CHAPTER 58: NAKAKAKILABOT NA TUKLAS

28 2 0
                                    

Pagdating ni Fred sa kinatatayuan ng mga batang kasama nya, agad na nagtanong si Buboy kung anu ang laman ng kahoy na may espasyo sa loob. Nagtaka naman sina Archie, Rochel at Shiela sa mabilis na pagdating ni Fred.

Buboy: "Mang Fred! Anu pong laman nung kahoy na may espasyo sa loob?"

Sandaling hindi masagot ni Fred ang tanong ni Buboy dahil sa naghahabol pa sya ng hininga galing sa lokasyon na pinanggalingan nito. Matapos nun, nagsalita na rin si Fred. Ngunit, hindi nya sinagot ang tanong ni Buboy. Imbes ay hinawakan nya si Buboy

Fred: "Shiela, Archie at Rochel. Hawakan nyong mabuti si Buboy."

Rochel: "Bakit po, Tiyo?! "

Shiela: "Ha? Bakit po namin hahawakan si Buboy, Mang Fred?!

Archie: "Mang Fred! Anu po ba nakita nyo sa loob na parte ng puno na yun? Bakit kailangan na hawakan si Buboy?!"

Fred: "Dahil napakakulit ni Buboy at matigas ang ulo!! Kaya hawakan nyo sya! Kung kinakailangang itali nyo para hindi sya bumalik sa lokasyon ng puno na may espasyo!!"

Yun ang unang pagakakataon na nakita ni Rochel na galit ang kanyang Tiyuhin. Ngunit nagtanong pa si Archie

Archie: "Mang Fred! Anu ba kasing nakita nyong laman nun?!!

Fred: "Lahat kayo dito na nandito.
Magtiwala kayo sa akin. Hindi nyo gugustuhin na makita ang laman nun. Kaya umalis na tayo! At bantayan nyo si Buboy!"

Agad na hinila palayo ni Fred ang mga kasamahan nya mula sa bundok at nagmadali silang bumalik ng nayon.

Pagbalik sa nayon, tinawag ni Fred sina Arman, Marcel, Celito at ang tatay ni Rochel na si Rico.

Marcel: "Bakit ang ingay mo ata ngayun, Fred?!!! Natutulog pa ako dito sa may sala!!"

Arman: "Oo nga!! Ba't ba ang ingay mo?! Kasarapan namin ni Marcel ng tulog dito?! Tsaka ba't parang ang aga nyong dumating?!

Rico: "Oy! Bayaw! Ayoko na naman na makarinig ng balita na nanalo ka sa lotto! Gasgas na yan biro mo.

Fred: "Mga pare!! Hindi ko kayo ginising para magbalita sa inyo ng masamang biro ha?!! Ginising ko kayo para bantayan nyo ng maigi yan mga anak nyo!! At wag na wag nyong palalabasin para hindi bumalik dun sa lokasyon kung saan kami nangahoy!!"

Napansin nina Arman at Celito na parang hindi mapakali si Fred, kaya tinanong nila ito.

Arman: "Fred, sabihin mo nga? May nangyari bang masama sa lugar kung saan kayo nangahoy?"

Fred: "Walang nangyari, pare!! Pero may nakita akong sobrang sama. At kailangan nyo kong samahan sa pulis station."

Celito: "Anu?! Police station?!

Nagtinginan sina Arman at Celito sa sinabi ni Fred na parang may ideya sila kung anu ang nakita ni Fred. Kaya sinamahan nila ito kasama si Rico na pumunta sa Police station.

Pero anubisuhan naman ni Arman sina Marcel at Lola Lita na bantayan ang mga bata. Si Rico naman, sinabihan si Rochel na manatili muna kay Lola Lita hanggang sa makabalik sila. Pinauwi naman ni Marcel ang mga anak nyang si Shiela at Buboy at sinabihan ang kanyang asawa na huwag palabasin ang magkapatid.

Lola Lita: "O mga iho't iha? Walang lalabas sa inyo hanggang sa makabalik sila. Sa nakikita ko seryoso si Fred sa sinasabi nya."

Marcel: "Oo nga po, Nay! Ngayun ko lang nakitang ganyan yan si Fred. Kapag pasigaw na yan magsalita, hindi na nagbibiro yan. Yung huli kong nakitang ganyan yan noong nasunog yung bahay nung isa sa kapitbahay natin. Pero walang pumansin sa kanya. Hanggang sa nagtakbuhan na ang mga tao na may sunog. Kaya mula noon, kapag seryosong magsalita yan, asahan mong nagsasabi na yan ng totoo."

Lola Lita: "Hay...ang sa akin lang sana hindi seryoso ang sasabihin nya sa mga pulis, dahil kapag seryoso yan, lalo na kung tungkol sa mga nawawalang tao yan, sobra na akong mababahala at baka hindi na ako mapakali."

Marcel: "Tama nga po kayo, Nay. Sana nga po."

Samantala, nag-uusap naman sina Rochel at Archie sa maliit na kwarto ni Archie.

Rochel: "Ang liit naman ng kwarto mo. Buti hindi ka nasisikipan dito.

Archie: "Ayus lang na maliit ang kwarto, ayoko kasing magsayang ng espasyo."

Rochel: "Oo. Pansin ko nga. Natutuwa ka naman sa kwarto mo ngayon.

Archie: "Anu kaya sa tingin mo Rochel, ang nakita ng Tito Fred mo?

Rochel: "Pakiramdam ko, Archie, hindi maganda ang nakita nya sa kahoy na yun."

Archie: "Alam mo, kinikilabutan ako sa nakita nya. Dahil kinailangan pa nyang ipaalam pa sa mga pulis ang nakita nya."

Rochel: "Oo. Sana ayus lang si Tiyo.

Tumabi at sabay yakap si Rochel kay Archie dahil sa naalala nya ang paghila sa kanya kanina.

Rochel: "Siya nga pala. Sa...salamat pala kanina sa pagligtas mo sa akin."

Archie: "Wala yun, Rochel. Tsaka kahit sino naman, kung nasa panganib ang tao, kailangan talaga syang iligtas. Kaya kapag nasa panganib ka, asahan mong ililigtas kita lagi."

Rochel: "Archie, Salamat ulit.

Muli na namang niyakap ng Rochel si Archie. Ngunit sinabihan ni Archie si Rochel na bilisan lang ang pagyakap sa kanya at baka biglang pumasok ang lola nya sa kanyang kwarto at mag- isip ito ng hindi maganda sa kanilang dalawa.

Pagdating sa police station, ipinaliwanag ni Fred ang kanyang nakita sa bundok sa mga pulis. Hindi makapaniwala si Arman, Celito at Rico sa ikuwinento ni Fred na mga detalye ng kanyang nakita. Pero may posibilidad na nagsasabi sya ng totoo sa mga pulis.

Kaya matapos na marinig ng mga pulis ang mga detalye, agad naman silang pumunta sa bundok upang alamin kung nagsasabi ng totoo si Fred.

Pagdating nila sa lokasyon kung saan nangahoy si Fred, tinanggal ni Fred ang nakatakip na dahon ng saging sa parte ng puno na nakita nya. Laking gulat ng lahat sa kanilang nakita na nagpapatunay na totoo ang sinasabi sa kanila ni Fred.

Tumambad sa kanila ang isang naagnas na bangkay ng isang lalaki sa loob ng punong kahoy na pinutol nila Fred kanina.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon