Matapos magtanong ni Archie, ipinaliwanag ni Lola Lita kung bakit hindi nito kailangang mag-alala kay Rochel.
Lola Lita: "Hindi mo kailangang mag-alala sa kanya. Dahil protektado siya ng iyong kuwintas."
Archie: "Protektado sya ng kuwintas?! Lola, panu naman po sya maproprotektahan ng kuwintas?! Hindi ko po maintindihan?!"
Lola Lita: "Hindi isang simpleng kuwintas ang dala mo, Apo. Isang uri ng Anting-anting ang kuwintas na iyan na kayang gumawa ng panangga upang hindi pisikal na masugatan o masaktan ang may suot nito."
Archie: "Eh Lola? Panu kung pagtangkaan na kunin ng mga Aswang ang kuwintas ni Rochel?!!
Lola Lita: "Wag kang mag-alala, Apo. Hindi makukuha ng mga Aswang ang Kuwintas dahil masusunog sila kapag ginawa nila iyon. Kaya may oras ka pa para makapaghanda kung pano mo ililigtas si Rochel. Ang gawin mo na lang, hasain mo na muna yan itak mo para tumalas naman."
Kamapante si Lola Lita sa mga sinabi nito kay Archie. Kaya naman hinasa nya na muna ang itak upang mapatalas ito ng husto.
Samantala, ibinagsak si Rochel nang Manananggal na dumagit sa kanya sa harapan ni Urdano.
Urdano: "Sa tatlong tao na nakakita sa atin at ipinapahuli ko sa inyo kanina, ETO LANG ANG NAHULI NYO?!!!!"
Mananggal 1: "Ehh...maliksi sila masyado, Urdano. Tsaka natsabambahan kong natisod yang dalagita. Kaya sya ang nahuli namin."
Urdano: "Siyam na nga kayong nagtulong-tulong, hindi nyo pa nahuli lahat!!!! Mga inutil!!!!!"
Manananggal 2: "Patawarin mo kami, pinunong Urdano. Kung gusto nyo, inyo na po ang dalagitang iyan. Kainin nyo na po sya para makabawi kayo ng lakas.
Nang marinig ni Rochel ang pinag-uusapan ng mga Aswang. Tumulo ang kanyang luha dahil sa hindi kanais-nais na kapalaran ang kanyang sasapitin.
Rochel: (Kakainin nya ako?!! E..eto na ba ang katapusan ko?!! Patawarin mo ako Archie!!!!!!! Dahil hindi na tayo magkikita pa!!!!)
Mula sa kanyang kinalalagyan, dinampot sya ni Urdano at isinubo ang braso ni Rochel sa bunganga nito at kinagat ang kanyang braso. Ngunit napansin ni Urdano na hindi nya ito makagat na tila kumakagat sya ng matigas na bato.
Urdano: "Anung uri ng panlilinlang ito?!!!!!!!"
Manananggal 1: "Bakit po pinuno?! Anu pong nangyari?!!"
Urdano: "Hindi ko makagat ang babae!!!!"
Manananggal 1: "Papaanong nangyari iyon pinuno?!!"
Urdano: "Marahil may suot na Agimat ng panangga ang babaeng iyan!!!!!"
Tiningnan at kinapa ng Manananggal ang katawan ni Rochel hanggang sa aksidente nyang makapa ang kuwintas na bigay ni Archie kay Rochel. Agad na nasunog ang kamay ng Manananggal pagkahawak nya dito.
Manananggal 1: "AHHHHH!!! ANG KAMAY KO!!!!!!!"
Urdano: "Sinasabi ko na nga ba?!!!!! May taglay siyang Agimat!!!!! Ikulong siya at patayin siya sa gutom!!!!"
Agad namang sinunod ng ibang Manananggal ang utos ni Urdano sa kanila. Laking gulat ni Rochel nang makita nya ang nakatambak na kalansay ng tao sa likod na pader ng lumang kastilyo.
Ihinagis siya sa isang kulungang gawa sa kawayan at isinara ang rehas nito tsaka umalis ang mga Mangaganggal.
Hindi makapaniwala si Rochel na himalang hindi sya nakain ng mga ito. Napaiyak sa tuwa si Rochel habang tinitingnan ang kuwintas na nagligtas sa kanya sa kapahamakan.
Rochel: "Diyos ko!! Salamat! Archie salamat din sa'yo!! Wala ka man dito pero iniligtas ako ng kuwintas mo. Pakiusap ko lang, sana mailigtas nyo ako mula sa mga Aswang."
Ang magagawa na lamang ni Rochel ay ang magdasal at maghintay na mailigtas sya mula sa kamay ng mga Aswang.
Habang nakakulong at naghihintay si Rochel, natapos nang mahasa ni Archie ang itak na kanyang gagamitin laban sa mga Aswang.
Archie: "Wow!! Ngayun lang ako nakakita ng ganitong itak, Lola!!! Ang puti ng talim!"
Lola Lita: "Ang bagay na hawak mo ay ang tinatawag na Talim ng Kidlat. Yan ang sinasabi ko na ginamit ng ama ko para talunin si Urdano. At isang bagay pala, apo, upang mapatay si Urdano, kailangan maitusok yan sa kanyang puso."
Archie: "Lola? Bakit nyo po sinasabi sa akin kung paano papatayin si Urdano? Hindi ba pwedeng si tatay na lang ang gumawa ng pagtapos sa kanya?"
Lola Lita: "Ehh...ayaw naman nya gamitin yan. Kaya sa'yo ko na lang sinasabi. Pero sakaling hindi mo sya kayang labanan, ibigay mo ang itak sa tatay mo."
Arman: "Hay....nako, Nay! Hindi na yan ang usong sandata na papatay sa kanya. Kundi etong si Mr.45!! Patatamaan ko lang sa ulo at patay na yan! Tapos ang problema!!"
Napatingin ng masama si Lola Lita kay Arman kaya naglabas si Lola Lita ng isang magazine ng bala para sa kanyang baril.
Lola Lita: "OH YAN!!! Magdala ka ng extra!!! At baka maubos lahat ng bala mo jan sa peste na yan!!"
Arman: "Ang Sweet nyo naman po, Nay!! Di ko alam na may mga bala pala kayo sa bag nyo!"
Lola Lita: "OH Sya!! Umalis na kayo!! At puntahan nyo na si Rochel sa gitnang-gubat. Susunod kami sa inyo kapag natawag na namin lahat ng taong-bayan!!"
Arman: "Aalis na kami?! Di ba dapat sasabay kami sa inyo?!!"
Lola Lita: "Tingnan mo nga yung anak mo!!! Mas matapang pa sa'yo!!! Kumakaripas na sya palayo sa nayon!!! Kaya sundan mo na ang anak mo at baka hindi mo na maabutan!!!"
Arman: "Pambihira naman etong batang to?!! SIGE AALIS NA PO AKO!!! ARCHIE SANDALI!!!!!"
Umalis na ang mag-ama palayo sa nayon. Napagtanto ni Lola Lita na si Archie ang hinihintay nyang karapat-dapat sa itak ng kanyang ama at dahil sa lumabas kay Archie ang mga katangian na hinahanap nya mula pa noon.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Fiksi Remaja****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...