CHAPTER 26: MGA HULING ORAS SA SIYUDAD

46 5 6
                                    

Kinabukasan, araw ng Huwebes, natanggap na ni Arman ang kanilang tickets na inorder nila sa internet at tuwang-tuwa sya dahil malapit na nyang makamit ang inaasam niyang bakasyon sa isla ng Paradisio.

Sa sobrang excitement nya, nagsimula na syang icheck-up ng husto ang kanyang bagahe at kinikilatis kung nailagay nya ba lahat ng mga gagamitin nya. Kaya muli na naman niya binuksan ang kanyang bagahe at inalis lahat ng laman nito at muli na naman niyang isinilid isa-isa.

Si Archie naman, muli ay nanonood na naman sya ng TV habang pinag-iisipan kung anu pa ang idadagdag na gamit sa kanyang biyahe. Hangga't sa maalala niyang balutin ng towel ang kanyang deodorant at isilid ng husto sa kanyang bagage bag. Dahil naman sa bawal ang mga naka boteng bagay sa airport.

Muli ay napukaw na naman sa interes nya ang isa na namang balita sa TV.

TV: "Isang Flash Report po mga kaibigan!! Sa maniwala kayo't sa hindi, mga kaibigan! Isang UFO daw po ang namataan po sa bayan Iligano na nakitang lumilipad po daw sa ibabaw ng naturang bayan. Gayun man! Wala pa rin pong patunay kung totoo ba ang mga UFO at kung may laman bang Aliens ang mga ito. Dahil na rin sa nakita lamang daw ito ng mga resisdente!!
Nagbabalita po! Para sa bayan!!"

Archie: "Hindi ko maintidihan? Bakit sobrang kakaiba naman lagi ang mga ibinabalita sa news flash ngayun. Wala na ba silang maibalitang matino?"

TV: "Eh natural bata na ganyan ang ibalita namin!! Kasi yan ang scoop! At tretrending pa kami! Kaysa naman sa ibalita namin ang tangang rider ng motor na nahulog sa kanal! Tsaka malaki din ang kitaan namin dito. Kaya malaki ang sahod namin. Kaya pabayaan mo na lang kami at manood ka na lang sa kung anu ibinabalita namin!"

Archie: "TAAAAAAAAY!!! KINAKAUSAP NA NAMAN AKO NG TV!!!!!"

Arman: "Anu na naman ba yun, Ha?!!"

Archie: "KINAUSAP NA NAMAN AKO NG TV NATIN!!"

Tiningnan ulit na naman ni Arman ang TV at wala na naman syang napansin na kakaiba sa TV.

Archie: "Nahihilo ka pa ata siguro, Archie. Baka naman sa kaiikot nyo kahapon sa mall baka hanggang ngayun nahihilo ka pa rin. Kaya malikot na naman ang imagination mo dahil sa hilo!! Tsaka patayin mo na nga iyan kung wala ka nang mapanood na iba! Nakakadagdag ingay pa yan dito sa loob ng bahay!"

Muli ay pinatay ni Archie ang TV alinsunod sa inutos nito sa kanya.

Matagal pa ang oras ng pag alis ng mag-ama kaya naman muli ay dinouble-check ni Archie kung nailagay na nya lahat ng mga gagamitin nya sa loob ng kanyang bag at napansin nyang parang may kulang sa kanyang mga dala. Kung kaya't inisip nyang mabuti kung anu ang bagay na kanyang nakaligtaan.

Muli ay naibalik na ni Archie ang lahat ng kakailanganin nyang mga gamit sa kanyang bag. Ngunit nasa dulo pa rin ng dila nya kung anu ang kanyang nakaligtaan na bagay.

Magdidilim na at hindi pa rin maisip ni Archie kung anu ang bagay na kailangan niyang dalhin.

Pagkatapos nilang mag hapunan, sobra nang excited ang kanyang tatay na matulog kaya't natulog na sila ng maaga matapos hugasan ang mga pinggan at linisan ang kanilang mesa.

Nang pagpasok ni Archie sa kanyang kwarto, napatingin sya sa drawer ng kanyang mesa at naalala nya ang kanyang ilalagay sa bag.

Binukasn nya ang drawer at nakita ang kuwintas na bigay sa kanya ng manong sa mall. Dali-dali nya itong isinilid sa kanyan bag. Napabuntong-hininga sya dahil sa wala na syang aalalahanin pang maiiwan na gamit sa kanilang bahay. At natulog na din sya para ihanda ang sarili sa kakaharapin nyang biyahe papunta sa isla ng Paradisio.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon