Hindi lubusang makapaniwala si Archie sa ikwenento ng kanyang tatay. Lalo na sa parte kung saan gumawa pala ng gulo ang kanyang tatay sa kumpanyang pinagtratrabahuhan nito. Nagpatuloy pa rin si Arman sa pagkwento sa mga nangyari.
Arman: "Nung ibinagsak ko sya sa mesa, nawalan ako ng balanse kaya nadaganan ko sya sa kinahihigaan nya. Hindi pa ako natapos sa pambubugbog ko sa kanya, siniko ko pa sya sa mukha. Tsaka ko sya itinayo at ibinangga ko sa sa kinalalagyan naman ng mga kabinet."
"Pero dumating ang mga guard na galing sa baba ng building at nagawa nila akong ilayo dun at maawat sa kaaway ko."
"Pagkalayo nila sa akin mula sa kanya, dun na ako galit na nagsisisigaw na "wala syang alam kung anu ang halaga ng sinira nyang bagay.""
"Tsaka ko nasabi na: "Yan flash disk na yan ay ang huling regalo sa akin ng asawa ko bago sya mamatay!! Maliban sa anak ko, yan ang isa pang bagay na pinapahalagahan ko!! Walang halaga ang buhay mo kung ikukumpara sa halaga ng sinira mo!!!" Kaya lalo akong pinagtulungan nang mga guard na awatin at tuluyan na nila akong pinadapa sa sahig."
"Habang nag-aaway at nanggugulo kami, nahimatay pala yung boss namin dahil sa ngayun lang sya nabastos at makita na nagkakagulo ang mga empleyado sa harapan niya. Kaya ikinulong kami pansamantala ng mga guard sa barracks nila sa magkahiwalay na kwarto."
"Tapos ipinatawag kami sa opisina ng boss namin nang magising na sya sa pagkakahimatay. At doon nagdesisyon na sya agad na patawan kami ng parusa dahil sa nangyari.
"Dun sa katrabaho kong nagnakaw ng flash disk at mga designs ko. Tinanggal niya sa trabaho. Sa akin naman mejo naawa sya dahil sa napatunayan ko na hindi ko ninakaw at ako talaga ang may gawa ng mga designs ko. Pero hindi nya nagustuhan yung inasal ko na gumawa ako ng gulo sa kumpanya. Kaya nagdesisyon sya na suspendihin ako sa trabaho nang 2 buwan."
"At yun na ang buong nangyari."
Napatulala na lang si Archie at walang masabi sa ikwinentong katotohanan kung bakit umuwi ng maaga ang kanyang tatay mula sa kanyang trabaho. Ngunit nagkwento pa ang kanyang tatay.
Arman: "Alam mo ba? Yung flash disk na yun na tinatago ko sa opisina? Bigay yun ng nanay mo. Siya ang nagdesign nang bulaklak sa Flash disk."
"Binili nya muna yung flash disk sa isang shop. Tsaka sya naghanap ng carbon fiber na plastik para sa bagong case nito."
"Noong bago nya ineregalo sa akin yun, matyaga nya na palang ginagawa yung case ng flash disk. Bawat detalye ng bulaklak na sobrang liit, matyaga nya rin pala yun ginagawa. Dahil gusto ng nanay mo na unique ang ibibigay nyang regalo sa birthday ko, yung araw-araw ko nakikita at nagagamit."
"Kaya nung matanggap ko yun, napakasobrang saya ko dahil sobrang espesyal ng regalo na yun at pinahalagahan ko yun ng husto."
Naunawaan na din ni Archie ang dahilan bakit ganun na lang ang reaksyon nang kanyang tatay kapag napag-uusapan ang tungkol sa nangyari sa flash disk. At naisip din nya marahil kung bakit laging tutok sa trabaho ang kanyang tatay ay dahil sa gusto nito na nakikita at nagagamit ang regalo ng kanyang nanay sa kanyang tatay.
Pero dahil din sa ito'y sira na, hinala ni Archie ay marahil ay nawalan na ng gana na magtrabaho pa ang tatay nya at dahil na rin sa gulo na ginawa nito sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/st...