Nang marinig ni Arman ang tanong mula sa kanyang anak, siya'y tumahimik at napaisip kung sasabihin ba nya ang totoong nagyari sa kanyang trabaho. Dahil na rin sa nasabi ni Archie ang buong katotohanan kung bakit siya lumalagi sa mall, nagdadalawang isip na rin ni Arman na sabihin na din ang totoong nangyari sa kanyang trabaho.
Hindi rin maiwasan ni Arman na maalala ang panahon na buhay pa ang kanyang asawa, kung saan, sa tuwing magtatago siya ng problema ay tahimik na nakatitig sa kanya ang asawa at nakangiti sabay tanong nang "Mahal? May problema ka ba?".
Magaan sa pakiramdam nya sa tuwing maalala nya ito ngunit nalulungkot din sya sa tuwing maiisip nya na matagal na itong pumanaw.
At kinikilabutan din siya kapag naiisip nya na kinakalabit sya tuwing gabi na matutulog na sya sa kama.
Kaya naunawaan na ni Arman na marahil kung hindi lang namatay ng maaga ang kanyang asawa ay hindi sana magulo ang pag uusap nila ng kanyang anak.
Kung kaya't nagdesisyon na si Arman na sabihin ang totoong nagyari sa trabaho nya sa kumapanya.
Arman: " Pagpasok ko sa trabaho kanina, masaya pa ako kasi nakaabot ako sa presentation room sa oras at nadatnan ko din na masaya rin ang boss ko na nanonood ng presentation ng ibang empleyado."
"Pero, hindi ko inaasahan ang isang bagay na ikinasisiya nya."
"Pagtingin ko sa presentation nakita ko yung design ko na nakapresent sa harapan niya pero iba ang nagpresent na tao. At ang kinaiinisan ko pa nang sinabi nyang sariling gawa nya iyon na design."
"Nainis pa ako lalo nang hindi lang isang design ang inilabas nya. Kundi halos lahat ng designs ko na hindi ko pa inilalabas ay kinuha nung ungas kong katrabaho!!"
"Kung kaya hindi ko na nakontrol ang sarili ko at inaway ko sya mismo sa mismong pagpresent nya."
"Sinigawan ko sya na magnanakaw sya ng trabaho ng iba. At nagpainosente sya sa harap ng boss ko na hindi totoo yung paratang ko sa kanya."
"Sinabihan ako ng aking boss kung may ebidensya ba ako na akin ang mga designs na iyon. Sinabi ko, opo sir at nakalagay yun sa nakakandado kong drawer sa table ko."
"Sinabi ko din na may kopya ako ng designs ko na nakalagay sa puting flash disk na may bulaklak na blue at akin ang mga designs na yun."
"Kaya ipinahanap sa akin ng boss ko, kung kaya't hinanap ko yung sinasabi kong flash disk."
"Nang makarating ako sa aking desk, siyempre binuksan ko yung drawer na sinasabi ko. Pero nagulat ako nung nawawala yung flash disk na yun. At nagtataka ako kung saan na napunta yung flash disk na may bulaklak na blue."
"Kaya bumalik ako sa presentation room. Pagbalik ko, nagsimula na naman sila ulit sa presentation nung pinaghihinalaan kong magnanakaw ng designs. Hanggang sa natitigan ko ng mabuti yung laptop nya."
"Lumapit ako kung saan sya nagprepresent at nakita ko yung flash disk ko na nakasaksak sa laptop niya."
"Sa galit ko, hindi ko na nakontrol ang sarili ko."
Nanahimik ulit si Arman pero sa pagkakataon na ito, matagal siyang nanahimik na ipinagtaka ni Archie kung anung nangyari nang siya ay nagalit.
Archie: " Anung ginawa nyo po Tay?"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...