Habang nagpapahinga, labis ang paghingi ng tawad ni Fred sa mga kasamahan nya dahil sa kapabayaan niya na muntik ng mabagsaka sina Rochel at Archie.
Fred: "Pasensya na kayo, Archie. Lalo ka na Rochel. Hindi ko naman akalain na maglalakad ang pamangkin ko dun sa direksyon na babagsakan ng puno at akala ko, walang tao dun kanina. Kaya pasensya na ulit sa'yo Rochel."
Rochel: "Opo, Tiyo. Alam ko naman po na hindi nyo sinasadya. Kaya pinapatawad ko na po kayo."
Fred: "Kung ganun, babalik na ako sa ginagawa ko nang masimulan ko ng putulin at makita ang laman ng punong kahoy."
Agad ng bumalik si Fred sa natumbang puno upang lagariin ang gitna nito.
Shiela: "Rochel?! Ganun na lang yun?! Hindi mo man lang pagsasabihan ang Tiyo mo dahil sa nangyari kanina?!"
Rochel: "Oo. Shiela. Ganun lang talaga."
Shiela: "Eh bakit naman?! Panu kung maulit na naman yun sa kung sino?!"
Rochel: "Shiela! Wala na akong magagawa kung talagang ganyan si Tiyo na may pagkatanga!! At tsaka hindi naman niya sinasadya yung mga aksidente na nangyayari sa mga tao sa paligid nya!! Kung natutuwa ka sa narinig mo sa akin na tanga siya, OO!! TANGA SIYA!! Pero hindi masamang tao si Tiyo!!"
Tumahimik si Shiela dahil sa mga sinabi ni Rochel na talagang may pakatanga ang tiyuhin nito. Ngunit nagdagdag pa si Rochel.
Rochel: "Alam mo, sa lahat ng tao sa nayon, si Tiyo Fred lang ang tao na napakabait. Noong pumapasok pa ako sa eskwela, sya lang lagi nagbibigay ng perang pamasahe ko kapag wala akong mahingi kay nanay. Siya rin yung nagturo sa akin kung panu lumaban sakaling may mambully sa akin. At siya rin ang napagsasabihan ko lagi ng mga problema ko at lagi syang may sagot sa mga problema ko. Kaya naman, ganyan kahalaga sa akin si Tiyo Fred kahit na isang tanga ang tingin nyo sa kanya!!!"
Naintindihan na rin ni Shiela kung bakit sobrang lapit ng loob Rochel sa Tiyo Fred nito. Kaya naman humungi sya ng tawad dahil sa paghuhusga nya kay Fred.
Shiela: "Sorry, Rochel. Kung nahusgahan ko ng sobra yung Tiyuhin mo. Nag-aalala lang kasi ako na baka may kung anu lang siyang magawa na ikapapahamak natin. Pero dahil sa hindi naman nya sinasadya ang mga ginagawa nya, kailangan ko pa siguro na intindihin at kilalanin ko pa ang Tiyuhin mo. Kaya sorry ulit."
Rochel: "Ayos lang. Ako din naman nag-aalala din sa kung anung mang magawa nyang hindi maganda. Kaya naman nakabantay ako, para maisip nya na may mali sa ginagawa nya."
Shiela: "Oo tama ka, Rochel. Tama sya di ba, Archie?"
Hindi napansin nina Rochel at Shiela na nakaiglip na pala si Archie sa habang sila'y nag-uusap.
Shiela: "Akala ko ba naman gising pa itong pinsan ko. Nakatulog na pala."
Rochel: "Hay....mukhang nagagaya na rin sya sa mga kalalakihan dito sa atin na umiiglip na kapag dumating ng hapon."
Shiela: "Oo. Pero wala pa namang hapon. Magtatanghali palang naman. Dahil kaya sa napagod sya noong hinabol ka nya?"
Rochel: "Eh...ewan ko. Siguro."
Nahalata ni Shiela na namula bahagya ang mukha ni Rochel nang maalala nito ang paghila sa kanya ni Archie bago siya mabagsakan ng kahoy. Naintriga naman si Shiela sa nadiskubreng reaksyon ni Rochel kay Archie."
Shiela: "Matanong ko lang, Panu pala kayo nagkakilala ni Archie?"
Buboy: "Oo nga? Panu nga ba?"
Bago pa man sagutin ni Rochel ang tanong ni Shiela, nagulat sya nang nakisawsaw sa usapan si Buboy.
Rochel: "Teka muna!!! Ba't ka nga pala nandito Buboy?!! Para kang kabuteng bigla na lang sumusulpot ah?!!!"
Buboy: "Ako nga rin eh nagtataka kung bakit nandito na ako sa tabi nyo. Ay! Naalala ko na, nagising ako nung may narinig akong tunog ng lumagapak na kahoy kaya lumipat ako ng pwesto. Tapos paggising ko nandito na kayo sa sa tabi ko na nag-uusap."
Rochel: "Shiela, iba rin etong kapatid mo. Ang galing tsumempo ng usapan ng ibang tao."
Shiela: "Pagpasensyahan mo na sya Rochel. Talagang ganyan si lang si Buboy."
Rochel: "Oo na. Patarawarin ko na sya sa bigla nyang pagsulpot."
Buboy: "Salamat Rochel ha. Sige pwede mo nang sagutin yung tanong ni ate sa'yo."
Sasagutin na sana ni Rochel ang tanong ni Shiela ng mapansing hindi umaalis si Buboy sa pwesto nito.
Rochel: "Buboy, ba't hindi ka pa umaalis sa pwesto mo?"
Buboy: "Hinihintay kong sagutin mo ang tanong ni Ate."
Rochel: "HOY!!! Usapan lang naming mga babae lang to!! Wag ka ngang nakikisawsaw!!"
Buboy: "Bakit? Babae ka ba?"
Uminit ang ulo ni Rochel dahil sa pang-aasar na tanong ni Buboy. Agad namang inawat ni Shiela ang dalawa.
Rochel: "IKAW NA LINTIK!!! NA BANSOT NA-!!!!
Shiela: "Rochel, huminahon ka! Pagpasensyahan mo na si Buboy. Buboy!! Wag mo na nga kasing asarin si Rochel!! Tulungan mo na lang si Mang Fred!!! Sige ka!! Isusumbong kita kay tatay kapag inulit mo pa yan!!"
Buboy: "Sige na nga. Tulungan ko na nga si Mang Fred. Jan na nga kayo!"
Pilit na pinahinahon at humingi ng tawad si Shiela kay Rochel dahil sa hindi magandang asal na ipinakita ni Buboy sa kanila. Sakto namang nagising na rin si Archie at nagtataka kung bakit inaawat ni Shiela si Rochel.
Archie: "Anung nangyari? Bakit mo akap si Rochel, Shiela?"
Rochel: "Isa pa to!! Patulugin na lang kita ulit gamit ng kamao ko ha?!!!!!"
Archie: "Teka!!! Anu na namang kasalanan ko?!!!"
Shiela: "Rochel. Pakiusap naman! Kagigising lang ni Archie.
Pinilit ni Shiela na mapahinahon si Rochel bago pa nya mapagbalingan ng galit si Archie. Kalaunan, nawala ang inis at galit ni Rochel at ipinaliwanag ni Shiela ang pinag-ugatan ng inis kanina ni Rochel kay Archie. Matapos nun, nagdesisyon na lang si Archie na tulungan na lang si Fred sa pinipira-pirasong punong kahoy bago ma-badtrip ulit si Rochel sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...