CHAPTER 82: PAGTATAPOS NG LABAN

30 3 0
                                    

Pilit na pinapatumba ng mga tao si Urdano upang maitusok na ni Archie ang kanyang itak sa puso nito. Ngunit hindi pa rin nila ito mapatumba. Sa halip, muli na naman bumabalik ang lakas nito.

Ubos na rin ang bala ng mga baril na dala ng ilan at umaasa na lamang sila sa panunusok ng sibat at pag-iitak sa katawan ni Urdano upang makatulong sa pagpapahina nito.

Ngunit sadyang napakalakas ni Urdano, nagsisimula ng manghina ang mga tao na pilit gumagapos sa kanya. Nag-iisip na rin ng paraan si Lola Lita kung anung sandata pa ang pwedeng magpahina pa kay Urdano.

Naisip nyang utusan ang ilang mga kalalakihan na maghanap pa ng bala para sa RPG nya dahil yun lang ang alam nyang sandata na makapagpapahina ng tuluyan kay Urdano.

Lola Lita: "HOY!!! KAYO!! MAGHANAP KAYO NG BALA PARA SA BAGAY NA TO!!!!!! DALIAN NYO!!!!"

Lalaki 1: "Eh pasensya po kayo Nanang!!!!! Iisa lang po talaga ang bala nyan!!! Wala na kaming dalang bala para jan!!!!!"

Lola Lita: "ANUNG SINABI NYO?!!!!! EH MALAPIT NA NATIN SIYANG MATALO!!!!! KONTING PAGPAPASABOG NA LANG ANG KAILANGAN JAN AT MATUTUMBA NA!!!! KAHIT BA GRANADA WALA KAYONG DALA!!!!"

Lalaki 2: "NANANG!!!! LISENSYADO LANG KAMING MAGDALA NG BARIL!!! HINDI PO KASAMA ANG GRANADA SA LISENSYA NAMIN!!!!! TSAKA DATING SUNDALO ANG ASAWA NYO HINDI BA?!!!! BAKIT HINDI KAYO NAGDALA?!!!!!"

Lola Lita: "DAHIL KINUHA NI ARMAN ANG HULING GRANADA NG ASAWA KO!!! AT HINDI KO ALAM KUNG SAAN NYA KAYA GINAMIT!!!!!"

Arman: "EH PASENSYA NA KAYO NAY HA?!!!! GINAMIT KO SA ISANG MANANANGGAL YUNG GRANADANG KINUHA KO SA INYO!!!!!"

Lola Lita: "ANUNG SINABI MO?!!!! BAKIT MO SINAYANG GAMITIN SA ALALAY NI URDANO ANG GRANADA MO?!!!!!! YUN NA LANG ANG BAGAY NA IPAKAGAT NATIN SA KANYA PARA SUMABOG SA BIBIG NYA AT NANG MANGHINA NA SYA NG TULUYAN!!!!!!!"

Tila naging desperado na ang lahat ng lumalakas na sa pagpupumiglas si Urdano. Pagod na pagod na din si Archie sa kakasugat sa katawan ni Urdano na tila wala ng silbi ang gamit nyang itak sa kanya.

Arman: "NAY!!! HINDI PA BA NATIN PWEDENG PUGUTAN NG ULO YAN?!!!"

Lola Lita: "HINDI MO BA NAKIKITA NA KASING TIGAS NG BAKAL ANG MGA BUTO NYAN!!!!! SINUBUKAN NG ANAK MO NA PUTULIN ANG DALIRI NYAN KANINA PERO HINDI NYA MAPUTOL!!!! KAHIT NA TALIM NG KIDLAT PA ANG GAMIT NYA!!!!!"

Arman: "IBIG NYONG SABIHIN SA PUSO NYA TALAGA ANG KAHINAAN NYAN?!!!!!"

Lola Lita: "OO!!!"

Naging desperado pa lalo ang mga taga nayon ng ang maisip na ideya ni Arman upang mapahina si Urdano ay balewala. Hanggang sa may sumigaw mula sa kanilang likod.

????: "TUMABI KAYO JAN KUNG AYAW NYONG MASABUGAN!!!!!!"

Pagtingin ng lahat sa likod, nakita nila si Marika na may hawak na Grenade launcher, kasama ang nanay ni Rochel na si Sisa dala ang isang mabigat na maleta at nakahanda nang pindutin ang gatilyo nito.

