Matapos ipagdasal ng lahat ang mga namatay, agad ng umuwi ang mga kasamahan nila Lola Lita pabalik sa nayon kasama ang labi ng mga namatay.
Pinili na magpaiwan nila Lola Lita sa sinaunang kastilyo upang bantayan ang mga Manananggal na kanila ng bihag.
Pinili din na magpaiwan ang pamilya ni Rochel upang tumulong sa pagababantay.
Ngunit si Marika, pinili ang magpaiwan dahil manghang-mangha at hindi makapaniwala na nahahawakan at nasisilayan na nya ng malapitan ang sinaunang kastilyo na tinutukoy sa alamat, kasama ang lihim na kwarto sa gitna at wala na din siyang pangamba na mapapahamak pa sya.
Gustong malaman ni Marika kung totoo din ang tungkol sa mga ma-alamat na aklat ng unang babaylan. Kaya kinulit nya si Lola Lita.
Marika: "Lola Lita! Sige na! May nalalaman ba kayo kung panu bubuksan ang kuwarto na to? Gusto kong makita ang mga libro!"
Lola Lita: "Pasensya na, Iha. Pero mabubuksan lang iyan kapag hating gabi na ng Itim na Sabado at saktong may Eklipse. Nakikita mo ba ang kalangitan? Walang eklipse!!"
Marika: "Kaya nga po ako nagtatanong kung may ibang paraan ba? Kahit butasin lang ng konti yung pader tapos silipin lang ng camera ang loob. Para makita naman kung totoo."
Lola Lita: "Iha! Totoo ang mga libro. Ang problema lang, wala akong alam na urasyon para buksan ang kuwartong iyan. Kaya pagpasensyahan mo na ako."
Arman: "Eh kung pasabugin na lang kaya natin ng dinamita?! Interisado rin kasi kami, Nay."
Marcel: "Oo nga!! Bayaw!! Pasabugin natin ng mabuksan natin!!"
Marika: "Teka!! Arman!! Marcel!!! Hindi nyo pwedeng gawin yan!! Baka may mga nakasulat na sinaunang letra sa likod ng pinto. Importante din yun!"
Fred: "Miss Marika. Akala ko ba importante sa'yo na makita mo kung totoo ang mga libro? Hindi naman siguro importante kung sisirain na din ang pinto, hindi ba?"
Lola Lita: "MAGSITIGIL NGA KAYO SA PINAPLANO NYO!!!! WALA PANG KAHIT NA SINO ANG NAKASIRA SA PANANGGALANG NA INILAGAY NG AKING LOLO GAMIT ANG KANYANG ORASYON!!!! KAYA KUNG AYAW NYONG KAYO ANG MASAKTAN DAHIL SA PAMIMILIT NYO, MAGSITIGIL NA LANG KAYO!!! AT BAKA IBALIK SA INYO NG PANANGGA KUNG ANU MAN ANG IBATO NYO!!!"
Tumahimik na lamang sina Arman, Marcel at Fred. Tumigil na rin si Marika sa pangungulit kay Lola Lita. Sina Archie, Rochel, Shiela at Buboy, biglang nausisa sa sinabi ni Lola Lita kaya sinubukan nila kung may panangga ang pinto ng kuwarto.
Rochel: "Buboy, batuhin mo kaya ng bato."
Buboy: "Sige!"
Binato ni Buboy ang pinto at tumalsik ito pabalik.
Buboy: "WOW!! Ang galing!!"
Shiela: "Totoong may panangga nga!!!"
Archie: "Subukan ko kayang batuhin ng papel? Tatalsik kaya?"
Kumuha si Archie ng perang papel sa wallet nya, tsaka nya nilukot. Ibinato ito ni Archie at gaya ng bato, tumalsik din ito pabalik.
Archie: "Ang galing!!! Kahit magaan na bagay ang ibato mo, patatalsikin pa rin ito ng panangga."
Rochel: "Subukan natin ang kahoy."
Ibinato ni Rochel ang kahoy at tumalsik din ito.
Archie: "Eh kung bakal kaya?"
Binunot ni Archie ang kanyang itak at ibinato sa pinto ng kuwarto.
Rochel: "Archie!!! Nag-iisip ka ba?!! Tatalsik yan!!!"
Archie: "Naku!! Lagot! Magtago na kayo!"
Nagsitakbuhan ang apat at nagtago upang hindi sila tamaan sakaling tumalsik ito. Ngunit imbes na tumalsik ang itak ay tumusok pa ito sa pinto at biglang sumabog na parang basag na salamin ang panangga.
Nagulat naman sina Lola Lita ng marinig ang malakas na pagsabog.
Lola Lita: "ANUNG NANGYAYARI?!!! SAAN NANGGALING ANG PAGSABOG?!"
Arman: "Mga bata!! ARCHIE!!! Anung ginawa nyo?!!
Marcel: "Wag nyong sabihin sa amin na may itinago pa kayong bala ng launcher at pinaglaruan ninyo!!"
Marika: "Ha?!!! Totoo ba yan sinabi ni Marcel?! Archie?!!
Fred: "ASAN ANG KALABAAAAAAAN!!!!"
Celito: "Hoy!!! Fred!!! Matulog ka na!!!!"
Nang mawala ang alikabok mula sa paligid ng kuwarto, nagulat si Lola Lita nang makita nya ang itak ni Archie na nakatusok sa pinto ng kuwarto. At napagtanto nya na hindi pala tinatablan ng orasyon ang itak.
Lola Lita: "Oo nga pala!!! Bakit hindi ko naisip noon pa?!!!"
Marika: "Na-isip po ang anu, Nanang?!"
Lola Lita: "Archie! Anung ginawa mo sa itak."
Lumabas si Archie, Rochel at ang magkapatid sa pinagtataguan nila at ipinaliwanag nila na napagtripan nila ito, kung anung bagay ang hindi kayang patalsikin ng pananggalang.
Lola Lita: "Kung ganun, nung ibinato ni Archie ang itak, akala nyo tatalsik ito pabalik. Kaya nagtago kayo?
Archie: "Opo."
Rochel: "Opo. Lola Lita."
Tumango na lang ang magkapatid.
Lola Lita: "Kung ganun, maliban sa hindi tinatablan ng orasyon ang itak, kaya din pala nitong sumira ng orasyon. Hay......sa tagal ng panahon na pinaniwalaan kong hindi kailan man nasisira ang orasyon ng aking lolo ay nasira lang pala ng sariling sandata ng tatay ko."
Arman: "Ibig sabihin nito, Nay? Wala na ang panangga?"
Lola Lita: "Oo, Arman. Wala na ang panangga. Kaya maari mo nang tingnan, Marika, ang loob ng kuwarto na yan."
Marika: "Talaga po?!!"
Napatili sa tuwa si Marika ng pinayagan na siya ni Lola Lita na tingnan ang loob ng sinasabing lalagyan ng mga maalamat na Aklat.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...