Anim na araw makaraang umalis ang mag-amang Archie at Arman sa Isla ng Paradisio. Nakarating na rin sa wakas si Marika sa siyudad ng Selma kasama ang bago nyang kasama sa kanyang bahay na si Rochel.
Sobrang namangha at nawili sa kanyang mga nakita si Rochel mula sa kanilang biyahe at lalo pa syang nawili ng makarating na sila sa siyudad. Kaya ipinasyal muna ni Marika sa paligid si Rochel upang maging pamilyar sya sa lugar.
Pag-uwi nila sa bahay ni Marika, napansin agad ni Rochel ang isang babae na halos kasing edad nya na sumisilip mula sa labas ng gate ng bahay ni Marika na may dalang mga aklat sa kamay nito.
Ang babae ay may suot na salamin, buhok na itsurang bunot na abot hanggang sa leeg, at katamtaman ang pangangatawan. Kaya nilapitan ito ni Marika mula sa likod nito sabay patong ng kanyang kamay sa balikat.
Marika: "Uy!! Lyrica!!! Kamusta ka n-"
Lyrica: "AAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!"
Napatalon ito sa gulat at nahimatay ito sa harapan nila. Nataranta naman si Rochel sa kanyang nakita.
Rochel: "Miss Marika! Anung ginawa nyo?!!!"
Marika: "Rochel, huminahon ka. OK lang si Lyrica. Sadyang magugulatin lang sya."
Rochel: "Magugulatin?!! Panu kung may sakit siya sa puso?!!"
Marika: "Maniwala ka. Wala syang sakit sa puso. Hay....ipapakilala pa naman sana kita sa kanya pero hindi pa rin sya nagbabago. Magugulatin pa rin. Tulungan mo ako na ipasok sya sa bahay para naman hindi sya mataranta kapag nakita nya tayo ulit."
Rochel: "Opo."
Ipinasok nila Marika at Rochel ang babaeng nagulat at nahimatay ng dahil sa panggugulat sa kanya ni Marika.
Matapos mapahiga ng dalawa sa sala ang babae, agad nang ipinakita ni Marika kay Rochel ang magiging kwarto nito sa pananatili nya sa siyudad. Matapos nun, pumunta si Marika sa kanyang kuwarto. Nagpalit na din si Rochel ng damit pambahay.
Lumabas sa kanyang kuwarto si Rochel upang tingnan ang kalagayan ng babae na pinahiga nila sa sala at napansin nya na nagkakamalay na ito.
Rochel: "Hi! Kamusta? OK ka na ba? Ako nga pala si Rochel. Ikaw anung pangalan mo?"
Lyrica: "A....ak...ako si Lyrica."
Rochel: "Ah..eh...Anu? Wala bang masakit sa'yo?"
Lyrica: "Wa.....wala."
Marika: "Lyrica, gising ka na pala. Matagal-tagal din noong hindi kita nakita. Pakiusap ko naman sa'yo, wag ka namang maging magugulatin. Nataranta tuloy si Rochel kanina."
Lyrica: O...opo. Miss Marika. Sya nga po pa..pala. Ibabalik ko na po ang mga librong hi...hiniram ko po."
Marika: "Ah...Oo. Naalala ko, may mga ipinahiram pala akong mga libro sa'yo bago ako unalis. Salamat sa'yo at naalala mong ibalik lahat. Tsaka samahan mo na muna kami para naman makilala mo naman si Rochel."
Lyrica: "Hi...hindi na po. U..uwi na po ako sa bahay. Aalis na po ako. Ni..nice to meet you, Ro..Rochel."
Agad na tumayo at umalis na ng bahay si Lyrica.
Marika: "Rochel, pagpasensyahan mo na si Lyrica. Sobrang napakamahiyain nya rin kasi, pero mabait si Lyrica at maasahan mo sya ng sobra kapag nangailangan ka ng tulong sa kanya. Hayaan mo, makikilala mo rin sya ng husto kapag pumasok ka na sa school dito sa Selma. Sa pagkakaalala ko, Grade 8 na rin sya ngayung taon kaya naniniwala ako na magkakasundo kayo nun."
Rochel: "Miss Marika, napansin ko po na kilalang-kilala nyo po si Lyrica. Saan po kayo nagkakilala ni Lyrica?"
Marika: "Eh kapitbahay lang kaya natin si Lyrica kaya sobra ko syang kilala."
Rochel: "Ah....ganun po ba? Kung ganun, posibleng araw-araw ko po syang makita sa labas?"
Marika: "Oo. Sigurado yan, Rochel. Mabuti pa, magpahinga na muna tayo. Masakit na ang ulo ka sa haba ng ibiyenahe natin."
Rochel: "Sige lang po, Miss Marika. Matulog na muna po kayo. Aayusin ko lang po na ilagay sa drawer ang mga damit ko."
Marika: "OK sige. Tsaka kung nagugutom ka, wag kang mahiya na kumuha o magluto ng pagkain mula sa Ref. Maging feel-at-home ka lang dito sa bahay ha."
Rochel: "Opo, Salamat po. Miss Marika."
At bumalik na sa kanyang kwarto si Marika upang umiglip.
Habang inaayos ni Rochel ang kanyang damit sa kanyang drawer, muli din nyang nakita ang kwintas na regalo sa kanya ni Archie noong nasa isla pa sila. Inalala ni Rochel ang mga magagandang ala-ala nila ni Archie na kung saan masaya silang magkasama. Ngayun na nasa siyudad ng Selma na rin sya, umaasa sya na makikita nyang muli ang mahal niyang si Archie.
Samantala, matapos lumabas ni Lyrica mula sa bahay ni Marika, imbes na umuwi na ng bahay ay dumaan pa ito sa bookstore sa downtown upang maghanap ng babasahing libro.
Wala siyang nakitang kahit na anung nakakuha ng interes nya kaya lumabas din sya. Ngunit nang mapadaan siya sa isang antique shop, naisip nyang maghanap ng lumang libro na mapagkaka-abalahan nyang basahin.
Nagtanong siya sa matandang lalaking bantay ng shop kung may mga lumang libro itong ibinebenta. Itinuro naman ng lalaki ang mga libro sa likod.
Nang makahanap sya ng ilan sa napag-interesan nyang basahing libro, gusto pa nyang dagdagan pa ang kanyang mga babasahin.
Kaya naghanap pa sya sa likod at pumukaw sa interest nya ang isang libro na may simbolo ng buwan na nakatatak sa balot nito. Halatang napakaluma na ng libro, kaya kinuha na rin ito ni Lyrica at bumalik sa nagbabantay upang bilhin ang mga librong kanyang napili at umuwi na sa kanyang bahay.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...