Marika: "ARCHIE!!!! TABEEEEH!!!!!!!!!!!"

Pinindot ni Marika ang gatilyo ng kanyang Grenade launcher at sumabog ang bala nito sa katawan ni Urdano. Nasaktan ng husto si Urdano sa natamong pagsabog ng launcher sa kanya. Ngunit hindi pa tapos si Marika dahil balak nyang ubusin lahat ng bala ng kanyang sandata kay Urdano.

Marika: "PINATAY MO YUNG KAIBIGAN KONG SUNDALO!!!!!!!!! NGAYUN TIKMAN MO ANG BANGIS NG SANDATA NYA!!!!!! PATI NA RIN ANG GALIT KO!!!!!!!!!!!"

Inubos ni Marika na pinasabog lahat ng bala ng kanyang sandata. Akala ng lahat ng tao na tapos na si Marika nang inabot pa ni Sisa ang isa na namang round ng bala sa kanya. At muling pinaputok at sumabog sa katawan ni Urdano ang mga bala nito. Humiyaw sa sakit ang dambuhalang Aswang.

Marika: "AAAAARRRRRGGHH!!!!! MAMATAY KA NA!!!!!"

Fred: "BANATAN MO, MISS MARIKA!!!!"

Arman: "TIRAHIN MO NANG TIRAHIN!!!!!! HANGGANG SA LUMABAS ANG LAMAN LOOB NYAN!!!!!"

Lola Lita: "SIGE!!!!! ITULOY MO LANG YAN!!!!! NANGHIHINA NA SYA!!!!"

Tila biglang nabuhayan at nabigyan ng pag-asa ang mga taga-nayon sa pagdating ni Marika. Habang pinapasabog ang katawan ni Urdano, buong lakas na hinila pababa sa lupa ng mga kalalakihan upang mapahiga ito.

Tuloy-tuloy na pinaputok lahat ni Marika ang bala nang kanyang sandata hanggang sa tuluyan ng manghina at hindi mapagaling agad ni Urdano ang kanyang sugat sa kaliwang dibdib kung saan kita na ang puso nito. Itinira ni Marika ang huling tatlong bala nito sa kaliwang dibdib ni Urdano at sinigawan nya si Archie.

Marika: "ARCHIE!!!!! NGAYUN NA!!!!!!!"

Agad kumaripas ng takbo si Archie patungo sa kaliwang dibdib ni Urdano at itinaga ang kanyang itak sa puso nito. Unulit pang muli na tinusok ni Archie ang puso nito at hiniwa ng husto upang masiguro na mamatay si Urdano.

Hindi namalayan ni Archie, nahati na sa dalawa kakatusok nya ang puso ni Urdano at tuluyan ng namatay ang pinuno ng pangkat ng mga Aswang na nanggugulo sa kanilang isla.

Lalaki 1: "PATAY NA ANG PINUNO NG MGA MANANANGGAL!!!!!!!"

Matapos mapatay si Urdano, lumapit si Rochel sa kanyang mga magulang mula sa kanyang pinagtataguan at niyakap nya ang mga ito.

Nagbunyi ang mga tao sa pagkakapatay ni Urdano at inipon nila sa gitna ng lugar ang walong mga manananggal na nahuli nila.

Walo ang kanilang nahuli dahil sa hindi kaaya-aya ang naging katapusan ng isang Manananggal dahil sinunog pala ito ng ilan sa mga kasamahan nilang galing din sa nayon.

Sinabihan ni Lola Lita na putulin bahagya ang mga sanga ng puno sa paligid upang pumasok ang sinag ng araw kapag nag-umaga na.

Para masigurong hindi makakatakas ang mga Manananggal, tatlong beses na itinali ang mga ito at tinalian pa sila ng kadena.

Matapos nito, nagpasalamat ang pamilya ni Lola Lita sa mga taong tumulong sa kanila na tapusin ang mga Aswang at sa pagliligtas kay Rochel. Ngunit malungkot din sya dahil sa napag-alaman nyang 5 sa mga kasama nilang taga-nayon ang hindi pinalad na makaligtas. Bago na pinaalis ang mga kasamahan nila, hiniling ni Lola Lita na ipagdasal muna ang mga namatay nilang kasama bago umuwi ang lahat.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon