Sobrang namangha si Archie sa estilo ng pakikipagsuntukan nang lalaking nambugbog sa mga bully na nakalaban nya. Napaupo na lang sa gilid ng eskinita ang mga ito at nagmamakaawa na tigilan na ang panununtok nito sa kanila.
Bully leader: "Tama na!! Pakiusap Jett!! Tama na!! Di na kami lalaban!!
Bully 2: "Oo nga!! Jett!! Tigilan mo na kami!! Halos balian mo na kami ng mga buto!!
Hindi kumbinsido si Jett sa pag mamakaawa ng mga ito, sa halip ay tinakot niya ang mga ito.
Jett: "Titigilan ko kayo?!! TALAGA?!!! Eh panu naman yan lalaking pinagtulungan nyong bugbuhin kanina?!! Bubugbugin nyo pa rin dahil lang sa mas marami kayo?!!!"
"Eh kung tawagin ko pa yung mga barkada ng kuya ko nang malaman nyo kung anu pakiramdam ng mabully ha?!!"
"Humingi kayo ng tawad jan sa binugbog nyo!! Kung ayaw nyong sa sementeryo ang abutin nyo!!"
Natakot at tumahimik ang mga bully sa sinabi ni Jett dahil na rin sa pagbabanta nito sa kanila at sa maaring gawin nya, kapag hindi sila sumunod sa gusto nito.
Bully leader: "Sige titigil na kami!! Basta wag mo kaming isusumbong sa kapatid mo Jett!! Gagawin na namin ang gusto mo!! Archie! Patawarin mo kami!! Pakiusap!! Patawarin mo kami!!
Bully 2: "Oo nga!! Patawarin mo na kami!!"
Hindi makapaniwala si Archie sa kanyang narinig at nakita na nagmamakaawa ang mga ito sa kanya. Hindi nya na din maisip ang sasabihin dahil na din sa kanina'y kasing tapang ng leon kung makapagbanta ang mga ito sa kanya, ay biglang nagmamakaawa na ito ngayun dahil sa takot na sila ay bugbugin ng grupo ng kapatid ni Jett.
Kaya naman ito na din ang tamang pagkakataon ni Archie na bigyan sila ng kudisyon upang tuluyan na syang tigilan ng mga ito.
Archie: "Oh sige. Patatawarin ko kayo pero sa isang kundisyon, ipangako nyong titigil na kayo sa pambubully sa akin at wag na wag na kayong magpapakita sa akin kahit na kailan. Dahil isusumbong ko kayo kay Jett kapag sinubukan nyo pa akong ibully!! Naiintidihan nyo?!!"
Bully leader: "Oo sige!! Nangangako kami!!
Bully 2: "Oo!! Nangangako kami!! Kahit walang malay yung isang kasama namin dito, nangangako din sya!!
Jett: "Ngayun na pinatawad na nya kayo at nangako na kayo na titigilan nyo na sya, eto lang masasabi ko........ LUMAYAS NA KAYONG TATLO DITO KUNG AYAW NYONG PAG-UUNTUGIN KO KAYO!!!!!!!"
Napakaripas ng takbo ang dalawang bully sabay buhat sa walang malay nilang kasama nang napasigaw si Jett sa sobrang inis sa kanila. Gayun pa man, hindi inasahan ni Archie ang isang tao na tumulong sa kanya kahit na hindi nya lubusan itong kilala. Kaya naman, nagpasalamat sya kay Jett.
Archie: "Jett, salamat sa'yo sa pag tulong sa akin."
Jett: "Wala yun. Hindi ko rin naman sila gusto."
"Tsaka alam ko na takot ka din sa akin dahil sa mga naririnig mo tungkol sa akin na barumbado at tarantado akong tao. Kaya naiintindihan ko kung naiilang ka na makipag-usap sa akin."
Napatahimik si Archie sa sinabi nito sa kanya. Ngunit naisip ni Archie na hindi naman pala sya kasing sama na tulad sa mga tsismis sa eskwelahan at malaki ang utang na loob nya dito. Kaya naman sinubukan ni Archie na makipag-usap dito.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Fiksi Remaja****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...