CHAPTER 17: RUMBLE PART 2

44 7 3
                                    

Nang masipa ni Archie ang Bully 2 sa mukha ay tuluyan na itong nawalan ng malay pagkabasak nito sa semento. Hindi makapaniwala ang Bully 1 sa nakita nito. Dalawa sa kanyang mga kaibigan ay napatumba ng kanilang binubully na si Archie.

Archie: "Ano?! Lalaban ka pa?! Dalawa sa mga kaibigan mo ang napatumba ko na?! At ikaw na lang ang natitira."

Imbes na umatras ang Bully 1 ay lalo pang inudyok si Archie na labanan pa ito ng suntukan.

Bully 1: "Ha! Naka chamba ka lang na natalo mo yan dalawang kasama ko. Dahil jan sa pandarayang panunuhod mo sa mukha nila!! Sigurado ako, sa mano-manong suntukan, mahina ka!!

Napikon ng husto si Archie sa ipinakitang kayabangan ng Bully 1 sa kanya. Kaya tinanggap niya ang hamon nito na labanan lamang sa suntukan. Ngunit nagsisimula nang manakit ang katawan ni Archie dahil na rin sa mga naunang suntok at sipa na natanggap niya bago mapatumba ang dalawang kalaban nito. Kung kaya't kailangan na nyang mapatumba na ang Bully 1 sa isang suntok lamang.

Archie: "PURO KA YABANG!! SIMULAN NA NATIN ANG LABAN NG MATAPOS NA AGAD!!

Nagsimula nang magpurmahan ng fighting stance ang dalawa at nagpakiramdaman kung sino sa kanila ang mauunang susugod. Ilang segundo ang lumipas, naunang sumugod ang Bully 1 at tumira ng kanan sa mukha ni Archie. Dinepensahan naman nya ito ng parehong braso.

Ngunit hindi inasaahan ni Archie ang bilis ng kaliwa nito at natamaan sya ng diretso sa mukha. Nahilo sya pagtama nito kaya dumistansya sya mula dito. Laking pagtataka nya kung bakit ang kaninang napansin nyang mabagal na manuntok ay biglang naging maliksi. Naisip marahil ni Archie na baka nanghihina na ang katawan nya at ito ang bumagal.

Bago pa tingnan ni Archie ang kalaban na kanyang dinistansyahan, ay nagulat na lamang sya ng nasa harapan niya na ito at nakabwelo na ang kaliwang suntok nito. Umilag si Archie mula dito, ngunit pinasundan sya nito ng kanan na tumama naman sa kaliwa nyang pisngi.

Nasaktan si Archie sa tama nito at nagsunod-sunod na ang mga suntok nito sa kanya. Wala nang nagawa si Archie sa pagsugod nito kaya tinakpan na lamang niya ang ulo ng kanyang mga braso. Gusto sanang tapakan ni Archie ang paa nito upang maging lamang nya mula rito ngunit naalala nya ang sinabi nito na mano-manong suntukan lamang.

Mukhang tumupad naman ito sa sinabi nito na suntok lang ang gagamitin sa laban nila. Hanggang sa napansin ni Archie panay na lamang ang suntok nito sa kanya at nakalimutan na nitong dumipensa. Kaya naisip na ni Archie na sabayan na ito sa suntukan at kailangan nyang tamaan ito nang malakas.

Sumuntok muli ng kaliwa ang Bully 1 na tumama sa kanang bahagi ng kanyang mukha ngunit sinabayan na ito ng malakas na kanan ni Archie na tumama sa pisngi nito. Napahinto sa pagsugod ang Bully 1, ngunit di na nag aksaya ng segundo si Archie at sinundan na muli ng magkasunod na kanan at kaliwang malalakas na suntok. Parehas na magkasunod na tumama sa mukha ng Bully 1 na syang ikinahilo nito. At nang makita ni Archie na ito'y nahilo, ibinigay na ni Archie ang buong lakas nito sa isang uppercut na nakapagpatumba ng tuluyan sa Bully 1.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon