Tinulungan na tinayo ni Jett si Archie mula sa pagkakahiga nito sa pader ng eskinita. Napansin din ni Jett na nabugbog ng husto si Archie kaya naman nagdesisyon na lang siyang buhatin sa kanyang balikat at ihatid ito sa kanilang bahay. Habang naglalakad ang dalawa papunta sa bahay ni Archie, naisipan ni Archie na kausapin si Jett nang makilala pa nya ito ng husto.
Archie: "Jett, tanong ko lang, wag ka sana magagalit, bakit sobrang sama ang tingin sa'yo ng mga tao sa school?"
Jett: "Dahil siguro sa kuya ko."
Archie: "Bakit naman?"
Jett: "Dahil sa tsismis na miyembro ng isang gang ang kuya ko."
Napansin ni Archie na sumasagot lang si Jett sa kung anu lang ang kanyang itinatanong at hindi masyadong palakwento sa buhay nito. Kaya naman nagtanong pa si Archie ng tanong na mejo personal sa kanya.
Archie: "Bakit nila hinuhusgahan ang kuya mo na member ng isang gang?"
Jett: "Marahil, dahil lang sa marami syang tattoo at may kalakihan din ang katawan nya. Tsaka kalbo din sya. Kaya akala nila goons sya sa isang gang o sindikato.
Ayon sa deskripsyon ni Jett sa kanyang kapatid, talagang kahit na sino ay mapagkakamalang isang literal na gang member ang kapatid nito na pati si Archie ay naisip din na isa talagang gang member ang kapatid nito. Kung kaya't para hindi nya mahusgahan si Jett, tinanong nya pa ito.
Archie: "Jett, anu ang trabaho ng kuya mo? Ayoko kasing mahusgahan ang kapatid mo."
Tumahimik si Jett sa tanong nito. Kaluanay sinagot din nya.
Jett: "Body guard sya ng Presidente. Kasama sya sa National Security Agency."
Nagulat ng husto si Archie sa kanyang narinig. Di rin nya akalain na napakaimportante pala ng trabaho ng kuya ni Jett.
Archie: "A...A...ANOOO?!!!!! Totoo?!!"
Jett: "Hindi. Joke lang."
Nadismaya si Archie sa biro nito sa kanya. Kaya naman parang nawalan na siya ng ganang magtanong.
Archie: "Sige! Hindi na ako magtatanong."
Jett: "Ang totoo, security guard sya sa mall. Night shift nga lang sya."
Sinabi rin ni Jett ang totoong trabaho ng kanyang kuya. Marahil ay nahihiya lang itong magsabi ng totoo dahil na rin sa hindi nya gaanong kilala si Archie. Muli ay nagtanong ulit si Archie sa kanya.
Archie: "Bakit mo pala ako tinulungan kanina mula sa mga bully?"
Jett: "Ayoko lang sa mga bully."
Muli ay sinagot lang si Archie nang diretso at naayon lamang sa gustong sabihin ni Jett sa kanya. Ngunit napansin nya na may malalim na dahilan si Jett kung bakit ayaw nito sa mga bully. At isa pang napansin nya kay Jett ay malakas ang tinatawag na "sense of justice" sa kanya. Base na rin sa tsismis sa school nila, kadalasan na nakaka-away na mga teacher ay yung mga masusungit. Naalala din ni Archie ang tsismis kung saan binasag daw ni Jett ang salamin ng kotse nito. Kaya naman, personal nang tinanong ni Archie ang mga tsismis na to sa kanya.
Archie: "Jett, totoo ba na ikaw ang may gawa ng mga kalokohan sa school? Ayon sa mga naririnig kong tsismis noon."
Jett: " Oo. Ako may gawa."
Nagulat si Archie sa pag amin ni Jett na sya nga ang may gawa ng mga kalokohan sa kanilang school noong grade 6 at 7 pa sila. Magtatanong pa sana si Archie pero pinigilan na sya nito na magtanong pa.
Jett: "Pakiusap lang, Archie. Alam kong gusto mong malaman ang dahilan ko kung bakit ko ginawa ang mga bagay na yun noon. Pero maniwala ka, may malalim akong dahilan kung bakit ko ginawa yun at para sa ikinabuti nyo rin yun noon. Kung hindi dahil dun sa mga ginawa ko, hindi magbabago ang bulok na sistema ng school na yun."
Naging seryoso si Jett sa mga sinabi nito kay Archie. At dahil na rin sa ayaw ipaalam pa ni Jett ang mga detalye noong grade 6 at 7 pa sila ay hinayaan na lang niya ito.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...