CHAPTER 27: NAPADAAN

41 5 5
                                    

Dumating na din ang araw na hinihintay nang mag-ama kung saan ay aalis na sila para sa kanilang pagbabakasyon. Alas Otso pa lang ng umaga ay nakapalit na sila ng damit pangbiyahe. Handa na din ang kanilang mga dadalhin at handa na silang umalis.

Arman: "Sa wakas!!! Handa na akong pumunta jan! Isla ng Paradisio!!!"

Archie: "Oo na po, Tay. Hindi nyo naman po kailangan ipagsigawan pa."

Napansin ni Archie na dumating si Jett sa harap ng kanilang bahay.

Jett: " Sobrang energetic ni Mang Arman, ah."

Archie: "Aba! Jett! Anung ginagawa mo dito?"

Jett: "Wala lang. Napadaan lang ako para sabihin na ingat kayo sa biyahe nyo. At tsaka enjoyin mo lang bakasyon dun, Archie."

Archie: "Ay! Haha! Grabe naman! Nag-alala ka pa sa akin."

Jett: "Kaibigan mo na nga ako, di ba? Kaya asahan mo na lagi akong nakabantay sa likod mo. Maliban lang sa bakasyon mo ngayun."

Archie: "HAHA!! Na touch naman ako sa sinabi mo, Jett."

Jett: "Oo. Wag kang matouch sa akin dahil sa mga sinabi ko. Dahil ayokong maging bakla ka. Kaya naman, may simpleng challenge ako para sa u."

Archie: "Anu naman yan challenge mo? At hindi ako bakla!!!"

Jett: "Simple lang, manligaw ka ng babae na taga dun sa pupuntahan nyo."

Archie: "A...A...ANU?!!!!"

Nagulat ng husto si Archie sa hamon ni Jett sa kanya. Nairita din sya dahil sa sinabihan sya nitong bakla. Kaya naman si Jett, sinabi na lang na aalis na sya at umalis na din ang mag-ama agad at baka maiwan pa sila ng eroplano.

Jett: "Mas mabuti kung umalis na kayo agad. Baka maiwan pa kayo ng eroplano. Sige alis na din ako."

Archie: "Jett!! Anu ibig mo sabihin sa hamon na sinasabi mo?!!!"

Jett: "Ikaw na bahala dun. Sige! Ingat kayo!"

Kasabay ng pag-alis nya ay kumaway sya ng konti sa mag-ama.

Arman: "Archie, sigurado ako na binibiro ka lang nya. Nakakatuwa talaga yan kaibigan mo. Mabuti pa, umalis na tayo!!!"

Archie: "Opo Tay!!!!"

Nagtawag ng taxi si Arman papunta sa airport. Pagdating nila sa airport, nagmamadali nang naglakad si Arman sa loob papunta sa terminal na parang isang bata na sabik nang sumakay sa roller coaster.

Pilit naman na hinabol ang kanyang tatay upang hindi mawala sa paningin nya ang kanyang tatay.

Pumila ang mag-ama, ibinigay ang mga ticket at naghintay sila sa waiting area kung saan hinihintay na nila ang eroplano na kanilang sasakyan.

Nang dumating na ang eroplano na papunta sa siyudad ng Verseles, Southern Province, sobrang excited na si Arman na makasakay ng eroplano.

Talagang makikita mo sa kanya na ayaw nyang magsayang ng oras. Agad naman din na humabol si Archie sa kanyang tatay.

Nang makasakay na sila, oras na lang ang kanilang hihintayin bago umalis ang eroplano dahil sa kailangan pang punuin ng mga pasahero.

Para hindi mabagot si Archie habang naghihintay, binuksan niya ang maliit na TV at siya'y nanood at isinuot ang headphones na nakakabit dito.

Maya't maya naramdaman ni Archie na parang umaandar na ang eroplano at namangha siya pagtingin nya sa bintana. Nakita nya na nasa ulap na sila at kanina pa pala lumilipad ang eroplano.

Arman: "Sabi ko naman sa'yo, mag eenjoy ka sa bakasyon na ito."

Tumango si Archie sa sinabi ng kanyang tatay at muli pang nagsalita ito.

Arman: "Magpahinga ka na muna Archie habang nasa eroplano pa tayo. Sigurado ako, mahaba-haba pa ang biyahe natin.


Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon