CHAPTER 46: HULOG

36 3 0
                                    

Sa hindi inaasahang pagkakataon, natsambahan ni Archie ang marupok na sanga ng puno. Nang ito'y kanyang kinapitan nabali ito na syang dahilan upang mawalan sya ng balanse hanggang sa nahulog na nga sya sa puno.

Archie: "AAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!

Rochel: "Teka! Anu—! EEEEEEEEKK!!!!

Nahulog mismo si Archie sa mismong kinatatayuan ni Rochel at nasaktan sila pareho sa pagkakahulog ni Archie.

Rochel: "ARaaaaay! Ang sakit ng balakang ko!

Archie: Araaaay....(Teka! Sandali lang. Bakit parang hindi ako nasaktan. Tsaka anu ba itong nasa harapan ko, ang lambot naman ata.)

Sinubukang tumayo ni Archie nang makita nya si Rochel na nasa harap nya ito.

Napagtanto nya na nasa malaking problema na naman siya dahil nang mahulog siya, nadaganan niya si Rochel na nakatihaya sya kanya at sumubsob ang mukha nya sa dibdib ni Rochel.

Ang masama pa, nakapatong siya kay Rochel at nahawakan ang dibdib nito nang sinubukan nyang tumayo.
Kaya naman......

Archie: (Lagot. Katapusan ko na. Goodbye Earth.)

Rochel: "EEEEEEEEEEEEEEEKKKKK!!!!!!
BAASTOOOS KAAA!!!!!! MAAAAAAAAAANNYYAAAAAAKKKK!!!!
EEEEEEEEEEEEEKKKKKKKKKKKK!!!!!!

Tumili ng tumili si Rochel sabay sinuntok ng napakalakas si Archie sa mukha. Tsaka pa nya pinasundan ng tadyak si Archie sa sikmura kung saan namaluktot ito sa sakit. At pinagbabato sya muli nito ng bunga ng mangga na kanyang napulot kanina.

Archie: "Rochel! Itigil mo yan!! Hindi ko sinasadya!!! Aksidente lang ang nangyari!!!"

Rochel: "WAG KANG LALAPIT SA AKIN!! JAN KA LANG!!!! MANYAK!!! EEEEEEEEEEEEEEEEKKKKKKKKK!!!!!!

Hindi na naman nagpapigil sa pambabato si Rochel. Kaya naman napilitan nang magtago si Archie sa likod ng punong mangga at hinihintay na tumigil at mahimasmasan ang nagwawalang babae.

Archie: (Anu ba itong gulong napasok ko? Bakit lagi na lang ganito ang nangyayari? Hindi ko naman sinasadya na mangyari ang mga bagay na ito. Sana man lang tumigil na sya nang maipaliwanag ko ng mabuti.)

Wala nang nagawa si Archie kundi magmukmok na lang sa likod ng puno hanggang sa tumigil at mahimasmasan si Rochel.

Ilang oras ang nakalipas, nakaiglip na pala si Archie, sa sobrang paghihintay nya na mahimasasan si Rochel na sya pa mismo ang gumising sa kanya mula sa pagkakaiglip.

Rochel: "Oy.....Archie! Gumising ka na jan. Marami pa tayong gagawin."

Archie: "Marami pa tayong gagawin? Parang ayoko nang umakyat."

Rochel: "At bakit naman na ayaw mo nang umakyat?!"

Archie: "Eh kung mabali na naman yung sangang kinakapitan ko at bumagsak na naman ako sa'yo?! Hindi ko naman sinasadya yung pagkakahulog ko kanina!"

Rochel: "Sige!! Ako na ang aakyat!! Magpulot ka na lang dito sa baba!!"

Umakyat si Rochel dahil sa sobrang inis nya kay Archie na ayaw nang umakyat pa sa puno ng mangga.

Umakyat ng pagkataas-taas si Rochel at sobrang namangha si Archie dahil sa sobrang sanay ito na umakyat ng puno.

Si Archie naman, pinulot lahat ng bunga ng mangga na makikita nitong nahuhulog at napansin nya na mabilis napuno ang dalawang bayong na dala nila. Kaya tinawag ni Archie si Rochel upang bumaba sa puno.

Habang bumababa sa puno si Rochel, natsambahan din nya ang marupok na sanga ng puno kung saan nabali din ito tulad kanina na nahulog si Archie.

Rochel: "AAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!

Archie: "Anjan na ako Rochel!! Sasaluhin kita!"

Napasigaw si Rochel nang siya ay mahulog at may kataasan din ang babagsakan nya. Agad namang pilit na sinalo ni Archie si Rochel sa abot ng kanyang makakaya.

Eksaktong bumagsak naman si Rochel sa katawan ni Archie. Sa pagkakataong ito si Rochel naman ang nahulog sa ibabaw ni Archie at yakap naman siya ni Archie nang masalo siya nito.

Archie: "Aaaaraaayyy....ang sakit ng likod ko."
(Bakit laging nangyayari etong kamalasan na ito sa akin?)

Rochel: "Aray....ang sakit ng ulo ko. Nauntog ata ako." (Teka?!! Hindi ako gaanong nasaktan! Sinalo ba ako ni Archie?!!)

Pagmulat ni Rochel sa harapan nya, si Archie ang nakita nya. Ngunit hindi siya makapagsalita dahil hindi siya makapaniwala na sasaluhin siya ni Archie sa kabila ng mga ginawa niyang pananakit kanina.

Archie: "Rochel? OK ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"(Lagot na naman ako nito.)

Rochel: "Hindi. Hindi ako nasaktan. Pero pwede bang dito muna ako?"

Archie: "Anung ibig mong sabihin na "dito muna ako"?"

Napaiyak si Rochel sa dibdib ni Archie dahil sobra siyang nagulat at natakot sa kanyang pagkakahulog.

Ganun pa man, naisip ni Archie na babae pa rin naman ang kalooban ni Rochel kahit na sinasabi ng karamihan sa nayon na astang lalaki siya kung kumilos. Kaya hinayaan na muna ni Archie si Rochel sa ibabaw nya hanggang sa mahimasmasan si Rochel.

Nang mahimasmasan na si Rochel nagtanong si Archie sa kanya.

Archie: "Rochel?"

Rochel: "Bakit?"

Archie: "Hanggang kailan mo ba ako hihigaan?"

Nagulat at mabilis na tumayo si Rochel mula sa katawan ni Archie. Hiyang-hiya siya ng sobra dahil sa ginawa nito na paghiga ng matagal kay Archie. Ganun pa man, hinayaan na lang ito ni Archie.

Rochel: "Archie! Ah... eh.. Ano? Ehh...buhatin mo na yung mga bayong at aalis na tayo."

Archie: "Sige. Kukunin ko na."

Rochel: "Tsaka...Anu....."

Archie: "Ayos ka lang ba Rochel? Wala bang masakit sa'yo?"

Rochel: "Wa...wala naman."

Napasin ni Archie sa ikinilos at pananalita ni Rochel na nahihiya pa rin ito sa kanyang ginawa kanina. At dumagdag pa si Rochel ng sasabihin.

Rochel: "Tsaka....salamat kanina."

Archie: "Oo. Wala yun."

Rochel: "Sige! Tayo na. Dalhin na natin etong mga mangga sa palengke."

Binuhat ni Archie ang mga bayong, at bumaba na sila ni Rochel papunta sa palengke. Habang naglalakad, naalala ni Archie ang isang bagay na sinabi ni Jett, bago siya umalis ng Selma at naisip nya na maaring mangyari nga ang hindi nya inaasahan.



Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon