Pagbukas ni manong sa kanyang drawer, kinuha nya ang isang kuwintas na may design ng ani mo'y araw ang istura na may nakaukit na isda sa gitna nito. Kapag natapat ito sa liwanag ay kumikinang na parang kinang na halintulad sa sinag ng araw.
Manong: "Eto, iho. Gusto kong tanggapin mo ito bilang regalo ko sa'yo."
Archie: "Ay....Manong wag na po! Nag-abala pa po kayo!"
Manong: "Hindi, iho. Tanggapin mo. Para sa'yo talaga yan. Alam ko kac na darating ang araw na aalis na ako dito sa Arcade. Tsaka matagal na kitang suki dito, kaya naman tanggapin mo na yang regalo ko sa'yo."
Archie: "Manong, hindi ko po matatanggap po yan! Parang napaka mahal po ng kuwintas na yan."
Ayaw tanggapin sana ni Archie ang ibinibigay sa kanya na kuwintas, ngunit nagpumilit ang manong na kunin nya ito. Kaya wala na din nagawa si Archie kundi tanggapin na lamang ang nasabing regalo.
Manong: "Oh, kita mo! Bagay naman sa'yo. Ang ganda ngang tingnan sa leeg mo oh. Tapos ayaw mo pa tanggapin."
Archie: "Nakakahiya naman po kasing kunin, mukha kasing mahal ang bili nyo po dito."
Manong: "Hay.....nanghihinayang ka pa. Buti nga niregaluhan pa kita. Yung ibang parokyano ng Arcade ang binibigay ko mga palamuti sa cellphone at keychain lang eh. Kung minsan isang piraso ng toothpick na lang din para mapagkasya ko lang yung regalo ko sa kanila."
Sobrang nahiya si Archie dahil sa sya lang ang niregaluhan nang manong na akala niya'y pagkamahal na regalo. Kung kaya nagpasalamat siya ng sobra dito.
Archie: "Thank you po talaga! Sobrang salamat po! At salamat din po sa pagprotekta nyo po sa akin sa mga bully kong mga kaklase."
Napaiyak at napayakap ng husto si Archie habang nagpapasalamat sa manong na nagprotekta sa kanya mula sa mga nangbubully ng 2 taon. Hindi matatanaw ni Archie utang na loob nito sa taong hindi nya kadugo na itinuring nyang parang isang tunay nyang lolo.
Manong: "Haayy......tahan na iho. Pinapaiyak mo naman ako. Wala lang sa akin yun mga nagawa ko para sa'yo kasi alam kong nasa tama ang ginagawa ko. Tsaka di ba sabi ko, tapangan mo na sarili mo? Kaya dapat hindi ka na umiiyak di ba? Kaya tahan na."
Pinunasan ni Archie ang kanyang mga luha at binitawan mula sa pagkakayakap ang manong.
Archie: "Tama po kayo. Hindi na ako iiyak."
Manong: "Oo nga eh. Dapat hindi ka na umiiyak at tapangan mo na ng husto ang sarili mo."
Archie: "Opo, manong."
Matapos ang masinsinang pag uusap nila ng manong, bumalik si Archie sa Arcade area para laruin ang sinasabing bagong arcade machine. Nagpatuloy din ang manong na magbantay sa Arcade area. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nagbantay ng mga papasok na bully ang manong dahil sa tiwala na sya na gagampanang mabuti ni Archie ang mga sinabi nitong payo sa kanya.
Lumipas ang ilang oras ay gagabihin na muli si Archie mula sa paglalaro nito ng video games. Ngunit di gaya nung nakaraang mga taon na sobra syang ginagabi ay maaga nang nagpasyang umuwi si Archie.
Muli, nagpasalamat at nagpaalam na si Archie sa manong na nagbabantay sa Arcade area. Ngunit bago umalis si Archie, may idinagdag pang sinabi ang manong sa kanya.
Manong: "Isang bagay pala, Iho, pakatandaanan mo, sa tuwing titingnan mo ang kuwintas na regalo ko sa'yo, lagi mong alalahanin ang mga sinabi ko sa'yo, ha."
Archie: "Opo! Manong! Hinding-hindi ko po kalilimutan ang mga sinabi nyong payo sa akin. At hindi ko rin po kayo makakalimutan. Thank you po!"
At masayang naglakad pauwi si Archie. Mula sa labas ng mall ay tinatanaw siya ng manong at napasabi ito sa sarili.
Manong: "Sana maprotektahan ka nyan sa kahaharapin mong panganib basta maging matapang ka lang. Mag-iingat ka iho."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...