Isang linggo ang nakalipas mula ng matalo ng mga taga-nayon ang mga pangkat ng mga Aswang na dumudukot sa mga tao, masayang ibinalita ng magtataho kina Arman at Celito na wala na ang balita na may nawawala pa sa isla at nakakapagtinda na rin sa gabi ang magtataho ng kanyang mga balut.
Tuluyan ng bumalik sa normal ang lahat kung saan nakakagala na sa gabi ang ilan sa mga tao at bakasyonista.
Muling nakapagdaos ng pista ang kanilang bayan sa gabi kung saan sinusulit na nila Archie at ang kanyang tatay na si Arman ang pamamalagi nila sa isla dahil sa malapit na rin silang umuwi sa Selma. Kung kaya't sa gabing ito pumunta sila sa perya upang magpakasaya.
Pumunta si Arman sa mga nagpapalaro ng Drop-ball sa perya. Samantalang si Archie nanood ng pa liga sa may basketball court. Natsambahan naman niyang nakita si Rochel pero nag-aalala sya na baka malungkot ito kapag napag-usapan ulit ang pag-alis nila sa isla. Kaya hindi na lang niya tinawag si Rochel, pero nakita pa rin sya at lumapit si Rochel sa kanya.
Rochel: "Oh? Bakit nandito ka? Bakit hindi mo sinabi sa akin na manood ka pala ng basketball?"
Archie: "Eh...anu kasi?...."
Biglang hinawakan ni Rochel ang kamay ni Archie.
Rochel: "Halika! Samahan mo na muna ako."
Archie: "Sandali! Saan naman tayo pupunta?!"
Rochel: "Basta! Samahan mo ako."
Agad na hinila ni Rochel si Archie palayo sa auditorium at pumunta sila sa peryahan. Pinuntahan nila ang pilahan ng Feris Wheel kung saan sinabi ni Rochel ang kanyang dahilan.
Rochel: "Archie, pwede mo ba akong samahan na sinakay jan?"
Archie: Sa Feris Wheel? Bakit naman?"
Rochel: "Wala akong kasamang sumakay."
Archie: "Eh....Rochel, pasensya na pero yan lang ang rides dito na ayaw kong sakyan."
Rochel: "Bakit naman?!!"
Archie: "Eh...hay....sige na nga. Sasabihin ko na ang totoo. Takot ako sa matataas!!"
Rochel: "Ibig mong sabihin? Kaya ba ayaw mong umakyat ng mas mataas pa sa puno dahil takot ka sa matataas?!"
Archie: "Oo."
Rochel: "Eh di mabuti."
Archie: "A....ANU?!"
Hinila ni Rochel ang kamay ni Archie sa pila nang makabili na sya ng isang pares na ticket. Agad silang pinapasok ng bantay ng Feris Wheel at sumakay sa cabin nito.
Agad napakapit sa hawakan si Archie samantalang si Rochel kumportableng nakaupo sa tabi nya.
Archie: "Rochel! Hindi magandang ideya to!!"
Rochel: "Huminahon ka kasi. Hindi pa umaandar ang Feris Wheel."
Nang umandar ang Feris Wheel, umangat ang sinasakyan nilang cabin at nagsisimula ng manginig sa takot si Archie. Kaya naman si Rochel tinabihan sya ng husto upang subukang siyang mapahinahon.
Sa sobrang takot ni Archie, napapikit na lang sya at hindi nya namalayang nakayakap na sya sa katawan ni Rochel. Natutuwa naman si Rochel sa ginagawa ni Archie sa kanya.
Biglang huminto ang Feris Wheel sa pag-ikot, akala naman ni Archie ay nasa baba na sila nang makita nyang nasa pinakamataas silang posisyon ng Feris Wheel. Nataranta pa lalo si Archie, nang biglang niyakap din siya ni Rochel at hinalikan siya nito.
Biglang napanatag ang loob ni Archie dahil sa paghalik sa kanya ni Rochel at dahan-dahang inilayo nito ang kanyang mukha tsaka siya nagsalit.
Rochel: "Alam mo ba? Gusto kong maging memorable ang mga huling araw mo dito sa isla. Kaya kita inimbita na sumakay dito. Tumingin ka sa malayo. Ang ganda ng tanawin di ba?"
Tumungin si Archie sa direksyon kung saan nakatingin si Rochel. Namangha sya sa kanyang nakita kung saan nasisinagan ng liwanag ng buwan ang bundok at lahat ng mga nasa ibaba.
Tila nagningning na parang mga butuin ang mga ilaw ng mga kabahayan. Sobrang natuwa si Archie sa tanawin na ipinakita sa kanya ni Rochel at pakiramdam niya ay napagaling nito ang takot nya sa matataas.
Archie: "Grabe! Ang ganda pala dito sa taas."
Rochel: "Sabi ko naman sa'yo huminahon ka lang. Kita mo, nagustuhan mo tuloy sumakay ng Feris Wheel."
Archie: "Salamat sa'yo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na to. Lalo na't kasama ko ang pinaka-magandang tanawin na nakita ko."
Rochel: "Hehe! Ewan. Nambola ka pa. Pero sabihin mo nga ang totoo, noong una tayong nagkakilala, nakita mo ba ang katawan ko?"
Archie: "Oo. Hindi mo ba ako susuntukin?"
Rochel: "Hindi dahil nahalikan at nayakap mo na ako. Pero bawal pa rin manilip!!"
Archie: "Oo na. Hindi naman ako naninilip eh."
Rochel: "Tsaka mo na lang ako silipan kapag nasa tamang edad na tayo."
Archie: "Anu?!! Pakiulit mo nga sinabi mo?"
Rochel: "Ang sabi ko, mamimiss kita ng sobra!!"
Muli na namang niyakap ni Rochel at hinalikan si Archie habang may oras pa sya na hindi bumababa ang sinasakyan nilang cabin.
Lumayo sya bahagya kay Archie ng pabababa na sila sa lupa.Matapos sa Feris Wheel, sumakay pa sila sa iba pang mga rides sa peryahan kung saan sinulit nila Archie at Rochel ang nalalabing oras na masaya silang dalawa na magkasama bago sila umuwi.
Si Arman naman, masaya ding umuwi sa bahay ni Lola Lita dahil sa sunod-sunod siyang nanalo sa Drop-ball kung saan nakalikom sya ng 10,000 sa pagkapanalo nya.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...