Muling pumunta sina Archie at Rochel sa pwesto kung saan nagbebenta ng kandila ang nanay ni Rochel. Sa pagkakataong ito nagpaalam si Rochel na sasamahan si Archie sa prusisyon sa kanyang nanay.
Archie: "Ninang! Pabili po ako ng dalawang kandila."
Nanay Sisa: "Oh Archie! Ikaw pala yan. Sasama ka din bang makikilibot?"
Archie: "Opo, Ninang."
Nanay Sisa: "Sino kasama mong lilibot?"
Archie: "Si Rochel po."
Nanay Sisa: "Ha?! Si Rochel?!
Rochel: Nay! Pasensya na po. Pero pwede ko po bang samahan si Archie?"
Nanay Sisa: "Akala ko ba gusto mong tumulong sa pagtitinda?"
Rochel: Eh....Nay. Pasensya na po talaga."
Nanay Sisa: "Kung sabagay, minsan ko lang naman makitang magbakasyon ang inaanak ko dito sa isla. Sige. Pinapayagan na kita Rochel. Pero wag kayong lalayo sa maraming tao. Lalo na't hindi pa alam kung anu o sino ang kumukuha sa mga nawawalang tao. Kaya mag-ingat kayo."
Rochel: "Opo Nay."
Pagkatapos bumili ni Archie ng kandila, ibinigay na lang ni Nanay Sisa ng libre ang lighter na pangsindi at nagpasalamat naman si Archie.
Nagsimula na din sa wakas ang prusisyon at nagsilabasan na ang mga pipilahang mga rebulto palabas ng simbahan. Agad na nagsipila ang mga tao habang naglalakad.
Nakipila na din sila Archie at Rochel sabay sindi ng kanilang kandila. Nakapusisyon silang dalawa sa likod na dulo ng rebulto na hinihila ni Celito at itinutulak naman ni Fred.
Habang nagtutulak si Fred, may nakabantay na pulis sa tabi nya. Nagtaka si Archie kung bakit may nakabantay kay Fred.
Kaya ikwinento ni Rochel kung bakit binabantayan siya nito dahil noong nakaraang taon ay aksidente palang nakasunog ng buhok nang bakasyonista si Fred. Napangisi na lang si Archie sa kwento ni Rochel.
Habang papalayo ang nilalakad nila, lumalawak ang distansya ng kanilang pila kaya sinubukan ni Archie na hawakan ang kamay ni Rochel.
Archie: "Rochel hawakan na kita para di tayo magkahiwalay."
Bakla: "Ay! Ang sweet mo naman pogi! Pwede ko ba makuha number mo?"
Sa kasamaang-palad, maling kamay ang nahawakan nya. Kaya nagulat sya ng makita nyang ibang tao ang nahawakan nya.
Archie: "NYAAAHAHAHAY!!! Sorry!! Wala po akong intensyon na hawakan ang kamay nyo!!"
Bakla: "OK lang pogi. Single din naman ako eh."
Archie: "Pasensya na po talaga!! Aalis na po ako."
Bakla: "Ay! Sayang naman. Pogi ka pa naman. Jojowain pa naman sana kita."
Agad ng lumayo si Archie mula sa maling taong nahawakan niya.
Ngunit kinabahan siya dahil sa hindi nya mahanap sa tabi nya si Rochel at nag-aalala na baka nagkahiwalay sila ng tuluyan. Nang marinig nya ang boses ni Rochel mula sa likod ng karo.
Rochel: "Oy!! Archie!! Anung ginagawa mo jan?! Bakit napakabagal mong maglakad?!!"
Archie: "Ehh....Malay ko bang napakabilis mo din maglakad."
Rochel: "Nagulat ako ng mapansin ko na hindi kita katabi! Kaya sinundan ko na yung likod ng karo hanggang sa nakita kita jan sa likod."
Archie: "Alam mo, hawakan ko na nga ng mabuti yan kamay mo ng hindi tayo magkahiwalay."
Rochel: "Ha?!! ANU?!"
Hinawakan ni Archie ang kamay ni Rochel at hindi siya binitawan nito. Namula naman ang mukha ni Rochel habang nakahawak ang kamay ni Archie sa kanyang kamay. Patuloy na naglakad ang dalawa at hindi pa rin binitawan ni Archie ang kamay ni Rochel hanggang sa matapos nila ang prusisyon.
Nang mapansin ni Rochel na nakahawak pa rin si Archie sa kanyang kamay, sinabihan nya si Archie.
Rochel: "Archie, ah...pwede mo na akong bitawan."
Narinig ni Archie ang sinabi ni Rochel ngunit hindi nya ito binitawan.
Archie: "Bibitawan kita Rochel. Pero samahan mo muna ako sa park."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...