nagkita ni Rochel.




Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon